Chapter 14
Hay naku... back to school na naman.Two days din akong absent. Wala ngayon si Alex. Maaga syang umalis dahil may basketball practice daw sila.
Eto ako, mag-isang naglalakad sa hallway.
BLAG!!!
"Ouch!" bumagsak ako sa sahig. Ang sakit ng pwet ko. huhuhu T^T
"Ano ba?! Bakit di ka tumitingin sa... " tumingin ako sa kanya. "Rye?"
"Alex?"
Inabot nya sakin yung kamay nya.
Teka parang nangyari na to ah.
"Tutunganga ka na lang ba dyan? Bahala ka nga dyan!"
Tumalikod na sya at naglakad palayo. Kahit kelan talaga ang sungit nito.
Tumayo ako at hinabol sya.
"Hoy bakit nandito ka?"
Di nya ko pinansin. Tuloy-tuloy lang sya sa paglakad.
"Hoy! Ano ba?"
Hinila ko yung braso nya.
"Get your hand off me!!"
Hinila nya naman pabalik yung braso nya. Napatigil ako non sa paglalakad. Nasaktan ako sa sinabi nya. Parang wala kaming pinagsamahan ah. Dati kahit kahit anong pangungulit ang gawin ko sa kanya di sya napipikon sakin.
"Its because of that fucking marriage."
Naiwan ako doon. Nakatulala. Bakit... bakit nasasaktan ako? Matagal na yun diba? At matagal na ding wala. Pero bakit ang sakit-sakit?
Di ko na mapigilan yung luha ko. Ang sama-sama ng pakiramdam ko.
"Babe umiiyak ka ba?" si Alex pala. Di nya dapat makita na umiiyak ako.
"Ha? Hindi ah. Napuwing lang ako. Ako? Iiyak? Nagpapatawa ka ba?" mabilis kong pinunasan yung luha ko.
"Hindi daw pero namumula yang ilong mo"
"Ah... eh... sinisipon kasi ako eh. Sige pala una na ko. Bye"
Tumakbo na ako palayo sa kanya.
"Sorry Alex, sorry talaga" bulong ko sa sarili ko.
Pumasok na ko sa klase ko. May practice si Alex kaya hindi ko na kailangang magpaliwanag sa kanya.
Lumilipad yung utak ko kaya wala rin akong natutunan. Umuwi akong mag-isa. Pinilit kong umiwas kay Alex. Pag dating ko sa apartment ko dumapa ako sa kama at doon umiyak ng umiyak.
"Sorry Alex, ngayon lang, isang gabi lang. Pagkatapos nito kakalimutan ko na sya."