"You've been absent for almost 7 months, Mr. De Castro. And you are telling me that I will let you pass my subject? You're so unreasonable"sabi sa akin ni Mr. Arman habang nakaupo sa swivel chair niya. Pumasok ako ngayong araw dahil sina mommy at daddy ni Aliaa ang babantay sa kanya. Kanina pa ako nagmamakaawa na kahit tres lang ang ibigay niya mapasa ko lang ang subject niya."Please sir, I really need to pass your subject so that I'll be included to the graduating batch"pagmamakaawa ko sa kanya. Kinakailangan kong mapasa ang mga subject ko so that makagraduate ako. 2 months nalang kasi graduation day na. Nakita kong galit na galit padin siya.
"You'll have to do me a favor"alok sa akin ni Sir Arman. Kaya bigla akong nabuhayan.
"And what is it Sir Arman?"tanong ko sa kanya.
"You need to court my daughter Allen, she's been admiring you ever since. And I know that you have no girlfriend"paliwanag niya sa akin kaya namilog ang mga mata ko.
I'm sorry sir but I already had a girlfriend. In fact, she's more beautiful than your daughter"walang bahid na emosyon kong sabi sa kanya. Kumuyom naman yung panga niya at biglang hinampas ng malakas ang mesa niya. Damn!
"You're just insulting my daughter"sabi niya sa akin.
"No I'm not sir, I'm just telling the truth"giit ko pa sa kanya.
"Just leave, leave"sigaw niya sa akin. Kaya agad naman akong lumabas ng kwarto niya.
Maraming mga teachers ang nagbigay sa akin ng second chance para makagraduate ako kaya hindi ko na inaksaya ang panahon. Ginawa ko lahat ng mga ouputs na pinapagawa nila sa akin.
Pagkatapos ng klase namin ay agad naman akong dumeretso sa isang malapit na mall.
"Maganda 'to diba?"tanong ko sa babaeng sales lady.
"Yes sir, para po ba sa girlfriend niyo?"tanong niya sa akin. Tumango naman ako.
Nandito ako ngayon sa isang jewelry store. Bibilhan ko ng kwintas si Aliaa, nung namasyal kasi kami hindi na kami nakapunta dito dahil natagusan siya. Heto yung pinakita niya sa aking gustong-gusto niyang kwintas. Mabuti nalang at wala pang nakakabili nito. Luma na din naman iyong suot niya pading kwintas hanggang ngayon eh.
"Thank you sa pagbili sir"sabi sa akin ng sales lady at agad akong lumabas ng store.
Dumeretso naman ako sa isang flower shop. Bibilhan ko ng red roses si Aliaa. Pagkabili ko ay agad kong dumeretso sa hospital. Umaasang gigising na si Aliaa, pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong nagkakagulo silang lahat. Maraming doctor ang nandoon sa loob kaya nagtaka ako.
"Ano po ba ang nangyayari dito?"bigla kong tanong habang lumalapit sa kama ni Aliaa.
"Nagtetest nanaman ang mga doktor kay Aliaa, pero hindi parin ito nagigising."sagot sa akin ng mommy ni Aliaa.
"Excuse us madam"agad na pagpapalaam ng mga doctor sa mommy ni Aliaa.
Nilapitan ko naman si Aliaa atsaka pinasuot ko sa kanya yung kwintas na binili ko. Yung design ng kwintas niya ay isang singsing na may padlock.
"Magpagaling ka kasi miss na miss na kita. Pumasok ako kanina sa school para masiguro na pasa ako at oo nga. Alam mo bang Magna Cumlaude ka sa sa batch natin? At isa pa, marami ng nagtatanong sa akin kung asan kana raw. "agad na sabi ko sa kanya.
Tulog man siya, hindi parin ako mapapagod sa pagpapaalala na mahal ko siya. Dahil yun yung totoong nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong isipin na sa tagal ng paghihintay ko, ngayon pa ako mapapagod at susuko. Abot kamay ko na ang babaeng matagal ko ng pinapangarap. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Kung may mga bagay man na mali sa akin para lang mangyari ang lahat ng ito ay hahanapin ko at itatama. Ayokong mabuhay ng may pagsisisi dahil lang sinukuan ko ang babaeng pilit lumalaban para lang sa mga pangako niya sa akin. Gusto ko pang igugol ang mga panahon ko na kasama siya. Ilang araw nalang makakapagtapos na ako, ngayon pa ba siya mawawala sa akin? Kung ang pagiging matagumpay ko sa buhay ang kapalit ng pagkawala niya ay isusuko ko nalang iyon. Marami pa naman sigurong paraan para maabot ko lahat ng yun. Siguro hindi talaga ito ang para sa akin. Siguro may mga bagay pa na nakalaan sa akin na dapat ko pang alamin.
"There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment. So don't worry cous I'm still loving you in the next part of my life"nagulat ako ng marinig ang boses niya. Napangiti naman ako atsaka hinalikan yung noo niya. Pumupungay ang mata niya habang may silay ng ngiti sa mga labi niya. Napabalikwas ako sa kinauupuan ko para mahawakan ang kamay niya.
"I'm not leaving you Joseph, not yet nor not this time"sabi niya sa akin.
"I don't wanna close my eyes, I don't wanna fall asleep, I don't wanna miss a thing."dugtong pa niya. Habang pilit na hinahawakan ang mga kamay ko. May kung ano sa akin habang tinititigan ko siyang hinang hina na. Masakit pala isipin na dahil lang sa kagustuhan niyang lumaban, mahihirapan siya. Gustong gusto ko siyang lumaban pero ayoko namang maging makasarili. Ayokong nakikita siyang nahihirapan dahil lang sa gusto ko. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad ko namang pinunasan iyon sabay napalunok.
"If you live to be a hundred, I want to live to be a hundred minus one day so I never have to live without you."sabi ko naman sa kanya habang hilaw na napangiti. Habang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko nanaman ang mga araw na una ko siyang nakita. Nakatayo habang kausap ang kaniyang mga kaibigan. Dahil sa matamis niyang mga ngiti, bigla kp siyang nagustuhan. Para sa akin, ibang iba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. May mga lalaki ding nagkakagusto sa kanya pero hindi niya iyon binibigyan ng pansin. Naalala ko din ang mga araw na umiyak nanaman siya dahil naalala nanaman niya iyong pagkamatay ng kapatid niya. I never thought that I can also felt her sorrow and pain that same time. Hindi naging madali para sa kanya ang lahat pero dahil siguro nakikita niyang kailangan niyang bumangon para sa pamilya niya, nagagawa padin niyang mag aral ng mabuti. Nagawa niyang maging mabuting anak para sa mama niyang hindi raw siya naaappreciate.
Agad ko siyang niyakap atsaka tinitigan sa mga mata.
"I guess, I'm really inlove with you"sabi niya sa akin. Napangiti naman ako habang inaabot sa kanya yung red roses.
"Thank You Joseph"pagpapasalamat niya sa akin. Habang napapikit dahil dinampi ko ang mga labi ko sa labi niya. Hindi ko maiimagine ang sarili ko na magising isang araw na hindi na siya kasama. Na hindi na siya nakikita pa. Parang pinatay na din ako pagnangyari iyon.
QUEEN_CELESTIA
![](https://img.wattpad.com/cover/179081620-288-k946769.jpg)
BINABASA MO ANG
The Fight Is Over
Fiksi RemajaShe is as soft as the blow of the wind. Cold but felt. She is like the stars in the sky, you can look up to but unreachable. That's how Joseph Andrius described Aliaa Santillan, his longtime love interest. Will their paths ever cross? How will t...