FOUUUUUURRRRR <3
HAHAHA. Keep calm and read :)
~*~
Chapter Four
Friday ng umaga at excited na ang lahat ng estudyante sa fieldtrip. Gaganapin kasi iyon sa Riverside Beach Resort. Mag-iistay sila doon ng isang araw kaya marami na rin ang nasabik.
Bilang SBO President, si Ann ang nagpresinta na sumakay sa bus kasama ang ibang mga estudyante. Kaya heto siya ngayon, nasa harap ng bus at hinihintay na pumasok ang lahat ng estudyante sa loob. Kasama niya sina Ryan at ang Vice President na walang magawa kundi ang tuksuhin siya.
“Look at her, Ryan,” paninimula ng Vice-President. “Big baby na si Anny natin,” panunukso nito.
“Oo nga, ngayon may prince charming pa siyang naghihintay sa loob, oh,” tukso rin ni Ryan na ang pinapahiwatig ay si James.
Simula nang naging PA niya si James ay lagi na siyang tinutukso ng mga ito sa lalaki. Lagi daw kasi silang magkasama lalo na kapag free-time. Naghihiwalay lang sila ng landas kapag may klase sila. At ngayon ay kasama na naman niya ito. Siyempre, PA nga eh.
“Kayo talaga, wala talaga kayong magawa. Sasakay na nga ako,” ani niya at umakyat na papasok.
“Oh, my baby grown up into a lady,” drama pa ng Vice President. Hindi niya pinansin iyon at dumeretso nalang sa front seat. Sa kasamaang palad, hindi niya katabi ang PA niya.
~*~
Si James naman ay hindi mapalagay. Hindi kasi niya feel na hindi katabi si Ann sa loob ng bus. Pero may malaking nakaharang sa kanya. Isang matabang lalaki na nakapikit na ang mga mata.
“Um, pwede ka bang umusog? Tatayo lang ako,” pakiusap niya dito pero parang wala itong narinig. Pinindot niya ang tagiliran nito at napagtanto niya na natutulog na pala ito.
Inuulit niya itong gawin para magising ito pero umandar nalang ang bus ay hindi pa rin dumilat ang mga mata ng katabi niya
Hindi niya alam kung bakit wala siyang magawa. He was a bully kaya dapat alam niya ang gagawin para masunod ang utos niya. Pero nang makita si Ann na lumingon sa kanya ay nagbago ang isip niya. Gusto niya na maging maganda na ang reputasyon niya kay Ann. Gusto niya na malaman nito na gusto na niyang magbagong buhay.
Sa Riverside Beach Resort ang pupuntahan nila. Sa pagkakaalam niya ay isang araw ang biyahe kapag galing sila sa kanilang paaralan papunta doon.Sa bus na rin sila kumain ng tanghalian at nasulyapan niyang may ibang lalaking katabi si Ann. Hindi niya alam kung bakit nadismaya siya sa nakita. Para bang ayaw niyang may ibang katabi si Ann. Pero gusto niya na siya lang. Masama ba iyon?
Nasanay na kasi siyang kasama ito. Apat na araw na siyang sunod ng sunod dito. Sa mga araw na iyon ay noon lang niya nalaman ang lahat ng mga paborito ni Ann. Katulad ng favourite juice nito at favourite book nito. Simula noon ay hindi na sila laging nag-aaway, nag-aasaran, oo. Pero peace na talaga silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Hey! Miss President | JAMLI
FanfictionAnn Li and James Reid were the best of enemies in Clash University. Wala sigurong araw na hindi nagiging aso't puso ang dalawa. Hindi naman iyon mahirap intindihin kung bakit. Si James: heartbreaker/bully Si Ann: SBO President -- Si James: Hunk sa...