Sa bawat araw na nakikita ko siya ay mas lalo akong nakakaramdam ng matinding pagmamahal para sa kanya. Hindi siya iyong tipo ng babae na makikita mo sa gabi na nakasuot ng masyadong revealing na damit. Hindi din siya iyong tipo ng babae na makikita mo sa tabi, nakaupo habang kaharap ang iilang bote ng alak at may hawak na sigarilyo sa kanyang daliri. At mas lalong hindi siya iyong tipo ng babae na makikita mong papalit-palit ng lalaki. Ganoon ang pagkilala ko sa kaniya kaya halos lahat sa school ay may gusto sa kanya. Pero mahirap siyang abutin dahil halos langit at lupa ang pagitan namin. Mahirap lang ang pamilya ko, meron akong dalawang bunsong kapatid. Sina Ania at Francis na sumpong taong gulang at walong taong gulang. Si Inay ay tagabenta lamang ng mga gulay sa palengke samantalang si Itay naman ay nagtatrabaho sa bukid. Simple lamang ang aming buhay, laking probinsya ako kaya nang lumuwas ako ng Manila ay nahirapan ako.
"Jose?ano pa bang ginagawa mo riyan?halika na at baka mahuli na tayo sa klase"sabi sa akin ng pinsan kong si Jino. Siya lang ang kasama ko ng lumuwas ako dito. Laking Manila kasi siya at kabisado niya ang pasikot-sikot ng syudad.
"Ilang beses ko bang sabihin sayo na huwag mo akong tawaging Jose?"sagot ko naman sa kanya habang inaayos na ang aking polo.
Naglakad lamang kami papunta sa skwela kasi malapit lang naman. First year college na ako at ang kinuha kong kurso ay Civil Engineering. Gusto ko sanang kumuha ng Aeronautics kaso wala kaming pera para sa kursong gusto ko. Scholar lamang ako sa isang University na pinapasukan ko kaya dapat consistent lagi ang grado ko. Maaga pa naman kaya wala pa masyadong tao sa kalsada. Tumigil muna ako sa isang malaking bahay. Tinitingnan ko ito palagi sa tuwing dadaan kami rito.
"Joseph?halika na, malelate na tayo sa school. Tama na muna ang pagpapantasya sa crush mo"patuyang untag niya kaya nasira ang maganda kong ngiti. Kahit minsan ang isang ito ay hindi talaga ako sinuportahan. Kaya nagsimula na ulit akong maglakad. Pagdating namin sa school agad akong pumunta sa locker ni Aliaa.
"Tignan mo kung may mga estudyanteng dadaan ha"sabi ko kay Jino habang kinukuha ang isang pink na sobre sa bag ko. Palagi namin itong ginagawa, kaya palagi kaming maaga para wala masyadong taong makakakita sa amin.
"Ikaw ha, hinahayaan lang kita jan sa ginagawa mo. Joseph? Ilang buwan mo nang binibigyan ng sulat si Aliaa pero wala parin"usal niya sa akin habang dumeretso na kami sa classroom. Naiintindihan ko naman ang sinasabi niya eh. Siguro hindi talaga kami bagay ni Aliaa dahil mayaman siya samantalang ako mahirap lamang. Pero heto talaga ang mas lamang sa lahat, gusto ko siya habang ako? Hindi niya kilala.
Ilang minuto pa ay dumating na ang prof namin atsaka nagsimula nang magdiscuss. Katabi ko lang si Jino, ang isa talagang ito ay palagi niyang tinutulugan ang klase ni Prof. B. Pagkatapos naming magdisscus ay agad akong dumeretso sa school library para makapagresearch tungkol sa philosophy. Naglalakad palang ako papunta doon ng makita ko si Aliaa sa canteen kaya agad naman akong pumunta rin doon. Nakaupo lang siya sa may mesa habang kasa-kasama ang mga kaibigan niya. Habang ako nandito hindi kalayuan sa kanya para lamang matitigan siya. Ang ganda ganda talaga ng ngiti niya. Sa tuwing ngingiti siya, parang lumilipad ako hanggang sa ulap. Masarap sa pakiramdam na makita siyang nakangiti. Napangiti naman ako habang nakatitig parin sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Nakakunot lamg ang noo niya. Naririnig ko na ang kalabog ng puso ko. Nagkatitigan kami atsaka bigla na siyang umiwas. Agad naman akong umalis doon baka kasi magkaheart attack pa ako. Dumeretso na ako sa library dahil wala pa kaming klase next period. Wala akong kakilala rito kaya naman palagi akong nagiisa. Ang pinsan ko kasing si Jino ay may barkada kaya minsan lang kami kung magusap dito sa loob ng university. Hindi naman ako nerd, sadyang gusto ko lang talagang mag-aral para naman maiahon ko sa hirap sina nanay at tatay.
"Hi Joseph, anong ginagawa mo?"rinig ko ang lambing ng kanyang boses. Naramdaman ko pang nilapag niya ang kanyang mga gamit sa mesa. Sinulyapan ko naman siya at agad kong nakitang nakangiti lang siya.
"Nag aaral syempre, alangan naman kumakanta diba?"sagot ko sa kanya. Tumabi naman siya sa akin atsaka hinimas ang mga braso ko.
"Ikaw talaga Joseph ang bolero mo"sagot niya sa akin habang walang tigil parin ang paghawak sa mga braso ko. Hinawi ko naman ito dahil tinitignan na kami ng mga tao.
"Ano ba, tama na nga yan. Please naman Reena, lubayan mo na ako"sabi ko sa kanya at agad ko ng niligpit ang mga gamit ko. Lumayo na ako sa kanya. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako nagaksayang lumingon. Nang dahil sa kanya hindi ko na naipagpatuloy ang pagre-research ko. Pumunta nalang ako sa paborito kong tambayan dito sa campus. Dito sa likod ng administration office which is may nag-iisang bench na may bubong. Walang tao rito kaya naisipan kong pumunta. Laking gulat ko ng makita ko si Aliaa. Anong ginagawa niya rito?Mukhang malungkot siya, ano kayang nangyari. Lumapit ako sa kanya, nagulat rin siya ng makita ako kaya agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha. Bakit siya umiyak? At sa anong kadahilanan?. Paglapit ko ngumiti siya at binigyan ako ng space para makaupo, umupo naman agad ako. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Palagi ka bang nandito?"tanong niya sa akin. Pinagpapawisan naman akong tumingin sa kanya. Nahihiya ako dahil baka ang baho ko na. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik atsaka sinagot ang tanong niya.
"Mins--an, kasi pal---agi akong nasa library. Ikaw ba?palagi kabang nandito?"nauutal pa ako kaya nakita kong napangiti siya. Tumango naman siya atsaka tumingin ng diretso sa mga punong nakahilera sa harap namin.
"Bakit ka nandito?"tanong niya ulit sa akin.
"Kasi mas gusto kong mapag-isa atsaka wala naman akong mapuntahan. Bago lang ako sa University at hindi ko pa alam ang mga pasikot-sikot sa paaralang ito"mahabang sagot ko habang kinakamot yung batok ko. Tumango naman siya.
"Mas masarap kasing ikaw lang mag-iisa diba?minsan nga gusto ko ring mapag-isa dahil sa dami ng problemang hinaharap ko"usal niya at pilit na ngumingiti. "Alam kong hindi totoo ang mga inaasal ng mga kaibigan na nakakahalubilo ko araw-araw, pero wala na akong magawa. Kinakailangan ko silang pagtiisan"dugtong pa niya at bigla na lamang tumingin sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magkwento habang hindi pinagpapawisan.
"Mabuti kapa simple lang ang buhay mo, maraming nagsasabi sa akin na crush mo raw ako?totoo ba yun?"tanong niyang ikinagulat ko. Nahihiya tuloy akong tumingin sa kanya.
"Matagal na kitang gusto Aliaa, pero nahihiya akong lumapit at ipagtapat sa iyo. Baka kasi ireject mo lang ako o baka naman may boyfriend kana"sabi ko naman sa kanya. Halata niya sigurong kinakabahan ako dahil natawa siya ng mahina.
"Yan ang palaging sabi sa akin ng mga lalaki dito sa University. Lahat yata ng mga lalaking nandito nagawa nang magbigay ng love letters sa locker ko. Syempre ayoko namang masayang yung effort nila kaya naman pilit ko itong binabasa araw-araw"paliwanag niya na nakangiti lamang at para bang wala lang sa kanya. Napangiti naman ako dahil ang cute niyang tumawa.
Pagkatapos nang mahaba naming paguusap ay nagpasya na kaming umuwi. Nabalitaan ko kasing wala ang Prof namin sa Philosophy at vacant na namin. Hinatid ko naman siya sa parking lot dahil nandoon na raw ang sundo niya.
Halos hindi pa ako makapaniwala na nakausap ko na siya. Umuwi ako sa apartment na malapad ang ngisi. Hindi ko inaasahan na mangyayari iyon. Kahit sa talambuhay ko.
QUEEN_CELESTIA
BINABASA MO ANG
The Fight Is Over
Подростковая литератураShe is as soft as the blow of the wind. Cold but felt. She is like the stars in the sky, you can look up to but unreachable. That's how Joseph Andrius described Aliaa Santillan, his longtime love interest. Will their paths ever cross? How will t...