Chapter Nine
“Lauren,” tawag niya sa butihing kapatid pagdating niya sa bahay. Nasa terrace ito nakaupo habang nagbabasa ng isang magazine.
Lumingon ito sa gawi niya at ngumiti. “Oh, Bimbi? Bakit parang ang sama ng tingin mo ha? Diba dapat nag-enjoy ka sa Prom ninyo?”
Lumapit siya dito at deretsahang tinanong. “Ano ba ang sinabi mo kay Ann?”
Parang naintindihan agad nito ang tanong niya kasi ngumiti ito. At hindi niya gusto ang ngiti na iyon. “James, I just want to know kung may feelings ba sa iyo si Ann o wala, okay?”
Kumonot ang noo niya. “Nalaman mo naman?”
Ngumiti ito. “Oo.”
Parang bigla siyang naging interesado. “Ano naman iyon?”
Tumingin ito sa paligid. Nang matanto nito na walang ibang tao sa paligid ay lumapit ito sa kanya at nagbulong, “Can you keep a secret?”
He nodded at bumulong rin, “Of course.”
Ngumisi ito. “Good. So can I.”
Dahil doon ay tumawa na siya. Nawala na ang inis na naramdaman niya sa kapatid. Kahit kailan talaga maloko ang kapatid niyang ito. Nasa dugo na yata nila iyon. Ang pagiging maloko.
“Seriously James, ikaw na dapat ang maghanap ng paraan para malaman mo kung in love rin ba si Ann sayo, ‘no.”
He sighed. “I know, I’m just scared.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Of what?”
Nag-isip siya. “Rejection?”
“James, paano mo malalaman kung hindi ka nagtry? A real man can face rejection, James. Paano kung may feelings pala sayo si Ann tapos hinihintay ka lang pala niya?” sabi Lauren at pataas-baba pa ang mga kilay nito na may halong ngisi.
Bigla ay nakaramdam siya ng determinasyon. Para kasi siyang binigyan ng hint ni Lauren, and hopefully sana tama ang nasa isip niya.
“James, nasaan na ang charming and confident brother ko? Iyong gagawin ang lahat para matupad ang gusto at hindi natatakot na masira ang pangalan basta mangyari lang iyon? Maybe its time for you to show that again, at least for Ann.”
Naalala niya ang nakaraan. Kung kailan na gumagawa silang magkakaibigan ng plano para inisin at awayin si Ann. Iyong gagawa sila ng gulo para makabawi lang sa paglalagay sa kanila ni Ann sa detention. At iyon panahon na hindi pa niya gaano kakilala ang SBO President at ito pa mismo ang pinakaayaw niyang babae sa Clash University, And here he is, talking with his sister about him being in love the nerdy president. Who is now an angel for him. How ironic life can be, huh?
“Sis, how did you know that I’m in love with Ann?”
BINABASA MO ANG
Hey! Miss President | JAMLI
FanfictionAnn Li and James Reid were the best of enemies in Clash University. Wala sigurong araw na hindi nagiging aso't puso ang dalawa. Hindi naman iyon mahirap intindihin kung bakit. Si James: heartbreaker/bully Si Ann: SBO President -- Si James: Hunk sa...