Kabanata 13

49.2K 1.3K 752
                                    

I woke up late. Hindi ko na maalala kung paano ako nakatulog, after that quick shower. Napatulala na lang ako sa kisame pagkamulat ko. Umalis na kaya si Kal? Bumalik na ba ulit siya kay Immaculee? Before I could think of possible answers, ay napansin ko ang pagkain na nakapatong sa table sa gilid ng kama ko.

Malamig na ang breakfast ko, mukhang kanina pa kasi ito dinala rito. Bumangon ako upang maghilamos at magsipilyo muna. I'll just reheat my food later.

Bumaba ako dala-dala ang tray, agad naman akong tinulungan ni Manang Lou nang makita ako sa may hagdan. "Ma'am Cerys, hindi niyo po ba nagustuhan ang breakfast niyo po?" Umiling agad ako. "Niluto pa naman ito ni Sir Kal, maaga siyang gumising kanina bago umalis." Tila may panghihinayang sa boses niya.

"Iinitin ko lang po sana, late na po kasi akong nagising." Magalang na tugon ko habang nakangiti. Nagtungo kami sa kusina, kung saan nagluluto na ng tanghalian ang personal chef nila.

"Ma'am Cerys, may gusto po ba kayong ipaluto?" Tanong sa akin ni Sir Melvin, ang personal chef nila.

"Wala naman po, iinitin ko lang po sana itong breakfast ko kasi late na po akong nagising." Ngumiti ako sa kanya bago inabala ang sarili sa pag-iinit.

"Maagang gumising si Sir Kal para lutuin 'yan." Aniya habang nilalagay ko sa oven ang pagkain upang mainit ito. Inaalalayan naman ako ni Manang Lou na nasa tabi ko lang habang ginagawa iyon. "He made that for the first time, I've never imagined him do that." Dagdag pa niya, lihim akong napangiti na agad ding napawi nang maisip kong baka sanay na siya dahil ganoon din ang ginagawa niya para kay Immaculee. He would cook food for her, a lovely couple indeed, kung hindi lang siguro ako dumating sa buhay nila.

"Halata namang mahal na mahal ka ni Sir Kal, Ma'am Cerys." Hirit ni Manang Lou, pareho na silang makahulugang nakangiti sa akin. Tipid na lang din akong ngumiti sa kanila dahil hindi ko alam kung anong itutugon. Hindi naman ako mahal ni Kal. Tumunog na ang timer ng oven, senyales na tapos na ang pag-iinit.

"Sa garden na lang po sana ako kakain." I let Manang Lou carry the tray for me because she insisted it, although I can. "Maraming salamat po, kung gusto niyo po sumabay na po kayo sa akin kumain, marami naman po ito." Alok ko na agad niyang inilingan.

"Hindi na Ma'am Cerys. Salamat po. Tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan po kayo o ang ibang kasambahay." Tumango ako at ngumiti bago siya tuluyang umalis.

Maganda ang view dito sa garden nila dahil sa iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Ninanamnam ko ang bawat subo ko ng niluto ni Kal dahil baka hindi na ito maulit. Simple lang naman iyong hinanda niya, may tapa, itlog, bacon at vegetable salad. Masarap 'yung pagkakaluto sa tapa, tama lang ang lasa at malambot ang karne ng baka. Ang dami niyang niluto, hindi ko alam kung paano ko naubos ito, kahit hindi na ako mag-dinner, dahil sa sobrang kabusugan ko. Hinimas ko ang tiyan ko habang umiinom ng gatas na kasama ng pagkain na hinanda niya para sa akin. Napangiti ako habang iniisip kung paano niya ito ginawa kanina.

"You liked it?" Nasamid ako nang marinig ang boses ni Kal, papalapit siya sa akin, suot ang usual business attire niya. Hinubad niya ang kanyang coat at niluwagan niya ang kanyang necktie. "Why are you eating here? Ang init dito." Aniya. "Kakagising mo lang ba?" Naniningkit ang kanyang mga mata dahil sa sikat ng araw. Umupo siya sa tabi, may silong naman itong kinakainan ko kaya hindi ako gaanong naiinitan.

"Hindi maman." Sinampay niya ang coat, sa mahabang upuan kung saan kami nakaupong dalawa. "Kakatapos ko lang kumain, medyo kani-kanina pa ako nagising." Sagot ko sa mga tanong niya. "Why are you here?"

"Just checking if you ate your breakfast. I heard you skipped meals before so you can finish your modules on time." I bit my lower lip, I'm kind of guilty about that.

The Trained Wife [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon