Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Kinusot ko ang aking mata at umupo sa aking kama. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan ang mga text nina kuya at mommy sa akin at sa iilan kung mga kaibigan sa states. Ni replyan ko sila isat-isa bago ako tumungo sa banyo upang maligo.
Ilang minuto kong binabad ang sarili sa tub bago ako tumungo sa shower para magbalaw. Pagkatapos kong maligo ay tumungo na ako sa walk in closet ko at namili ng susuotin. Napili kong suotin ay isang high waist short shorts na pinarisan ko ng isang off shoulder top at high heeled strap sandals. Pinatuyo ko ang buhok at sinuklay ito. Ng makuntento na ako ay bumaba na ako at dumeritso na sa hapag.
Umupo ako at kumuha na ng aking makakain. Nilagyan naman ng isa sa mga katulong ang aking baso ng orange juice. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang hindi ma excite na makikita ko siya sa may kuwadra ngayon. Minadali ko ang aking pagkain para matapos ng makita ko si Nanny na patungo na ngayon sa hapag.
"Oh Andi hinay hinay lang sa pagkain at baka ikaw ay mabulunan. Nako nako, ikaw talagang bata ka oh..." saway nito sa akin habang naiiling.
Tumango nalang ako sa kanya at binagalan nalang ang pagnguya ng pagkain. Sumabay si Nanny sa akin kumain at ng matapos kami ay nagpaalam si Nanny sa akin na pupunta sa may hacienda dahil may kailangan siyang asikasuhin doon.
Habang naglalakad ako patungo sa kuwadra ng mga kabayo ay hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng paligid. Ang mga nakapalibot na bulaklak sa may garden ang mga statwa na nagsilbing palamuti sa garden at iba pa. Sa sobrang pagkamangha ko sa paligid ay hindi ko namalayang bumangga ako sa isang matigas na dibdib. Muntik pa akong matumba kong hindi niya lang ako nahawakan sa beywang. Awtomatiko namang namula ng parang kamatis ang pisngi ko at tinanaw ang kanyang seryosong mukha na umiigting na naman ang panga at magkasalubong ang kilay na parang galit na namna na ewan.
"S-- sorry." nautal pa ako ng maibigkas ko yun.
Binitawan niya ako ng maibalanse ko na ang aking sarili at supladong naglakad palayo sa akin at dumeritso sa kuwadra ng kabayo. Sumunod naman ako sa kanya habang tinatanaw ko ang kanyang maskuladong likuran. May kinuha siyang dayami at pinakain ang mga kabayo. Hindi ko nam maiwasang hindi siya sundan ng tingin dahil ng sa namangha ako sa bawat galaw niya.
"Ilang taon kanang naninilbihan sa mansyon?" tanong ko sa kanya habang hindi parin inaalis ang aking tingin sa kanyang bawat galaw.
Hindi siya umimik at pinagpatuloy lamang ang kanyang ginagawa. Napanguso na lamang ako sa kanyang ka supladuhan. Bakit ba ang supla-suplado ng lalaking to. Kung hindi ko lang talaga siya gusto hindi ko talaga siya papansinin...
" Nag-aaral kaba?" subok kong tanong ulit sa kanya.
Taumango lang siya bilang sagot sa tanong ko. 'Atleast tumango siya sa tanong ko' sabi ko sa sarili. Nagpatuloy siya sa pagpapakain sa mga kabayo na magkasalubong parin ang kilay.
"Talaga? Saan ka nag-aaral kung ganun? Anong year kana?" masigla kung wika sa kanya.
Pero gaya kanina hindi parin siya kumibo at nagpatuloy lang sa ginagawa. Hindi niya pinansin ang mga tanong ko sa kanya...
"Bakit ang supla-suplado mo Jake?" mahina kung wika pero alam kung narinig niya dahil malapit lang naman ako sa kanya at ang tahimik pa ng paligid.
Huminto siya sa kanyang ginagawa at tumalikod sa akin. Akala ko hindi siya magsasalita pero ng magsasalita na sana ako ay bigla siyang nagsalita.
"You should go back to the mansion where you belong senyorita. I don't have time to entertain you nor to answer your silly questions." sabi niya sa akin habang nakatalikod siya.
BINABASA MO ANG
H A T R E D (Tragic Love Series 1)
RomantikAn unexpected love story that will break your heart into pieces. A Torres who loved but was given pain in return. A story that is unique in its own way. Find out the beauty with in this story and read it till the end.