Chapter 15
Nagising ako. Grabe ang sakit ng ulo ko. mpf... pansin ko lang madalas ang pagkakahimatay ko sa istoryang ito ah. Hehehe.
Paglingon ko...
"Aaaaaaaaaaaah......"
"Oh babe bakit ka sumigaw?"
"Eh pano pag lingon ko mukha mo na agad nakita ko. Sobrang lapit pa."
"Wah!! Grabe ka naman."
Tumawa na naman sya ng tumawa. Adik talaga to.
"Anong nangyari?" tanong ko. Bigla namang sumeryoso yung mukha nya.
"Bigla ka nalang nahimatay dyan. Sabi mo may phobia ka sa dugo."
"Ah oo nga. Namana ko yun sa mommy ko. Teka anong oras na ba?"
"9 na, bakit?"
"Ano ka ba. May klase tayo ng 10" tumyo na ako. "Sige maliligo muna ako."
"Pasabay nga."
"Sapak gusto mo?"
"Hindi, kiss ang gusto ko."
"Gusto mong humalik sa kamao ko?" tapos tinaas ko yung kamao ko.
"Waah!! Warfreak ka talaga."
"Haynaku magtigil ka dyan. Lumayas ka na at maliligo na ako."
"Sige alis na ako. Bye babe"
Umalis na si Alex. Naligo na ako. Nagshower nalang ako kasi malelate na ako. Haaay... medyo masakit pa yung ulo ko. Paglabas ko ng CR nainig kong tumutunog yung phone ko kaso di ko na nasagot kasi nagstop na. Pagtingin ko grabe 22 missed call!! Galing lahat kay yaya Sabel. Ano na naman kayang nangyari. Tapos bigla akong kinabahan.
"Si daddy..."
Tumunog ulet yung cp ko. This time singot ko na.
"Hello?"
"Miss Alex pumunta ka dito... ang daddy mo inatake ulet."
"Ano???!!!! Akala ko ba okay na sya?"
"Masyado syang naistress dahil sa away nyo."
"Kasalanan ko na naman." Mangiyak-ngiyak kong sabi. "Papunta na ko dyan yaya."
___________________
Andito ako ngayon sa ospital binabantayan si daddy. Wala pa din syang malay. Sabi ng doctor delikadi daw ang kundisyon nya. Isang heart attack pa baka di na kayanin ng puso nya.
I can't help but cry. Kami na nga lng dalawa tapos iniwan ko pa sya.
"Dad I'm sorry. Please wake up. I'm here."
Maya-maya lang dumating si Rye kasama ang parents nya.
"Oh tita napadalaw kayo." sabi ko habang kinukuha yung dala nilang prutas. "Salamat po dito ah. Upo po kayo."
"Kamusta na ang daddy mo hija?"
"Hindi po okay. Hanggang ngayon di pa sya gumigising. Three days na syang tulog. Kasalanan ko po itong lahat eh." sabi ko habang umiiyak.
