Chapter 1

51 12 0
                                    

Maaga nanaman akong pumasok ng school at sa locker agad ni Aliaa ang tungo ko. Ako lang mag-isa dahil ang bagal ni Jino. Pagkatapos kong mailagay ang love letter pumasok na ako sa klase. Laking gulat ko ng makita si Aliaa sa loob ng classroom, nagkamali ba ako ng pinasukan?bakit nandito si Aliaa? Akala ko ba Accountancy yung kinuha niya. Agad naman akong lumabas at tinignan ulit ang nakasulat sa pinto. Engineering Building naman ang nakasulat at. Pumasok na ako atsaka umupo sa upuan kong katabi lang siya, hindi pa ako nakalapit agad na siyang kumaway atsaka ngumiti sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.




"Hi, good morning"bati niya sa akin ng makaupo na ako sa tabi niya. May narinig pa akong singhapan atsaka pang-aasar galing sa mga classmates namin.


"Hello Aliaa, good morning"bati ko rin habang nakangiti. Agad kong inayos ang mga gamit ko bago bumaling sa kanya.



"Ano nga palang pangalan mo?hindi ko kasi natanong kahapon eh."tanong niya habang nakatitig parin sa akin. Umayos naman ako ng pagkakaupo atsaka inilahad ko ang mga kamay ko sa kanya.



"Ako nga pala si Joseph"pagpapakilala ko at agad naman niyang kinuha. Ngumiti siya sa akin.


Magsimula ng nagkakilala kami ay palagi na kaming magkasama. Hindi na siya sumasama sa mga kaibigan niya dahil pinaplastic lang naman siya ng mga ito. Pineperahan lang at saka pagwala na siyang maibigay, hindi na siya papansinin. Masakit rin para sa akin na malamang ganyan ang pakikitungo nila kay Aliaa. Kaya palagi ko siyang pinapasaya, ayokong mawala ang ngiti sa mukha niya.


Isang araw, inaya ko siyang pumunta sa bahay namin. Wala na kaming pasok kasi bakasyon na. Pinayagan naman siya dahil tatlong araw lang kami roon. Mahaba ang binyahe namin papunta sa probinsya. Kasama ko si Jinno dahil uuwi rin ito, namiss niya din siguro ang kanyang pamilya. Pagkadating namin doon ay agad kong nakita si Nanay na nakaabang na sa labas. Agad akong lumapit atsaka niyakap siya. Mahigit apat na taon narin ang nakalipas bago ako ulit nakauwi dito.

Pagkayakap ko kay nanay ay bigla akong hinambalos ni Aliaa.


"Araayy naman"daing ko. Tumingin naman siya sa akin na nakataas ang kilay


"Ang harot mo, dito pa talaga sa harapan ko? Akala ko ba wala kang iba?"reklamo niya sa akin habang nakapout pa. Tumawa naman kami ni Nanay.


"Bakit?"tawang tanong ko sa kanya. Nanatili namang nakatayo si Nanay habang pinagmamasdan kaming dalawa.

"Sino siya?"alam kong galit na siya. Base sa tono ng boses niya.


"Aliaa, siya ang Nanay ko. Relax huwag kang magselos"pagpapaliwanag ko sa kanya. Nagulat naman siya at biglang niyakap si nanay.

"Ayy, pasensya na po. Akala ko kasi ano eh"sabi niya pa habang nakakamot sa batok niya. Tumawa naman si Nanay.


"Ang bata niyo pa po kasi kaya naisip kong baka babae ka niya. Pasensya na po talaga"paghihingi niya pa ng tawad kay nanay.


"Suss, wala yun, ikaw talaga. Halina kayong dalawa, alam kong pagod na pagod na kayo sa byahe"pagaaya sa amin ni nanay na pumasok sa bahay. Malawak ang lupa namin kaya masyadong malayo pa ang bahay namin mula sa gate naming kahoy. Marami kaming mga halaman atsaka mga bulaklak. Maliit lang ang bahay namin, dalawa lang ang kwarto nito.


"Umupo muna kayo riyan at nagluluto pa ako"sabi ni nanay habang pinapaupo si Aliaa sa upuan naming kahoy.

"Salamat po Tita"sabi naman ni Aliaa. Nginitian naman siya ni nanay.


"Ikaw pala yung Aliaa'ng palaging nababanggit sa akin ni Jose--

Nay naman, Joseph po"

Tumawa naman si Aliaa, alam kong kukutyain nanaman niya ako sa pangalang Jose. Natawa lang din si Nanay habang binabalewala ang sinabi ko.


"Kasi kapag tumatawag yan sa amin sa telepono, palagi ka niyang nababanggit. Crush na Crush ka niyan. Naabutan ng umaga sa kakasulat ng tula at love letter para sayo."kwento pa ni nanay kay Aliaa. Ngumingiti lang naman si Aliaa sabay sulyap sa akin kaya tipid akong napangiti.


Pagkatapos niyang magkwento kay Aliaa ay dumeretso na siya sa kusina para magluto. Lumabas naman kami para magpahangin, masarap at malinis kasi yung hangin dito sa probinsya di tulad sa Manila.


"Simple lang pala yung buhay niyo no?"tanong niya sa akin habang pinapagpagan ko ang upuan namin.


"Oo naman, pero masaya naman kami."sagot ko naman sa kanya. Tumango lang siya sa akin atsaka ngumiti.

"Mabuti kapa, masaya kayo"sabi naman niya kaya nabigla ako. Nakita ko kung paano niya tutupin ang kanyang labi kaya agad ko siyang hinawakan sa kamay.



"Huh?bakit naman?"gulat na tanong ko sa kanya.

"Ampon lang ako nina Mommy at Daddy kaya masyadong wala akong halaga sa kanila. Ilang beses nang nakunan si mommy kaya naisipan nilang umampon. Pagkatapos nila akong ampunin, nabuntis naman si mommy. Five years old ako that time. Naisip ni mommy nung una na ibalik ako sa bahay ampunan. Pero hindi naman pumayag si Daddy. One time, kasama kong naglalaro ang maliit kong kapatid na babae. Wala sina mommy sa bahay dahil may business trip sila sa London kaya kami lang ni Allison, busy kami sa paglalaro ng bigla siyang nahulog sa swimming pool. Three years old lang siya noon habang ako naman Eight years old. Sinubukan ko siyang sagipin kahit alam kong hindi ako marunong lumangoy. Pero huli na dahil pareho na kaming lumubog. Hindi agad ako nakatawag ng tulong dahil wala ang mga yaya. Walang nagbabantay sa amin. Pagkagising ko nasa hospital na ako at nakita kong umiiyak si mommy. Patay na pala yung kapatid ko. Mula noon ako na ang sinisi ni mommy sa pagkamatay ng kapatid ko. Hindi na niya ako itinuring na anak. Napupuyat at kulang ako sa tulog sa kakaiyak tuwing gabi dahil sinisisi ko din ang sarili ko. Hanggang ngayon, sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari. Sana ako nalang yung nalunod, sana ako nalang ang namatay. Dahil pakiramdam ko patay na ako para kay mommy."mahabang paliwanag niya. Umiiyak na siya kaya agad ko siyang niyakap. Kaya siguro parang ang putla putla niya palagi. Hindi naman sa kinakaawan ko siya pero talagang naaawa ako sa sitwasyon ni Aliaa. Ilang taon niya ring kinikimkim ang mga sakit at matagal na niyang sinisisi ang sarili sa kasalanang hindi niya ginawa o sa pangyayaring hindi naman niya sinadya. Ni hindi siya nabigyan ng panahon para intindihin.



"Huwag ka nang umiyak Aliaa, darating din yung panahon na patatawarin ka ng mommy mo. Huwag ka nang umiyak ha, huwag mo na ring sisihin ang sarili mo sa pangyayaring hindi mo sinadya"pagpapatahan ko sa kanya. Tumingala naman siya sa akin habang pinupunasan ang mga luha niya.


"Maraming salamat Joseph dahil palagi kang nandiyan sa tabi ko sa tuwing may problema ako"sabi niya sa akin. Nginitian ko naman siya. Kung may mga bagay ako na kaya kong ibigay sayo, ibibigay ko yun. Hindi ako magdadalawang isip na bigyan ka ng mga bagay na deserve mo. Mas lalong ayokong nakikita siyang nasasaktan. Parang ako mismo ay nasasaktan para sa kanya. Kung pwede ko lang sanang akuin ang lahat para hindi na siya mahirapan ay aakuin ko nalang lahat. Nanatili kami doon hanggang sa tinawag na kami ni Nanay para sa tanghalian namin.








QUEEN_CELESTIA

The Fight Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon