Maaga akong nagising, atsaka nagsibak ng kahoy. Alas tres palang gumising na si Nanay at Tatay. Maghahanda na si Nanay upang pumunta sa palengke. Ganun rin si tatay na maaga pang magtatrabaho sa bukid. Tulog pa si Aliaa at Ania na magkatabing natulog sa iisang kwarto. Si Francis ay pinapakain na ang mga manok sa likod ng bahay Umigib na rin ako ng tubig para sa gagamiting papaliguin ni Aliaa. Hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi sa amin. Ito na ang panahong matagal ko nang pinapangarap na dumating. Sa wakas, naging akin rin ang matagal ko nang pinapangarap. Kahit ang hirap niyang abutin, siya na mismo ang naglapit sa aming dalawa. Alam na nila Inay at Itay ang tungkol sa aming dalawa. Nasiyahan naman ang dalawa ng nalaman nila ito. Mabilis lang ang naging bakasyon namin dahil tatlong araw lamang si Aliaa pwede. Kaya lumuwas ulit kami ng Manila. Alam na rin ng Mommy at Daddy niya ang tungkol sa amin. Hindi naman sila tutol pero pakiramdam ko galit parin ang Mommy ni Aliaa sa kanya. Nung naging kami ay naisipan kong pumasok sa iilang trabaho kapag walang pasok. Ayokong umasa lagi sa mga pinapadala nila Nanay sa akin. Gusto ko ding makaipon para mabigyan ko din ng mga bagay si Aliaa kahit palagi niyang sinasabing hindi na. Palagi kaming magkasamang namamasyal sa mall. Hindi ako sanay na gumala, dahil laking probinsya ako. Marami ang binili naming dalawa. Hanggang ngayon suot parin ni Aliaa ang kwintas na niregalo ko sa kanya nung birthday niya. Marami ring naging hadlang sa aming dalawa pero hindi namin sila pinapansin. Alam kong mahal ko si Aliaa at malinis ang intensyon ko sa kanya. Hindi ko siya mahal dahil maganda siya, hindi ko rin siya mahal dahil lang matalino siya at mas lalong hindi ko siya mahal dahil mayaman siya. Wala kahit isa sa mga iyon ang dahilan kung bakit ko siya mahal. Ang alam ko lang, nagising ako isang araw na mahal ko na siya kahi noong una crush ko lang siya. Hindi man naging madali ang pagsasama namin handa naman kaming harapin lahat ng problema ng magkasama. Sa tuwing nasa school kami ay doon padin ang tambayan namin. Minsan nakikita kong iniirapan siya ng iilang dating kaibigan niya pero binabalewala niya lang iyon.Naging mas malapit pa siya kila Nanay at Tatay. Sa tuwing wala sina Mommy at Daddy niya, dun siya tumitira sa bahay namin. Binibilhan rin niya ng mga bagong damit sina Nanay at Tatay pati na sina Ania at Francis. Nahihiya na nga ako sa kanya dahil dapat ako ang nagbibigay sa kanya ng mga bagay na gusto niya pero kabaliktaran ang nangyayari sa amin.
"Maraming salamat Ate Aliaa, maganda po ang damit na ito. Gustong gusto ko po ito"pagpapasalamat ni Ania habang sinusuot na ang pasalubong na dala ni Aliaa para sa kanya. Natawa naman sina Nanay habang pinagmamasdan siya.
"Walang anuman Ania"sagot ni Aliaa kay Ania.
"Suss, Aliaa nag-gastos kapa para lang mabili lahat ng ito? "sabi naman ni Nanay kay Aliaa. Natawa naman si Aliaa kaya tumawa na rin ako. "Joseph, hindi mo manlang ba napigilan si Aliaa na gawin ito?"aniya sabay baling sa akin kaya napailing ako.
"Wala po yun Nanay, atsaka kailangan niyo po yan"sagot naman ni Aliaa kay nanay. Nanay na rin ang tawag niya sa nanay ko. Agad naman kaming umalis sa bahay at nagtungo sa bahay nila Aliaa. Wala parin doon sina mommy at daddy niya. Kaya kahit ayaw kong pumasok sa loob pumasok nalang ako dahil hinila na niya ako.
"Anong gusto mong kainin Aliaa?"tanong ko kay Aliaa nang nakapasok na kami sa bahay nila. Malaki yung bahay nila, siguro meron silang sampung kwarto dito o higit pa. Ang laki laki kasi ng bahay nila eh. Lumingon naman sa akin si Aliaa nang nakaupo na siya sa sofa nila.
"Bakit mo naman natanong?"tanong naman sa akin ni Aliaa.
"Ipagluluto kita"sabi ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti atsaka lumapit sa akin.
"Gusto kong matikman ang luto mong adobo, Mahal ko"sabi niya sa akin habang nakahawak sa braso ko. Hinalikan ko siya sa noo atsaka ngumiti. Marupok ako talaga ako pagdating sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Fight Is Over
Novela JuvenilShe is as soft as the blow of the wind. Cold but felt. She is like the stars in the sky, you can look up to but unreachable. That's how Joseph Andrius described Aliaa Santillan, his longtime love interest. Will their paths ever cross? How will t...