Chapter 2

11 0 1
                                    

I slowly open the car's door habang naka pukos parin ang aking atensyon sa mansyon. Ng makababa na ako ay inayos ko ang nagusot kung A line summer dress at sinuklay ang mahaba kung buhok gamit ang aking mga daliri. Ng matapos na ako ay natuon naman ang aking atensyon sa kabuuhan ng mansyon. The mansion is spanish inspired na maypagka modern rin dahil sa ilang beses na itong ni renovate. Sa sobrang laki at layo ng mansyon sa gate ay mga ilang minuto pa ang masasayang kung lalakarin. The gate is made with copper and a mixture of gold if I'm not mistaken.

The mansyon has this kind of aura na mapapatingin at mapapatulala kanalang sa ganda nito. Ang malaking bakuran nito ay napapalibutan ng nagagandahang bulaklak at grasses. Sa sentro nito ay may malaking fountain na nakakaakit tignan lalo pat inaagaw nito ang atensyon ng mga taong dumadaan. May grand staircase na siyang dadaanan mo papasok sa napakalaking main door ng mansyon.

I must say na the mansion is still breath takingly beautiful at na e maintain talaga ang kagandahan nito. Sa paglilibot ko sa kabuuhan ng mansyon ay may nahagip ang aking mga mata na isang lalaking naka topless. Pawis na pawis ito habang buhat buhat niya ang isang sako na hindi ko alam kung ano ang laman. Pero malalaman mong mabigat ito dahil kitang kita ang paglabasan ng ugat ng kanyang braso at pagigting ng kanyang perpektong panga.

Tumatagaktak ang pawis sa kanyang katawan. Inaninag ko ang kanyang mukhang may matangos na ilong, mapupulang labi at ang kanyang perpektong panga. Napaka seryoso ng kanyang mukha at magkasalubong ang kilay. May pawis ang noo na dahan dahang bumababa na sinundan ko naman ng tingin. Hanggang sa matanaw ko ang perpektong katawan nitong nakakalaway. Perfect chiseled chest na pinarisan ng kumpletong set of abs. Ang tigas siguro niyan pag hinawakan. Naramdaman kung uminit ang aking pisngi sa iniisip kaya ibinalik kona lang ang paningin ko sa kanyang mukha na nakatingin na pala sa akin ngayon.

Oh no. Did he saw me watching his abs? Or something like that? Nakakahiya ka Andria. Mas lalong uminit ang aking pisngi at sigurado akong sing pula na sila ngayon ng kamatis. Iniwas ko nalang ang aking paningin sa kanya at kunwaring inilibot ang panigin sa paligid. Nasa akin parin ang atensyon niya hanggang sa naglakad siya patungo sa aking kinaroroonan dala dala yung sako. Hindi ko maiwasang hindi siya tutukan lalo pa't nakakaakit siya tignan.

Like gosh... He looks like a greek god because of his oozing hotness and handsome face. Makalalag panty siya. He looks like a model na naglalakad sa runway habang naglalakd siya patungo sa akin with his eyes fix on me. Sandaling tumigil ang mundo at parang ako nalang at siya ang nakikita ko. Sa bawat yapak na ginagawa niya papunta sa akin mas lalong nadagdagan ang bilis ng tahip ng aking puso. Hindi ko alam kung takot ba ako sa kanya o ano. Pero isa lang ang sigurado ako, na sobra ng naguumapaw sa init ang pisngi ko habang sinusubaybayan ang bawat galaw ng lalaking ilang pulgada nalang ang lapit sa aking kinaroroonan.

Habang lumalapit siya, mas lalo kung nakikita ang panga niyang umiigting na ngayon, ang makakapal niyang kilay na magkasalubong, ang kanyang kayumanging mata, ang kanyang matangos na ilong at ang labing sing pula ng rosas na bumagay sa kanyang malagintong balat. Medyo magulo ang kanyang buhok na dumagdag sa kanyang kakisigan at angking kagwapuhan. Hindi ako makapaniwalang isa siyang trabahador dito sa mansyon. Sa angking niyang kagwapuhan na alam kung lahat ng babae ay lalalag ang panga at siguradong maghahabol at mababaliw sa kanya.

Isang tikhim ang nakapagbalik sa aking ulirat. Nakarating na pala siya sa aking harap ng hindi ko namamalayan dahil sa kakatitig ko sa kanya. Pinagpawisan na ako at sobrang bilis ng tahip ng aking puso. Tumikhim rin ako at nahihiyang tignan siya sa mata.

'Compose your self Andi, wag mong ipahiya ang sarili mo dahil lang may nakita kang gwapo at makalaglag panty, kakarating mo lang dito, Umayos ka'. Palala ko sa aking sarili... Huminga ako ng malalim.

H A T R E D (Tragic Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon