I went home alone.
Nang makapasok ako sa mansyon ay sumalubong sa akin si Kalee, yung Shih Tzu na regalo sa akin ni Kal. Sa kanya ako napayakap nang mahigpit tsaka mabilisang pumasok sa kwarto dala-dala siya. "Daddy isn't home yet." Nangingilid na sabi ko sa kanya habang marahan ko siyang sinuklayan gamit ang daliri ko bago muli ko siyang niyakap.
"Did you miss mommy?" Tumahol ito ng dalawang beses. "I'm sorry, I was busy studying, I wasn't able to take care of you but I miss you too." Dinilaan niya ang pisngi ko, pati ang gilid ng mga mata ko. Senyales na gusto niyang magpalambing. Unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa presensiya niya. I didn't know she'd bring so much joy to me and that she'd give me comfort that I badly needed now.
"Mommy wants to sleep already. Do you want to sleep with mommy?" Tumahol si Kalee ng dalawang beses ulit. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na magpalit ng damit bago matulog, gusto ko na lamang itulog itong kaunting sakit na nararamdaman ko, para bukas ay okay na ulit ako. Bukas ay magiging okay din ang lahat. I need a good cry with a good sleep. Hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko habang yakap ko si Kalee.
Nagtuloy-tuloy na pala ang tulog ko, kaya naman nang gumising ako ay sumikat na ang araw. Nagising ako sa marahang pagdila ni Kalee sa pisngi ko. "Good morning Kalee." Binuhat ko si Kalee tsaka ako dumiretso sa bathroom upang mag- toothbrush. Nang matapos ako ay hinabilin ko muna si Kalee sa mga kasambahay upang makaligo na rin ako.
Nagbihis lang ako ng plain white dress. Nang nagtungo ako sa hapagkainan ay naabutan kong si Rav na lamang ang kumakain. "Good morning!" Ngumiti ako sa kanya, he gave me an awkward smile. "Kuya mo?" Nabitiwan niya ang tinapay na dapat sana ay isusubo na niya. Sa halip na sumagot agad ay uminom muna siya ng gatas.
"Umalis agad." Hindi siya nagpaalam sa akin. "May pending papers to sign daw siya na dapat ay kahapon pa raw." Dagdag ni Rav nang mapansin niya sigurong napaisip ako. Napatango na lamang ako.
"You have anything to do today?" Umiling ako. Dapat ay magkikita kami ni Rycie subalit may biglaan siyang appointment kaya hindi na namin naituloy. "You wanna come with me?" Tanong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Sige. Saan ba 'yan?"
"Ipapatayo ko 'yung bahay natin." Bigla kong nalunok ang kanin sa bibig ko na hindi ko pa nangunguya. "Here..." Inabot niya sa akin ang gatas nang masamid ako.
"I'm just kidding. But seriously speaking, I'm building my own house." Rav is a civil engineer. He's also a shareholder of Madriaga Properties aside from being one of MP's top engineers.
Sinama namin si Kalee patungong Tagaytay. "Why'd you choose Tagaytay?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Rav keeps things simple. Sobrang chill niya lang sa buhay compared to Kal who has a lot of responsibility behind his back. Kahit kailangang may bodyguard si Rav ay ipipilit niyang hindi na niya kailangan at mas kailangan iyon ng kuya niya . He doesn't even hired at least a driver or personal assistant.
"Malamig." Bigla siyang tumawa kaya natawa na lang din ako. "Joke lang. Of course it's cold here, aside from that it's not that polluted. I don't wanna stay in Manila or QC anymore. Traffic and polluted." He said as he turned his car left. "What do you plan to take in College?"
"Wala pa akong naiisip pero pinag-iisipan ko naman na. It's just so hard to decide now. I just want to help less fortunate people." Ani ko sa kanya.
"You always have a heart for them." Aniya. Napatitig ako sa kanya. "I saw you one time, you bought food for homeless kids. You know what? May nakilala rin akong mga ganyan noon. The girl was probably the same age as Angel if she's still here." Bumilis bigla ang tibok ng puso ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. I watch people walking outside as I continue listening to whatever he'll say.
BINABASA MO ANG
The Trained Wife [Completed]
Algemene fictieRana Eilyn is an eighteen-year old beggar, with no house to live in, believes that one day she will be able to achieve her dreams too. Sa araw-araw na pamamalimos, iba't-ibang klase ng mga tao ang kanyang nakakasalamuha, mayroong mabubuti, madalas a...