Kabanata 12

44.2K 1.4K 762
                                    

Ngumisi siya sa akin nang dahil sa naging sagot ko. "So dati kang namamalimos? Dati kang pulubi? O miyembro ng isang sindikato," tinaasan niya ako ng kilay. "Tell me, isa ka ba talagang Pedrino? Cerys ba talaga ang pangalan mo?" Nagkibit siya ng balikat na tila naninimbang.

The way she looks at me now, I know she's asking for a fight. I won't give her that satisfaction. Manigas siya riyan. I've had enough of her. She can hurt me but not my family, lalong-lalo na sila Nanay Ising. Sinubukan ko siyang intindihin pero ngayon ay mukhang hindi ko na talaga alam kung paano pa. Kung gusto niyang intindihin ang sitwasyon niya, sana ay ganoon din ang gawin niya sa kapwa niya. Just because she's in pain doesn't mean she has to inflict the same pain to others. Only people not in their right minds would do that.

"I am—" I was ready to confess everything. I was ready to tell the whole world what I was before and that there's nothing to be ashamed about it. I was given the chance to make my life better and I grabbed that opportunity. I was ready and yet at the same time I know myself, I'm more than scared too.

"I've been there too. Naranasan ko na ring mamalimos," hinila ni Rav ang braso ko upang mapalapit ako sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman ang panghihina ng tuhod ko. "When kuya had a sudden meeting and he can't fetch me. I got hold-up. I have no choice but to beg people to give me even coins, so I can go home. Hindi madaling mamalimos."

I felt a lump in my throat. I tried to swallowed hard as Rav's hand find it's way to mine. I relax a bit when  he started massaging my hand. Tipid siyang ngumiti sa akin nang harapin niya ako. I nodded at him.

"I'm sure Cerys had the same experience too. Hindi ba Cerys?" Napakapit ako nang mahigpit sa braso niya, pakiramdam ko ay bumigat ako at ano mang oras ngayon ay bibigay ang heels na suot ko.

I just realized the weight of being a trained wife of someone that lives with silver and gold. It's not easy. It will never be easy. It's like wearing a heavy crown on your head, all eyes on you. One mistake and you'll be judged. One mistake and it will define the whole you. The pressure is with the crown that makes it even heavier.

Marahan akong tumango. Hindi makatingin ng diretso kay Immaculee. "Liar!" Sa biglaan niyang pagsugod ay hindi ko na naprotektahan pa ang sarili ko. Natigil lamang siya sa pagsabunot sa akin nang si Nanay Ising na ang humila sa kanya.

"Rana! Rana! Rana!" Tumulo ang luha ko na hindi ko na inabala pa ang sarili ko na pawiin ito.

"Nanay..." Pinaamo ni Immaculee si Nanay Ising. "Sino ang tinutukoy mong Rana? Ituro mo sa amin ngayon." Napasinghap na lamang ang mga taong naririto sa ginawa ni Immaculee. She's so desperate. Alam kong alam niya na ang totoo at gusto niyang ipahiya ako sa maraming tao. But God sent me a lot of angels to protect me tonight. "Huwag kang matakot Nanay please. I will protect you from the monster. Makasarili. Hindi ka na naiisip nay."

Inikot ni Nanay Ising ang tingin niya sa mga taong naririto. Nagtama ang tingin naming dalawa subalit nilampasan niya lamang ako. Si Jengjeng ay nakatitig sa akin. Sumenyas ito sa akin ng 'quiet sign', subalit natanto ko ring hindi pala niya sa akin sinisenyas ito kundi sa katabi ko.

Namilog ang mga mata ko.

Si Rav.

Si Rav ay ngumiti kay Jengjeng. Sumenyas ito kay Jengjeng na huwag maingay bago siya mag-thumbs up. Napangiti si Jengjeng at palihim na tumango kay Rav.

This can't be happening.

"Sino nay?" Pilit pa ring tanong ni Immaculee kay Nanay Ising. Gustong-gusto ko nang hilahin siya at si Jengjeng paalis doon. Subalit ang isang hakbang ay magbibigay kasiyahan kay Immaculee. She wants to ruin me so bad.

The Trained Wife [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon