Kabanata 18

44.3K 1.2K 301
                                    

I felt his warm hug from the back as my tears stream down my face. Napatakip ako ng aking bibig habang tinatakpan ng lupa ang kabaong ni Nanay Ising.

I was never afraid of death, but then knowing I'll be leaving someone behind... that is what I'm afraid the most, at sa tingin ko iyon din ang kinatatakutan ni Nanay Ising. Pero tama si Kal, masayang lumisan si nanay dahil alam niyang nasa mabuting mga kamay na ako ngayon, maayos na ang kalagayan ko. Makakapagpahinga na siya nang maayos dahil alam niyang may gagabay na rin sa akin. Hindi naman siya tuluyang lumisan dahil hanggang ngayon nasa puso ko pa rin, dahil habambuhay mananatili siya sa isipan at puso ko. She holds a very special spot in my heart that no one can ever take away.

"It's okay." Marahang pinadaan ni Kal ang palad niya sa braso ko. "It's okay love..." bulong niyang muli sa akin, tumango na lamang ako. It will be okay.

Nang tuluyan nang matakpan ang kabaong ni Nanay Ising ay tila bumigay ang mga tuhod ko, mabuti na lamang at nakaalalay sa akin si Kal. 

Lumapit sa akin sina Jengjeng at yumakap sa akin nang mahigpit. That triggered me, parang humiwalay na naman ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko. "Ate Rana..." ngumawa pa ito na mas lalong bumasag sa puso ko. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Ang sakit-sakit isipin na tuluyan nang umalis si nanay at hindi na siya muling babalik pa kailanman.

"Dati a-ate sumasama ang loob ko kay nanay k-kasi hindi ko maintindihan k-kung bakit ang strikta niya. N-Ngayon ate, hindi ko pala kayang wala ang nanay."  Si Jeng na humahagolgol na sa pag-iyak. Kahit ako nadala na rin dahil sa iyak niya. Dinaluhan ko siya at niyakap nang mahigpit. "Hindi ko m-matanggap ate. Hindi ko alam k-kung paano na ngayong wala na si nanay..." nilingon ko ang mga bata, sina Boyong. Lahat sila ay umiiyak na rin. Hindi ko alam ang sasabihin dahil kahit ako, ngayon lang nagsi-sink in sa aking isipan ang nangyari.

"Masakit Jeng... sobrang sakit, pero kailangan nating tanggapin, para kay nanay. Pareho-pareho na tayong may tirahan. Pare-pareho na tayong nakakapag-aral at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, minsan ay higit pa. Si Nanay Ising, kahit nasaan man siya ngayon patuloy pa rin niya tayong gagabayan tulad nang palagi niyang ginagawa noon." Pinalis ko ang luha ni Jengjeng. Inaya ko sina Boyong na yumakap na rin sa amin. "Kaya kailangan nating magsikap na mag-aral. Kailangan nating makapagtapos lahat dahil iyon ang maisusukli natin kay nanay sa pag-aalaga niya sa atin. Wala man siya sa tabi natin kapag ganap na tayong mga propesyonal, alam kong siya ang magiging pinaka-proud sa atin."

I understand that it will happen to us. That we will be facing death one day, I just didn't expect it would be this soon for Nanay Ising. Kung kailan wala ako sa tabi niya.

"Gusto mo bang sa amin muna umuwi?" Si Mommy Eli nang pauwi na sana ako kina Kal. "I know you need us too..." yumakap siya nang mahigpit sa akin. "Nandito lang kami ng daddy mo." Kal is right, I am still surrounded with people that care and love me too just like how Nanay Ising did.

"I think that's a better idea Eli," pagsang-ayon naman ni Mommy Ina. Akmang hindi sana sasang-ayon si Kal subalit hinawakan siya ni Mommy Ina sa balikat. Tumango at ngumiti na lamang siya sa akin.

Pasakay na sana ako sa van nang kunin ni Kal ang kamay ko. It's just the two of us, habang ang lahat ay nasa kani-kanilang sasakyan na. "Please come back as soon as possible, I'm going to miss you. But I'll find time to visit you there," hinila niya ako payakap sa kanya at marahang hinaplos ang buhok ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko, trying not to tear up again.

I know myself I need space from everything right now. Sa tuwing maaalala ko ang pagkawala ni Nanay Ising, ay siya ring pagbabalik ng desisyong ginawa ko noon. I chose Kal over Nanay Ising back then. I chose the easier way than a harder way, because I'm left with one choice.

The Trained Wife [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon