"You're spacing out." Puna sa akin ni Rycie habang pinapanood niyang tinatapos ko ang modules ko. Hinatid ako pauwi ni Kal kagabi na hindi man lang kinikibo.
"I tried to convince Kal to marry me. To give it a try..." Napatingin ako sa bintana nitong kwarto ko. Rycie stopped whatever she's doing on her phone. Tumabi siya sa akin.
"You like him?"
Napatango ako. I am always honest and very open to whatever I feel. "I like him. Hindi ko alam ang rason. But I really like the idea of taking care of him, of being his wife."
"But I know I'm not yet there. Hindi pa ako pasok sa standards of being his wife." Napangisi sa akin si Rycie, nailang ako sa mga pinagsasasabi ko.
"That's why I'm training you..." she paused for a second, "on how to be his wife so you can marry him soon. Besides once you're ready. Tita Ina will set the marriage and we both know Kal won't have any choice." Nalungkot ako. I don't want a force marriage with him. Gusto kong ikasal ako sa kanya na hindi labag sa loob niya at mukhang malabo ang ideya na magkakagusto rin siya sa akin dahil bata pa ang tingin niya sa akin kahit nasa legal na edad na naman ako.
"Hindi ata magandang tingnan iyon. Mapipilitan siya kung ganoon. Baka lalo lang lumayo ang loob niya sa akin." Ani ko sa kanya.
"I actually told Tita Ina na lumipat ka sa mga Madriaga. I mean to practice everything I told you. Besides, soon, you both will live under the same roof." Nagkibit siya ng balikat. Hindi na ako umimik pa. "If you're done with your modules for today. I'll teach you how to cook. One week training of cooking." Tumango na lamang ako.
Nang bumaba ako patungo sa kusina ay naabutan ko ang mga kasambahay na naglalapag ng kani-kanilang pinamili. Sinenyasan ako ni Rycie na lumapit doon. Inabot niya sa akin ang apron. Rycie owns a restaurant. Kaya naman ito ang pinakamadaling ituturo niya sa akin.
"I'll teach you all the food Kal likes. Actually hindi pihikan si Kal sa pagkain. He eats whatever you serve to him. But he likes Filipino cuisine more than foreign cuisines. But since matagal ko siyang nakasama, I've learned he likes Filipino cuisine with a touch of unique taste." Panimula ni Rycie, lumilipad pa rin ang isipan ko sa nangyari kagabi. He is really in love with her that's for sure. I know nothing about being in love, but the way Kal looked at Immaculee yesterday I just knew it's the meaning of love. For Kal, the meaning of love is Immaculee and I doubt it will ever be Cerys.
"His favorite is spicy pork adobo. Kaya ito ang una kong ituturo sayo." Napatingin ako sa siling labuyo na magiging main ingredient ng gustong pagkain ni Kal. I don't like spicy food, hindi kayang i-tolerate ng dila ko ang kahit kaunting anghang lang. I licked my lips as we started with the basic.
Ni minsan ay hindi ko natutunang makapagluto ng iba't-ibang putahe dahil nasanay kami sa instant noodles na maraming sabaw at de lata na kadalasan ay sardinas. As I look at all these ingredients that will surely feed a lot of people, I remembered a particular scene from the past. I remembered it with a heavy heart.
"Boyong, samahan mo ako at bumili tayo ng noodles at sardinas." Nakalikom ako ng singkwenta pesos sa buong araw na iyon. Hindi ko na tinanong pa ang napalimos nila, itong akin na lang muna ang ipambibili namin.
"Pabili po..." Tumingin sa akin ang tindera na may pag-aalinlangan. "Isang sardinas po at tatlong noodles po." Bahagya niya akong tinaasan ng kilay habang sinusuri kami mula ulo hanggang paa. Ramdam ko ang pangungutya niya sa paraan ng pagtingin niya sa amin.
"May pambayad ka ba 'ne?" Tumango ako, biglang nanliit sa paraan ng panghuhusga niya sa akin. Sa likuran namin ay mga taong bibili rin sa tindahan.
"Miyembro 'yan ng sindikato."
"Baka nagnakaw na naman." Napatingin ako sa nagsabi noon. Napaatras sila nang lingunin ko sila. Gusto kong magalit, gusto kong mainis, pero ang magkaroon ng ganoong pakiramdam ay tila walang puwang sa isip at puso ko.
BINABASA MO ANG
The Trained Wife [Completed]
General FictionRana Eilyn is an eighteen-year old beggar, with no house to live in, believes that one day she will be able to achieve her dreams too. Sa araw-araw na pamamalimos, iba't-ibang klase ng mga tao ang kanyang nakakasalamuha, mayroong mabubuti, madalas a...