Hey! Miss President (JAMLI story)

850 16 4
                                    

Prologue

“Please, kahit ngayon lang,” pagsusumamo ng isang babae sa sarili habang nakaupo sa wood bench ng school garden o tinatawag na ‘Spring Garden’. Dalawang oras na itong naghihintay sa isang lalaki na hindi niya alam kung sisiputin pa siya.

Unang taon palang niya sa Clash University na iyon. First year pa kasi siya at kasama niya ang best friend niya sa paaralang iyon. Their parents planned everything about it. And it made them happy.

Napabuntong-hininga siya at tumayo. Naglakad nalang siya sa hallway papuntang parking lot. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng makita ang lalaki na kanina pa niya hinihintay. Ang walang-hiya! May kasama pa itong babae!

Parang hinawakan ng bakal na kamay ang kanyang puso sa nakita. Nakikipaghalikan ito!

Nakilala niya ang babae na nagngangalang April Sun. Isa sa mga ‘Flirt Girls’ sa kanilang eskwelahan. Hindi niya alam na pati ang lalaking minamahal niya ay naakit nito! Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa lalaki? Ganoon na lang?

Luhaan siyang tumakbo papunta sa SBO Office, doon ay nakita niya ang naturang kaibigan.

Kunot-noo itong nakatingin sa kanya. “Ano--“

Suminghal siya. “Manloloko siya! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya, sasaktan nalang niya ako? Ang sakit isipin na minahal ko siya ng lubos tapos lolokohin niya lang pala ako!”

Tumayo ito mula sa upuan at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit. “Huwag mo siyang iyakan. Hindi siya karapat-dapat para diyan sa mga luha mo. Tahan na,” anito at hinagod ang likod niya.

“Dapat naniwala nalang pala ako sayo. Eh di sana hindi na ako nasaktan ng ganito,” she sobbed.

“No. Hindi mo kasalanan iyon, nagmahal ka lang. Pero maganda na rin ito at nalaman mo agad ang totoo bago ka masaktan pa lalo,” sabi nito at tumayo.

Lumapit ito sa may water dispenser, kumuha ng baso at nilagyan iyon ng tubig. Maya-maya ay bumalik na ito sa kanya dala ang baso at inihalad sa kanya. Tinanggap naman niya iyon at ininom ang tubig.

“Malapit na ang student’s election, ah? Hindi ka ba tatakbo?” tanong ng kaibigan sa kanya habang pabalik na ito sa upuan nito.

Tumingin siya sa kaibigan. Siya na siguro ang pinakaswerte na tao dito sa Clash University. Dahil naging kaibigan niya ito. “Ewan ko lang, Ann. Hindi ko alam kung kaya ko.”

Ngumiti si Ann sa kanya. “Kaya mo iyan, ikaw pa.”

Hey! Miss President | JAMLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon