EPILOGUE

73 4 0
                                    

Last na guys! :)

Thank you for bearing with me and those tagalog words.

HAHAHAHA.

ADIK KASI AKO SA PRECIOUS HEARTS KAYA NASUNOD KO IYONG STYLE NILA. HAHAHAHA

Thanks guys! and I LOVE YOU!!!!!

~*~

Epilogue

Hindi alam ni Ivan kung bakit nandito siya sa loob ng SBO Office. Hinihintay lang naman niya kasi ang mga kaibigan at magnobyong Ann at James. Dapat pala ay sa labas nalang siya naghintay.

“Ivan dude, sandali nalang ha? Nasa labas pa kasi si Ann at pinapass yung school reports kaya medyo matagal,” sabi ni James na inaayos ang lamesa ni Ann.

Minsan ay naninibago pa rin siya sa naturang kaibigan. Kahit kailan ay hindi nila ito mautusan kahit pagpagin man lang ang mga gamit nila. Pero heto na ang kaibigan niya ngayon, PA na ng presidente/girlfriend nito.

Hindi man niya aminin ay naiinggit rin siya dito at kay Bret. Parehas kasing may lovelife ang mga ito at siya nalang ang wala. Siguro ‘karma’ na talaga ang mayroon sa kanya ngayon. Sa dinami-rami na niyang napaiyak na babae noon ay iyon na ang kabayaran niya. Kailangan na talaga niyang magbagong buhay.

“Ah, dude? Saan dito pwedeng uminom ng tubig?” tanong niya sa kaibigan nang biglang nakaramdam siya ng pagka-uhaw.

“Doon malapit sa fourth table may water dispenser,” turo nito sa kanya at hindi tumigil sa pagliligpit.

Pumunta siya sa sinabi nito at natagpuan ang isang water dispenser. Pero may babaeng gumagamit noon at nakadukwang. At siguro dala na rin ng pagiging loveless niya ay isa ang naging komento niya dito, “Nice butt.”

Pero hindi iyon bulong o isaisip lamang. Nasabi talaga niya iyon at sa malas niya ay narinig iyon ng naturang babae. Tumingin ito sa kanya na may halong galit at namumulang mukha. At walang sinabi na sinampal siya. “Walang-hiya!”

Nasapo niya ang pisnging sinampal dahil sa sobrang sakit. “Ouch, that hurts.”  Pero nang makita niya ay wala na pala ang babae. Hindi na talaga siya nadala sa nakaraan. Ganoon pa rin siya.

“Ivan, dude? Anong nangyari sayo?” tanong ni James nang maabutan siya nito doon.

“Wala, natamaan lang yung pisngi ko sa dingding,” pagsisinungaling niya. Sigurado siyang tatawanan siya nito kapag sinabi niya ang totoo.

Natawa ito. “Talaga? Sige, tara na at naghihintay na si Ann sa labas.”

~*~

The picnic was simple but fun. Kompleto silang anim sa Spring Garden at masayang masaya sila. Naka-circle formation sila sa gitna ng garden. The formation was starting from Ryan-Fretzie-Bret-Ivan-James-Ann at sa gitna nila ang pagkain nila. At first ay nagchika-han sila led by Fretzie habang kumakain ng snacks na dala nila. Marami silang pinag-usapan that sometimes led them to debating.

Hey! Miss President | JAMLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon