Nandito ako ngayon sa laboratory room, kinakailangan ko ulit salinan ng dugo si Aliaa. Ako siguro ang dahilan bakit nagising siya, palaban kasi siguro yung dugo ko.
"Joseph?"hingal na hingal na tawag sa akin ng Daddy ni Aliaa.
"Ano po yun?"tanong ko naman sa kanya.
"Ang tatay mo"bigla na lamang akong kinabahan. Huwag naman ang tatay ko.
Agad akong tumakbo sa kakasunod sa daddy ni Aliaa ng biglang.
"Happy Birthday Joseph!"bati sa akin nina Tatay kasama ng mga kapatid ko. Nandito sila sa kwarto ni Aliaa na may dalang isang cake. Akala ko naman ano na ang nangyari. Masaya ko silang niyakap at napasalamat.
"Happy Birthday Anak"sabi sa akin ni tatay habang tinatapik ang balikat ko.
"Happy Birthday Kuya, Joseph"bati naman sa akin nina Ania at Francis.
"Maligayang Kaarawan Joseph, heto tanggapin mo bilang regalo namin sa'yo"bati ng mommy at daddy ni Aliaa habang inaabot ang isang birthday gift sa akin.
Agad ko namang binuksan iyon at nakita kong mga libro ito.
"Maraming salamat po, tita at tito"pasasalamat ko naman sa kanila. Nginitian lang nila ako at agad na lumakad patungo kay Aliaa.
A/N:Play: " SUGAROL" by Maris Racal.
"Happy Birthday Joseph"bati niya sa akin ng nakalapit na ako sa kanya. Hinalikan ko naman yung kamay niya.
"Maraming Salamat Aliaa, iisa lamang ang hiling ko ngayong kaarawan ko"sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin atsaka nagtanong.
"Ano naman iyon, Joseph? Ibibigay ko sa iyo"agad na sabi niya. Napangiti naman ako.
"Yun ay lumaban ka, ang manatiling gising hanggang gumaling ka. At makasama pa ng mahaba, dahil magpapakasal pa tayo. Bubuo pa tayo ng pamilya natin. Mahal na mahal kita Aliaa"agad ko namang tugon sa kanya. Ang mga ngiti niya ay napalitan ng malungkot na mukha. Alam kong hindi niya mabibigay sa akin iyon. Alam kong pagod na siya, ang gusto ko lang namin ay manatili siyang lumalaban. Pero kung yun ang gusto niya, kahit masakit sa akin ay magpaparaya nalang ako.
"Napakahirap nang hiling mo Joseph, pero pipilitin ko. Pangako, kahit hindi ko man magawa ang pangako kong lumaban at manatili sa tabi mo. Itatak mo lang sa isip mo na kahit anong mangyari, Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa kahuli-hulihan kong hininga."pangako niya sa akin kaya napangiti naman ako. Bigla na lamang bumagsak ang mga luha ko, hindi ko kaya, hindi ko talaga kayang dumating yung araw na mawawala na siya sa tabi ko. Pero ang alam ko, pinipilit niyang huwag sumuko. Dahil alam niyang maraming nagmamahal sa kanya. Maraming umaasang lalaban siya. Maraming naghihintay sa kanya. Maraming hindi sumusuko sa kanya.
ALIAA'S FATHER POV
Alam kong mahal na mahal ni Joseph si Aliaa. Kaya nga binigay ko ang gusto niya, na ilayo ko na sa kanya si Joseph habang maaga pa. Dahil alam niyang masasaktan lang siya sa huli.
*FLASHBACK*
Habang abala ako dito sa kwarto ay biglang pumasok si Aliaa. Lumapit siya sa akin at humingi ng isang pabor. Ang ilayo sa kanya si Joseph. Alam kong masakit rin naman iyon para sa kanya pero pilit siyang nagpapakatatag. Noong una, hindi ako payag sa kanilang dalawa pero ng tumagal at mas nakilala ko pa si Joseph ay naging magaan naman ang loob ko sa kanya. Malinis ang intensyon niya sa anak ko, hindi niya pineperahan o ginagamit. Nirerespeto niya ito at inaalagaan, mas naging mabuti pa nga si Joseph kesa sa amin. Nung gabi na sinuntok ko si Joseph, lahat ng iyon ay naayon sa plano. Planong ilayo siya kay Aliaa, at kinabukasan inatake nanaman si Aliaa kaya minabuti namin siyang dalhin sa hospital. Masakit para sa akin na makitang nahihirapan si Aliaa. Halos araw-araw ay hindi siya makatulog sa sakit, sa pagchemo sa kanya at pagbone marrow test. Alam kong nahihirapan siya, gusto ko mang isuko siya pero hindi lang ganun kadaling gawin yun. At yung araw na nabundol ko yung nanay ni Joseph, akala ko magagalit o ikamumuhian niya ako. Pero mali ang inisip ko, hindi ganung klaseng tao si Joseph. Kaya mas gugustuhin ko pa na siya ang magiging asawa ni Aliaa dahil panatag na ang loob ko sa kanya.
*End of Flashback*
JOSEPH'S POV
Nandito kami ngayon ni Aliaa sa loob ng kwarto niya, wala ang mga magulang niya kaya dalawa lang kaming nandito. Umuwi ako kanina kaya naman nadala ko ang isang lumang gitarang niregalo noon sa akin nina Nanay at Tatay.
A/N: PLAY: A THOUSAND YEARS
The day we met,
Frozen I held my breath
Right from the start
I knew that I'd found a home for my heart
Beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone?
All of my doubt suddenly goes away somehowPagsisimula kong pagstrum ng gitara atsaka sinimulan na ang pagkanta. Nakahiga parin si Aliaa habang may nakakabit na oxygen sa kanya. Habang ako naman, nakaupo sa tabi niya na sinasalinan siya ng dugo. Wala akong pakealam kung maubusan man ako ng dugo, ang mahalaga matugunan ko lang yung kinakailangan niya. Nakatulog nanaman si Aliaa, halos isang linggo nanaman siyang comatose. Kaya naisipan kong haranahin siya.
One step closer
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand moreTime stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to thisDugtong ko pa habang naluluha na ako sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.
One step closer
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand moreAnd all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand moreI'll love you for a thousand more
OhhTuloy ko pa sa pagkanta, habang hawak-hawak ang mga kamay ni Aliaa. Sabay nating haharapin ang pagsubok na pilit humatak sa atin pababa. Lumaban kapa Aliaa, lalaban tayong magkahawak ang mga kamay.
One step closer
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand moreAnd all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand moreTinapos ko na ang pagkanta, halos basa na ang mukha ko sa pagbuhos ng mga luha ko.
"Mahal na mahal na mahal kita Aliaa"sabi ko sa kanya at pilit na hinahalikan ang kamay niya.
Hindi talaga ako magsasawang sabihan kang mahal kita araw-araw. Kahit pa alam ko ang mga plano ng mga magulang mo at ng doktor na iluwas ka sa states para doon ipagamot. Ayos lang sa akin iyon. Iisipin ko nalang na para din iyon sa iyo. Habang nagpapagamot ka doon ay gagalingan ko naman sa school para makapagtapos ng may degree. Ayokong mawala din ng ganon ganon lang ang mga pangarap nating dalawa Aliaa.
QUEEN_CELESTIA
BINABASA MO ANG
The Fight Is Over
Teen FictionShe is as soft as the blow of the wind. Cold but felt. She is like the stars in the sky, you can look up to but unreachable. That's how Joseph Andrius described Aliaa Santillan, his longtime love interest. Will their paths ever cross? How will t...