5.5.5.5.5.5.5
HAHAHAAHHA.
Happy Reading :)
~*~
Chapter Five
Pagkatapos ng pangyayari ay dumating na ang bus. Hindi naman talaga ito nasira o nagkaproblema. Sinadya nila na mangyari iyon. At ang bahay ni Vice President ang magandang venue para sa horror scheme na binabalak nila.
Isa iyon sa matagal na nilang pinaplanong tatlo. At hindi nila alam na si James ang magiging victim nila sa scheme na iyon. Siya naman ay hindi alam na ganoon na lang pala ito ma-affected.
Noong sinabi niya ang totoo dito ay hindi na ito lumayo sa kanya. Tumabi na rin ito sa kanya noong sumakay na sila sa bus. Pero tahimik lang ito. Noong tinanong niya kung okay lang ito ay iba ang sinagot nito.
“Hindi ko lang alam kung bakit ganoon na lang reaksiyon ko kanina noong nakita kita,” seryosong sagot nito. Mukhang malalim ang iniisip nito.
“Kasi akala mo na kinuha ako ng multo, iyon naman pala si Ryan lang.” Si Ryan talaga ang humablot sa kanya. Hindi rin niya alam kung saan nito nakuha ang lakas para suntukin si James ng ganoon.
Napabuntong- hininga ito ng malalim. “Hindi, may something pa,” anito at tumingin sa kanya. “Parang may naramdaman akong bago,” pagpatuloy pa nito at hindi pa inalis ang paningin nito sa kanya.
Napakunot ang noo niya. Ano ba ang pinagsasabi nito? Nababaliw na ‘ata ito.
“Mr. Reid, okay ka lang ba talaga?” nag-aalalang tanong niya dito. Mayroon itong malalim na iniisip at parang hindi nito alam kung anong mali sa sarili nito.
Napabuntong-hininga ito at maya-maya ay umiling. “Ewan ko, basta.”
Pinabayaan na lang niya ito. Nagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Tahimik na ang lahat sa biyahe, lalo na silang dalawa. Pero weird pa rin ito dahil pa minsan-minsan ay nahuhuli niya itong tumitingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyari dito. Ganoon nalang ba ang epekto nito sa nangyari?
Madaling-araw ng makarating sila sa Riverside Beach Resort. Ang fieldtrip na alam ng lahat ay iniba nila. It was like a fieldcamp. Marami silang pinlano na activities sa araw na ito,
Isa-isa niyang pinapunta ang mga estudyante sa mga cabin na in-assign nila. Part time owner ang mama niya sa resort na ito kaya malaki ang discount ang nakuha ng eskwelahan nila para dito.
Si James naman ay nanatili sa tabi niya. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya. “Sasama ba ako sa kanila?” tanong nito.
Umiling siya. “You’re my PA. You should come with me,” aniya at dumeretso sila sa sariling cabin. Malaki ang cabin na kinuha niya para sa mga officers ng trip. Which means magsasama sila nina James, Ryan at ng Vice President sa iisang cabin.
Pero hindi isang ordinaryong cabin ang kinuha niya. Ang cabin na iyon ay parang suite na may apat na kwarto. Doon sila tumutuloy kapag nagbabakasyon sila ng pamilya niya. At dahil pumayag ang mama niya na gamitin ito ay hindi na siya nagdalawang-isip na gamitin iyon.
BINABASA MO ANG
Hey! Miss President | JAMLI
أدب الهواةAnn Li and James Reid were the best of enemies in Clash University. Wala sigurong araw na hindi nagiging aso't puso ang dalawa. Hindi naman iyon mahirap intindihin kung bakit. Si James: heartbreaker/bully Si Ann: SBO President -- Si James: Hunk sa...