A 17 Year Old Bride (6)

848 14 0
                                    

Iniyak ko lang ng iniyak yung sama ng loob ko. Ganito talaga ako eh. Pero pagkatapos kong umiyak ay okay na ulit ako. Parang walang nangyari. Nakatulog na siguro ako kakaiyak eh.

Maaga akong nagising. I feel better now. Pumasok na agad ako. Nagtext naman si Alex na nauna na daw sya sa school. Bukas na ata yung laban nila kaya todo practice na sila. Namimiss ko na yung taong yun ah. Di bale dadalawin ko nalang sya mamaya.

Nakasalubong ko naman si Maggie sa hallway. Namiss ko din tong babaeng to. Lagi din kasing busy eh.

"Uy bruha ang aga mo ata ah"

"Maaga akong nagising eh. Busing busy ah"

"Oo nga eh. Ang dami kasing naiwang trabaho nung nag-outing tayo eh"

"Ganon ba... pasensya na ha"

"Ano ka ba. Ayos lang yun enjoy naman eh. Sige ha una na ko."

"Sige ingat ka. Kitakits nalang"

"Ingat din"

Dahil one hour before ang klase namin nagdecide akong pumunta sa gym para manood ng practice. Nakita ko naman dun si Alex na nakaupo sa bench. Nakita nya naman agad ako.

"BABE!!" ipagsigawan daw ba.

"Hi..." kumaway naman ako sa kanya.

Tumakbo sya palapit sakin. Todo ngiti pa. Yeehee...

"Oh bakit nandito ka."

"Wala lang. Bakit masama?"

"Miss mo ko no?"

"Oo" bulong ko.

"Ano??"

"Sabi ko hindi. Bakit naman kita mamimiss?"

"Naku, kunwari ka pa eh. I miss you babe" umakto naman syang yayakapin ako.

"Waaah..." lumayo ako. "Wag kang lalapit sakin puro pawis ka... eeeww..."

Nag-evil grin naman ang loko. Nakupo may masama na namang balak to kaya tumakbo na ako palayo sa kanya.

"Babe tara na dito wag ka ng tumakbo"

"Ayoko! Ang baho mo eh" nagbibiro lang ako. Kahit puro pawis sya eh mabango pa din sya.

"Ang bango ko kaya"

"Eeew... magshower ka muna. Wag kang dumikit sakin."

Ang bilis nya tumakbo kaya ngayon hawak na nya ko sa kamay.

"Bitiwan mo ko. Yuck!"

"Yuck pala ha..."

The next thing I know is he gave me a peck on the lips.

Nagsigawan naman yung mga kateamates nya.

"Ikaw ha. Nakakadami ka na ah"

"Eh ang kulet mo kasi eh."

Bigla namang nagring yung phone ko.

Si yaya tumatawag. Bakit kaya...

"Excuse lang ha sagutin ko lang to"

"Sige babe, balik lang din muna ako sa practice"

At pumunta na ako dun sa labas ng gym.

"Hello?"

"Alex?"

"Yes yaya? Bakit po?"

"Alex pumunta ka dito dali, ang daddy mo!"

"Bakit?! Anong nangyari kay Daddy??"

"Inatake sya sa puso. Andito kami sa ospital. Pumunta ka na dito."

And with that tumakbo na ako kaagad. Pumunta ako sa ospital. Ano kayang lagay ng daddy ko. This is my fault.

A 17 Year Old BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon