Agad kong kinuha ang kamay ni Rav at hinila siya palayo kay Kal. Seryoso at madilim ang tingin ni Kal habang papalayo kami. "Hey, hindi ako easy to get na lalaki. Hindi porke nag-confess ka na sa akin ay pwede mo na akong hawakan na lang basta," reklamo niya. Huminto ako sa paglalakad tsaka tumingkayad para mas matitigan ang mukha niya. He swallowed hard. Is he lying to me or not? Sinuri kong mabuti ang mukha niya. I can't tell whether he's telling the truth or not.
Hindi ko rin maalala na sinabi ko iyon kagabi. All along I thought it was Kal carrying me after I got so drunk. I cross my arms over my chest, thinking deeply. Nang hindi na umimik pa ulit si Rav ay muli ko siyang tinitigan. Hindi siya natinag sa titig ko na parang pinapaalala niyang totoo ang sinasabi niya. I confessed to him, but I really couldn't remember. Hindi ko rin alam kung bakit sa kanya ako magsasabi ng ganoon gayong alam ko sa sarili ko kung sino na ba talaga ang gusto ko.
"Talaga? Sinabi ko 'yun?" Paglilinaw ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin bago tumango. Ngumuso ako. Wala talaga akong matandaan na sinabi ko 'yun at kung nasabi ko nga 'yun, ayoko namang iba ang maisip niya. Maybe alcohol has different effect on me compared to others. Kung sabi nila, malabong magsinungalin ang lasing, mukhang iba ang tama noon sa akin.
"Kalimutan mo na 'yung sinabi ko," tsaka ko tinuon ang pansin ko sa mga palad ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, pilit kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Nahihiya ako na nasabi ko iyon sa kanya, ayokong paasahin siya dahil mali iyon. Ayokong masaktan siya dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin. Hangad kong maging masaya siya palagi. Kahit kaya niyang gawan ng paraan upang sa kanya ko na lamang ibaling ang buong atensiyon ko ay hindi niya ginawa dahil nire-respeto niya ako, ang nararamdaman ko at ang kapatid niya. Rav is a good man.
"Hey, look at me." Seryoso niyang sabi habang hinuhuli ang tingin ko. "Are you sure? Gusto mo nang kalimutan ko ang sinabi mo?" Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Marahang dumampi ang labi niya sa pisngi ko, hindi na ako nakagalaw pa para magreklamo.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Malumanay ang pagdamping iyon sa pisngi ko subalit nakaramdam ako ng konsensiya. "Hindi mo dapat ginawa iyon. Asawa ko ang kapatid mo." Mahina kong sabi. Rumehistro sa kanya ang sinabi ko. Natanto niya ring hindi nga naman tama na basta-basta niyang gawin iyon. Noong una ay nagawa ko rin iyon sa kanya, subalit aksidente iyon hindi tulad sa ngayon na alam namin pareho na alam niya ang ginagawa niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "I'm sorry, hindi ko sadya. Tama ka. Hindi ko dapat iyon ginawa dahil asawa ka ni kuya." Aniya. "Hindi ko lang napigilan," bumuntong-hininga at tumungo siya, nag-iisip. "If you feel disrespected in any way, I would understand if you'll stay away from me." Umiling ako. Hindi naman iyon naramdaman, nagulat din ako. Maaari naman iyong walang ibang kahulugan kung hindi siya noon nagtapat sa akin ng nararamdaman niya para sa akin.
"Hindi naman sa ganoon Rav. Ayoko lang mag-isip si Kal ng iba. Dahil wala naman iyon sa akin." Maingat kong sabi, sinisiguradong hindi ko masasaktan ang damdamin niya. "I know you're a good man and you won't disrespect me in any way." Marahan kong hinawakan ang braso niya. "It's okay, huwag na lang sanang mauulit." I sincerely smiled at him as he looked on my hand on his arm, I removed it right away.
"If you continue being like that, I'll make sure you'll end up with me," ngumiti siya sa akin. "So please do something." Huminga ako nang malalim, ramdam na ramdam ko ang matinding pagtibok ng puso ko.
Kabado ako. Hindi ko gustong mangyari iyon dahil hindi ganoon ang turing ko sa kanya at sa tingin ko ay kahit magkahiwalay kami ni Kal ay hindi na ako muling susubok pa sa iba. Hindi rin magandang tingnan kung mahuhulog ako kay Rav na siyang kapatid ng napangasawa ko. I'd rather stay single forever than want someone else.
"Rav..." nangingilid ang mga luha ko. He has always been nice to me. "I want to stay this close to you." I smiled at him. "As friends..." nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Trained Wife [Completed]
General FictionRana Eilyn is an eighteen-year old beggar, with no house to live in, believes that one day she will be able to achieve her dreams too. Sa araw-araw na pamamalimos, iba't-ibang klase ng mga tao ang kanyang nakakasalamuha, mayroong mabubuti, madalas a...