Chapter 10

40 8 0
                                    

Ilang taon na rin ang nakalipas ng mamatay si Aliaa. Pero ang sakit na nararamdaman ko ay parang bagong-bago parin. Ilang buwan rin ng mamatay si Aliaa ay pumanaw na rin si Itay dahil sa sakit sa puso. Pero inampon kami ng mommy at daddy ni Aliaa. Sila ang nagsilbing mga magulang namin, matapos kong makapagtapos ay nagtrabaho na ako. Nakapatayo na ako mg bahay at pinapaaral ang mga kapatid ko.

"Anak? Joseph? heto pala, ngayon ko lang yan nakita. Mukhang sulat kamay iyan ni Aliaa"sabi sa akin ni Mommy at agad na iniabot ang isang sobre. Kunot noo naman ako habang tinatanggap iyon. Nandito ako sa opisina ko habang nirereview ang iilang proposal na natanggap ko sa ibang bansa. Napili nila akong maging head ng team nila para sa pinaplanong malaking gusali. Agad ko naman itong binuksan atsaka binasa.


Mahal kong Jose,

Sa panahong binabasa mo ito, siguro naman ay patay na ako at may sarili ka nang pamilya. Sinulat ko ito matapos tayong magpaenroll sa unibersidad na pinapasukan natin. Pasensya kana kung nasaktan ka ni Daddy, gusto ko lang naman na lumayo ka sa akin dahil hindi rin naman ako magtatagal sa mundong ito. Patawarin mo rin sana ako kung hindi ko na magagawa ang mga pangako ko sayo. Pero isa lang sinisigurado ko, nandito man ako sa kabilang buhay ikaw parin ang mahal ko. Patawarin mo rin ako kung naging madali lamang ang ating pagiibigan. Sana maging masaya kana kahit wala na ako sa tabi mo, sana ipagpatuloy mo parin ang nasimulan nating dalawa. Dadating din ang panahon na para talaga sa atin. At siguro, handa na ako para ibigin ka sa panahong iyon. Hindi man tayo itinadhana ngayon, sinisigurado ko sayo na pagtatagpuin parin tayo ng tadhana sa takdang panahon. Mahal na mahal na mahal kita Joseph ko. Maraming salamat dahil dumating ka sa buhay ko

Nagmamahal,

Aliaa Elianna


Agad nanaman akong umiyak dahil sa nabasa ko. Matagal na ring panahon matapos na umibig ako. Hindi ko na ito ipinagpatuloy dahil siya lang ang babaeng minahal ko.


30 years na matapos ng pag-iibigan naming dalawa, nagdesisyon akong magPari dahil ayoko nang magmahal pa ng iba. Kung hindi man si Aliaa ang itinadhana para sa akin ngayon, siguro naman sa mga susunod pang henerasyon.


Ako nga pala si Joseph Andrius De Castro, ang nag-iisang lalaking nagmahal, nasaktan, iniwan at pilit na bumabangon hanggang sa ngayon. Ang hirap parin kasing kalimutan ang mga masasayang mga araw na kasama ko pa siya. Nasanay na kasi akong siya palagi ang kasama ko. Lumubog o lumitaw man ang araw at ang buwan. Siya iyong naging dahilan palagi ng pag-gising ko sa umaga. Ang dahilan kung bakit ginugusto kong igugol nalang ang lahat ng oras ko sa trabaho para makalimutan ang sakit dahil sa biglaan niyang pagkawala. Naisipan ko ding bumuo ng isang foundation kung saan sinusuportahan ko ang mga taong may malulubhang sakit gaya nalang ng mga Cancer at Leukemia. Ayoko ng maulit ang insidenteng iyon sa ibang tao dahil alam ko, ramdam ko ang sakit ng mawalan ng isang mahal sa buhay. Pinag-aral ko din sina Ania at Francis na ngayon ay isa ng ganap na Doctor at Engineer. Nakapagasawa na din si Francis at may dalawang anak. Si Ania naman ay isa lang at babae pa. Agad naman niya iyong pinangalanang Aliaa. May kung ano sa akin sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Minsan, sa tuwing nakikita ko siya ay niyayakap ko nalang. Miss na miss ko na iyong babaeng mahal ko at minahal din ako.


Joshua 1:9:

"Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be frightened, and do not be dismayed, for the LORD your God is with you wherever you go."

Proverbs 3:5-6:

"Trust in the LORD with all your heart, and do not lean on your own understanding. In all your ways acknowledge him, and he will make straight your paths."


Psalm 23:4:

"Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me."

Psalm 31:24:

"Be strong, and let your heart take courage, all you who wait for the LORD!"


Psalm 46:7:

"The LORD of hosts is with us; the God of Jacob is our fortress."


Psalm 55:22:

"Cast your burden on the LORD, and he will sustain you; he will never permit the righteous to be moved."


Psalm 27:4:

"One thing have I asked of the LORD, that will I seek after: that I may dwell in the house of the LORD all the days of my life, to gaze upon the beauty of the LORD and to inquire in his temple."


Psalm 34:8:

"Oh, taste and see that the LORD is good! Blessed is the man who takes refuge in him!"

Proverbs 17:17:

"A friend loves at all times, and a brother is born for adversity."


Isaiah 26:3:

"You keep him in perfect peace whose mind is stayed on you, because he trusts in you."

John 15:13:

"Greater love has no one than this, that someone lay down his life for his friends."

Ilan lamang ang mga iyan sa mga bible verses na palagi kong binabasa ng paulit-ulit. Matapos ng misang hinandog ko ay dumeretso na ako sa sementeryo para dalawin ang puntod ni Aliaa.


Matagal na rin ang huling bisita ko rito Aliaa, ilang taon na rin ang nakalipas pero bago ko lang nabasa ang sulat na ibinigay mo para sa akin. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi na ako nakapag-asawa pa sa kadahilanang ikaw lamang ang nilalaman ng aking puso. Gaya ng pangako ko, ikaw lamang ang babaeng mamahalin ko hanggang kamatayan. Mahal na mahal kita Aliaa.



THE END



QUEEN_CELESTIA

The Fight Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon