Chapter Three

79 2 0
                                    

POP, LOCK and DROP it :)

Happy Reading <3

~*~

Chapter Three

Kinabukasan, na-wi-wierduhan na si Ann kay Ryan. Natrauma siguro ito sa wink ni James kahapon. Everytime kasi na magkausap sila ay bigla nalang itong magbabanggit ng mga katagang, ‘I’m a man.’ Naiintindihan naman niya ito pero weird pa rin para sa kanya.

Mga eleven-thirty na nang biglang pumasok si James sa office nila. “Hello everyone! Good morning Ryan,” bibigyan sana nito ng friendly wink si Ryan nang bigla itong nagsalita.

“Oh, please. I’m a man.”

Nagtaka ito pero hindi nalang nito pinansin iyon. Dumeretso ito sa table niya at umupo sa visitor’s chair na nasa harap niya.

“Good morning, Ann!” masiglang bati nito.

“Good morning, Mr. Reid,” balik-bati niya dito na hindi man lang tinitingnan ito.

“Ah, that’s ‘James’ for you,” he corrected her.

“Sorry Mr. Reid, I only call my friends their first names,” untag niya at sinulyapan ito.

“So you mean, were not friends?” dismayadong tanong nito. Nakalukot ang bibig nito na parang bata na nawalan ng candy.

“Not yet, Mr. Reid,” pagtatama niya. Pinagpag na niya ang mga application files na hawak niya.

Nakita niyang kumunot ang noo nito at nakatingin sa kanyang mga hawak, “Ano ‘yan?”

“Application files. Naghi-hire kasi ako ng Personal Assistant,” sagot niya at napabuntong-hininga. Inilagay niya sa isang tabi ang mga iyon at hinarap ang bisita.

“Pwede bang mag-apply?” tanong nito na ikinabigla niya. Ano naman kaya ang pumasok sa kokote nito at gusto nitong maging PA niya?

Tiningnan niya ito ng mataman para masiguro kung seryoso ba talaga ito o nagloloko lang. At mukhang seryoso nga.

“Mahirap maging PA, Mr. Reid,” imporma niya dito.

“Bakit may na-hire ka na ba?” tanong nito sa malungkot na tono.

“Wala pa,” aniya at napabuntong-hininga ulit. Parang magpipilit ito hanggang pumayag siya.

“Ako nalang, pwede? Gusto ko rin kasi makatulong sayo.”

Hanggang sa may naalala siya. “Kung sa tingin mo ay tutulungan kitang maayos ang kaso mo kaya ka nag-apply ay nagkakamali ka.”

May nakausap na siya na mga pulisya para ipa-imbestiga ang mga kaganapan sa bar na sinabi nito. Malaking parte kasi sa kanya ang nagsasabi na parang hindi si April Sun ang biktima sa kasong iyon.

Hey! Miss President | JAMLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon