It's been 10 months since Aliaa is fighting for. Halos sampung buwan na ang nakaraan ng pinipilit niyang labanan ang sakit niya. Alam kong nahihirapan na siya pero hindi ko kayang bitiwan siya.
Araw ngayon ng graduation ko, abala ako sa pag-aayos ng mga gamit. Sa wakas, makakamtan ko na ang matagal kong pinapangarap. Ito na yung araw na kukunin ko na yung diploma ko. Sa wakas, makakagraduate na ako. Dahan dahan ng naaayon ang lahat ng mga plano ko habang kasama siya.
"Nay?ngayon na po yung araw na makakapagtapos ako. Sana nandito ka ngayon, alam kong proud na proud ka sa akin. Pangako ko po sa inyo na ako ang mag-aalaga kay tatay at magpapaaral sa mga kapatid ko. Sana po, huwag niyo munang imbitahin si Aliaa na pumunta na riyan sa langit. Kailangan ko pa po siya. Hindi ko alam ang gagawin kung mawala siya sa akin."basag ang boses ko habang sinasabi iyon sa harap ng libingan ng nanay ko. Naisipan kong dumalaw dito bago muling lumuwas ng Manila para sa graduation ko. Kahapon pa ako dito at maaga akong bumisita para maaga din akong makabalik sa Manila. Sa susunod na mga araw na ang takdang pag-alis nina Aliaa papuntang States para doon na magpagamot. Napag-usapan na namin ito nila Tita. Noong una ay ayoko pa sana kaso naaawa na ako sa sitwasyon niya at kung doon ay mas gagaling siya. Limitado lamang dito ang mga gamit at kung gusto talaga naming gumaling siya ay hahayan naming doon nalang sa State siya ipagamot. Naayos na din nila Tita ang mga kailangan nila. Private Plane lang ang gagamitin nila sa pagluwas. Hindi muna sa ngayon dahil graduation ko pa at nagpaalam muna ako sa kanila na hayaan akong makasama siya kahit sa konting panahon manlang.
Pagkatapos kong bumisita sa puntod ni Nanay ay agad naman akong dumeretso sa hospital.
"Ahh"sigaw ni Aliaa ng makapasok ako sa kwarto niya.
"Kumalma ka muna Aliaa"pagpapakalma ng mommy niya. Habang nakikita ko kung paano siya nahihirapan ng ginagawa ulit ang iilang test sa kanya. Agad ko naman siyang dinaluhan at hinawakan anh kamay niya.
"Aliaa, nandito na ako."agad ko namang sabi ng makalapit ako sa kanya. Pilit kong hinahawakan ang dalawa niyang braso baka mahulog siya sa pagiba-iba ng direksyon dahil sa matinding kirot na nararamdamam niya ng itusok ang iilang injection sa spinal cords niya. Marami nanamang mga doktor ang nandoon. Nakita ko naman kung paano yakapin ni Tito si Tita habang walang tigil sa pag-iyak ito. Alam kong naawa na sila sa anak nila.
Tinurukan na naman siya siguro ng gamot kaya siya nagkakaganito. Pero maya-maya pa ay kakalma rin siya. Nakikita ko namang pilit na pinipigilang umiyak ang mommy niya. Kailangan naming lumaban para kay Aliaa. Paano siya lalaban kung kami mismo hindi kayang lumaban para sa kanya. Pilit ko parin siyang pinakalma pero bigla siyang nanigas at nagcollapse. Agad namang dumalo ang iilang doktor sa kanya. Namilog pa ang mga mata ko dahil sa biglang pagcollapse niya.
Alas dose na at ilang minuto nalang maguumpisa na ang graduation namin. Pero hindi ko kayang iwan dito si Aliaa. Pilit kong pinapatibay ang loob ko. Marami nanamang machine ang inilagay kay Aliaa, maraming aparatus na rin ang nilagay at ilang injection na ang natusok sa kanya. Pero collapse parin siya ng collapse. Hanggang sa, tumabingi na yung baba niya, parang sa lagay niya ay nagkastroke siya. Napasapo ako sa aking ulo habang pinipigilang umiyak.
Umiiyak na ang mommy ni Aliaa habang pinapakalma ng daddy niya, abala parin ang mga doctor sa pagkakabit ng iba't ibang aparatus sa katawan niya. Sinalinan ko nanaman siya ng dugo. Titig na titig sa akin si Aliaa habang katabi niya ako at pilit na ngumingiti sa akin. Pilit niya ring inabot ang mga kamay ko atsaka.
"Jos-eph?um-alis ka-na, ki-na-kailangan mo nang pumu-nta sa scho-ol may gra-duation kapa"utal-utal na sabi niya sa akin. Napaluha naman ako. Alam kong pinipilit niya akong umalis dahil ayaw niyang nakikita ko siyang ganito.

BINABASA MO ANG
The Fight Is Over
Teen FictionShe is as soft as the blow of the wind. Cold but felt. She is like the stars in the sky, you can look up to but unreachable. That's how Joseph Andrius described Aliaa Santillan, his longtime love interest. Will their paths ever cross? How will t...