Ito na 'ata yung pinakamataas na part ng story :)
HAHAHAHA. Enjoy reading <3
~*~
Chapter Seven
“I hereby declared Mr. James Reid, not guilty...” anunsiyo ng isang officer sa Court Room.
Totoo hindi guilty si James. True evidence was found in Home Sweet Motel that James was only set up. Police found samples of sleeping drugs under the bed where James was taken. It was proven in a drug test result that James was drugged two times that night. One, it’s when April gave him a drink and two, on the suite. Iyon ang dahilan kung bakit walang ka-alam-alam si James sa nangyari. Walang rape na nangyari, hindi tulad ng sinabi ni April.
“Ms. April Sun and Ms. Sophia Uy, you have been officially expelled in Clash University...” patuloy ng officer.
Dahil sa research na pinagawa ni Ann kay Ryan, nalaman na hindi pala si April ang utak ng pangyayari. It was Sophia. It was said in the report that Sophia was the one who gave April the drugs and ordered her to drug James. And the main reason is that Sophia was truly broken-hearted because of James. Kaya nagbalak itong gumante.
At dahil sa kasinungalingan ni April at sa pag-dra-drug kay James ay pina-expell rin ito ng principal. Ibig sabihin ay mawawala na ang mga ito sa school.
Pagkatapos ng Final Trial ay lumabas na silang lahat. Mag-isa si Ann na naglalakad sa hallway at papuntang office nang may narinig siyang sumigaw mula sa kanyang likuran, “Ann!”
Kilala niya ang boses na iyon kahit hindi niya tingnan kung sino. Iritadong lumingon siya sa likod at tumigil sa paglalakad, “Mr. Reid! Paano makikinig ang mga estudyante sa rules and regulations kung pati ang PA ko man lang ay hindi marunong sumunod?! Ahh!”
Natuliro ito at nagpatuloy na siyang naglakad. Sinundan naman siya nito.
“Ann, sorry na,” maamong sabi nito.
Tumigil siya sa paglalakad at napabuntong-hininga. “Okay, what do you--“
Hindi pa siya tapos sa pagsasalita ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Bigla ay mayroon siyang naramdaman na init na bumalot sa kanya. “Thank you so much Ann. I wouldn’t be this happy without you.”
Hindi niya alam kung bakit may bigla nalang siyang narinig na kabog. Sa kanya ba iyon o kay James? Ano ba ang ibig sabihin niyon? Bakit parang tumigil ang oras? Bakit parang sila nalang tao doon?
Nang pinakawalan siya nito ay ngumiti nalang siya. Doon na rin siya nagpasya. “Your welcome, James.”
At parang nagulat ito sa sinabi niya. James...
~*~
Naglalakad siya papunta sa parking lot ng makita na naman niya ang lalaking nagsugat sa kanyang puso noong nakaraang dalawang taon. Masaya ito kasama ng kaibigan nito at naghihiyawan pa.
BINABASA MO ANG
Hey! Miss President | JAMLI
FanfictionAnn Li and James Reid were the best of enemies in Clash University. Wala sigurong araw na hindi nagiging aso't puso ang dalawa. Hindi naman iyon mahirap intindihin kung bakit. Si James: heartbreaker/bully Si Ann: SBO President -- Si James: Hunk sa...