Chapter One

114 3 0
                                    

Hey guys! :) I edited this story due to some ka-exk-exkan sakong mind. HAHAHA.

I edited this during YOLANDA days, so I wasn't bored at all, na lowbat nga lang laptop ko.

WAHAHAHAHA.So here's chapter one! Gonna post chpt. 2 next! :)

Happy Reading! <3

~*~

Chapter One

“Hey Ms. President! Hindi ka na ba nagsasawa maging presidente? Nakailang beses ka na ba naging presidente, huh Nerdy?” pang-aasar ni James kay Ann. Nasa school hallway sila at kasama nito sila Bret at Ivan.

Mahilig mang-asar si James Reid kay Ann Li. Si Ann lang naman kasi ang SBO High School President ng Clash University. Two years na siyang nakapanalo bilang president kaya sanay na siyang magtrabaho sa SBO Office.

Pero ang pinakaayaw niya ay iyong palagi siyang inaasar ni James. Kung ang buong eskwelahan ay gusto si James --dahil daw gwapo ito at charming-- siya naman ay kabaliktaran. Bully kasi si James, lalo na sa mga nerds. At dahil nerd siya, kaaway rin niya ito.

Pero alam niyang hindi siya matatalo nito, siya kaya ang PRESIDENT.

“Mr. Reid, hindi ko kasalanan na ako ang pinili na maging presidente. Marami lang siguro ang may alam na may potentials ako. Ikaw, may potentials ka ba?” mataray na tanong niya. Tapos ay walang-sabing nagwalk-out.

Nasira na ang araw niya. Makita lang niya si James ay sira na agad ang araw niya. Nasa hallway palang siya at kakapasok ng gate, nagpakita na agad ang ‘unggoy’. Kahit ilang beses na ito nang-aasar sa kanya ay para bang hindi ito nagsasawa gawin iyon araw-araw.

Si James naman ay ginawa nang hobby ang pang-aasar kay Ann. Hindi niya alam kung bakit hindi niya kaya na hindi ito asarin.

“Dude! Speechless ka doon, ah!” hiyaw ni Bret at si Ivan naman ay tumawa lang.

“Makakaganti rin ako doon,” patawa niyang sabi. First time siyang naging speechless sa katarayan ni Ann. Hindi niya alam kung na ano ang bibig niya.

“Dude, dahan-dahan lang diyan, ah. Baka ma-expell ka niyan,” pagpapaalala ni Ivan. Naglalakad na silang tatlo papunta sa classroom nila.

“Hindi dude, alam mo ko kung paano lumaban si President,” sabi niya na nakangisi.

                                                                           ~*~                      

Hapon na nang matapos si Ann sa daily report niya sa SBO Office. Malapit na rin kasi ang fieldtrip nila and as a president, siya ang naka-handle doon. Pagod na pagod na siya at gusto na niya umuwi. Nililigpit na niya ang kanyang mga gamit nang biglang pumasok si Ryan, ang secretary ng SBO.

“Ms. President, nagkagulo sa audio room!” pasigaw na sumbong nito.

Nang marinig niya iyon, isang imahe lang ang nagpakita sa isip niya. At alam niyang itong tao na ito ang may pakana noon.

“Mr. Reid!” sigaw ng kanyang isip.

Dali-dali nilang pinuntahan ang audio room. Pagpasok nila, nakita niya ang malawak na salamin na puno ng colored spray.

Marami ang nakasulat pero isang phrase lang ang nag-confirm sa hinala niya.

Hey President Nerdy! Love it? :P

                   -James ‘The Great’

“Shall we take him to detention?” pukaw ng Vice President. Silang tatlo lamang ang nasa loob. Umuwi na ang lahat ng estudyante kaya medyo tahimik na ang kapaligiran. Nasa tapat sila ng malaking sulat ni James.

“Huwag,” sagot niya na ikinagulat ng dalawa.

“Bakit, Ann?” tanong ni Ryan.

“Away namin ito. Unfair kung gagamitin ko ang pagiging presidente ko sa away namin,” napabuntong- hininga siya. “Ipalinis nalang natin sa janitors,” patuloy niya at walang-sabing lumabas. Naiwan ang Vice-president at si Ryan na halatang gulat.

Si Ann naman ay lalong nasira ang araw dahil sa mokong na iyon.

“‘The Great’? Baka ‘The Jerk’. May laban pa rin ako, Mr. Reid. One day, kakailanganin mo rin ang tulong ko,” nakangiting sambit ni Ann habang pauwi.

~*~

Sila  James, Ivan at Bret naman ay nagtatawanan sa kwarto ni James. Iniisip nila kung ano ang hitsura ni Ann kung makita nito ang dumi sa audio room.

“Siguro umuusok na ang ilong noon na parang toro!” tawa pa rin ni James. Ang dalawa naman ay kumalma na.

“Pero dude, baka ma-detention tayo niyan?” tanong ni Bret.

“Hindi! Promise, hindi,” paniniguro ni James. Kumalma na siya galing sa kanyang non-stop tawa.

“Kung ganoon, party-party na tayo ngayon!” Masayang sigaw ni Ivan habang patayo.

“Ay, James. Sasama ka ba this Friday sa Australia? Manonood kami ng soccer, next month pa ang uwi namin,” anyaya ni Bret.

“Hindi nalang, bro. Wala akong ganang umalis,” tanggi niya.

“O sige, pero ngayon punta muna tayo sa bar,” hikayat ni Ivan. Tumango nalang siya at walang sinabi. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang tagumpay niya sa araw na iyon.

~*~

END OF CHAPTER ONE

Hey! Miss President | JAMLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon