Sina Jengjeng ay nagtago sa likuran ko. Ngayon lang kami nakakita na ganito kayayaman ang papalapit sa amin ngayon. Kadalasan ay nilalayuan kami. Subalit kahit ganoon ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanila.
It's normal for others not to like us. Marami kasing nanloloko na may ganitong kalagayan tulad ng sa amin. Ang iba ay ginagawa pa itong instrumento para talaga manloko ng mga tao. Kapag namamalimos ka, ang unang iisipin ng mga tao ay miyembro ka ng isang sindikato o di kaya naman ay mangunguha ka rin ng mga bata. Wala silang ideya sa mga tulad namin. Napakadali para sa kanila ang manghusga, ganunpaman hindi ko sila masisi.
"Ma'am Rycie ano pong ginagawa niyo rito?" Tumingin ako sa dalawa pang babae na kasama niya. Pareho itong ngumiti sa akin na siyang sinuklian ko rin ng ngiti.
"I've asked about you and your whereabouts. Nahirapan kaming mahanap ka dahil palipat-lipat pala kayo. Kamusta ang Nanay Ising?" Nilingon ko sina Nanay Ising. Tumango lamang ito sa akin.
"Okay na po siya. Hindi ko na rin po siya pinapamalimos. Maraming salamat po talaga sa tulong..."
"Walang anuman Rana, I know you have a good heart." Nag-aalangan pa ito sa gusto niyang sabihin.
"May kailangan o maitutulong po ba ako sa inyo?" Hindi naman sila mag-aabala na hanapin ako kung wala silang kailangan sa akin. Wala naman iyong problema kung sakaling kakailanganin nila ang tulong ko, gusto ko ring maibalik ang kabutihan ni Ma'am Rycie sa amin ni Nanay Ising.
"I want to get straight to the point hija." Ang nakakulay asul na kasuotan ay bumaling sa akin. "I want you to be the wife of my son." Alam kong mabuti siyang tao, subalit ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa pananalita niya.
Sandali, ano raw? Anong sinabi niya? Kung tama nga ang dinig ko, nais niya akong maging asawa ng kanyang anak? Napaatras ako nang maintindihang maigi ang sinasabi niya. Ganito ba talaga ang mayayaman? Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong alok. Sino ang gugustuhing mapangasawa ako sa hitsura at lagay kong ito? Ni minsan ay hindi sumagi sa aking isipan ang pagkakaroon ng kasintahan o asawa, imposible kasing mangyari.
"Tita Ina! That's not how you ask for help." Suway ni Ma'am Rycie. Biglang humalakhak sa galak ang ginang.
"I was just kidding hija. I'm trying to intimidate you but you are not. I like you already for my son." Napakunot ako ng noo. She likes me for his son? Who is his son then?
"As for that, I will adopt you as my daughter. You are a foster child ever since by your Nanay Ising. It will only take 6 to 18 months to adopt you and give you a name and our surname." Dagdag pa ng isang ginang na kulay kahel naman ang kasuotan.
Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Sa totoo lang ay naguguluhan ako. Tumingin ako kay Ma'am Rycie. "Ma'am wala po akong maintindihan."
Napailing na lamang si Ma'am Rycie sa mga kasama niya. "Tita Eli, Tita Ina, you both are not helping." Parehong napanguso ang dalawang ginang. They look so cute together, marahil ay matalik na magkaibigan ang dalawa. "Listen Rana, I'm trusting you on this one. I tried to look for another lady but only you suit this role." Napatigil si Ma'am Rycie. "Oh I'm sorry... Are you not familiar with English?" Umiling ako.
"Nakakaintindi naman po ako Ma'am Rycie. Hindi ako nakatungtong ng pormal sa mismong paaralan subalit ay natuto ako sa tulong ng isang mabuting guro noon." Pangarap ko ring maging guro noon pa man. Hangang-hanga ako sa gurong nagtiyagang turuan ako. At tulad niya ay gusto ko ring ibahagi ang karunungang kusa niyang binigay sa akin na hindi naghahanap ng anumang kapalit.
"You are smart hija! Bagay ka sa anak ko." The excitement echoed on her voice. Whoever his son is, I'm sure he has better understanding on society than I do. Anak siya ng isang marangyang pamilya.
BINABASA MO ANG
The Trained Wife [Completed]
General FictionRana Eilyn is an eighteen-year old beggar, with no house to live in, believes that one day she will be able to achieve her dreams too. Sa araw-araw na pamamalimos, iba't-ibang klase ng mga tao ang kanyang nakakasalamuha, mayroong mabubuti, madalas a...