Chapter Eight

58 1 0
                                    

Chapter Eight

Gumagawa ng daily report si Ann nang biglang bumukas ang pintuan ng office. Isang brunette-white girl ang nagpakita doon. Nakasuot ito ng white sleeveless dress at pinares ng isang puting sombrero. She was beautiful at mukha itong modelo. Napadako ang piningin nito sa buong office at huli sa kanya.

Ngumiti ito at inilahad ang kamay nito. “Hi, you must be Ann.”

Napatayo siya at tinanggap iyon. “Yes, I am. How may I help you, Miss?’

“I’m Lauren Reid. James’ sister.”

Napatulala siya sa babae. Magkamukha nga ang mga ito. Parehas ng kulay ng balat at mata at parehas ng hugis ng mukha. “Oh. Please sit down.”

“Thanks,” at umupo ito sa harap niya. “I heard a lot about you from James. Lagi ka niyang kinukwento sa akin.”

Nagulat siya sinabi nito at napayuko sa kakahihiyan. Ano kaya ang pinagsasabi ni James dito na tungkol sa kanya? “Ahmm... Miss--“

“Lauren,” she corrected her.

Parang masisira na niya ang rules niya sa sarili kung tatawagin niya ito sa pangalan nito.

“I want to be your friend, Ann. Kaya please call me ‘Lauren’,” anito sa kanya.

Nabasa niya sa mga mata nito ang sinseridad. Alam pala nito ang tungkol doon. Baka sinabi James dito?

Napabuntong-hininga siya at binuklat ang isang libro. “Lauren, kaya naman kami magka--“

Lauren smiled and leaned back on the chair. “I know. Noong malaman ko iyon ay hindi agad ako naniwala. I mean, sa amin halos hindi naman iyon nagpapautos. Kaya noong simula itong magkwento ng tungkol sa iyo ay na curious ako.”

Napayuko siya. “I didn’t know that.”

“Well, I got this idea na baka...” napailing ito pagkasabi niyon.

Napatingin siya dito na may kunot na noo. Nakatingin ito sa kanya ng mataman. “Baka?”

Tumingin ito sa mata niya. “Baka in love sayo ang brother ko.”

Namula siya sa sinabi nito. Bakit naman ma-iin love si James sa kanya? Hindi naman siya type nito dahil mahilig ito sa mga sexy at magagandang babae. At wala sa kategorya niya ang ganoon. Pero may parte sa kanya na masaya dahil sa kaisipang iyon. Na sana totoo ang sinasabi nito. Pero alam niyang hindi iyon mangyayari.

Napangit siya ng mapait. “Lauren, imposible ‘ata iyan.”

“He once told me you’re unique. And James never told any girl that she is unique, ikaw ang nangunguna.”

Hey! Miss President | JAMLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon