Nagising ako dahil sa init na naramdaman. Para akong sinilaban ng apoy dahil sa sobrang init. Napaupo ako sa kama at tiningnan ang oras. Alas dose na pala ng tanghali at tirik na ang araw sa labas. Hinawi ko ang comforter ko at kinuha ang remote para palakasan ang temperatura ng air condition.Ilang butil na ng pawis ang namumuo sa aking noo. Ang init ng aking pakiramdam kahit na malamig naman ang paligid. Nanginginig na ako at tatawag na sana sa telepeno para ipaalam kay Nanny ang naramdaman ko ng may biglang tumayo galing sa pagkaupo sa sofa ng aking kwarto. Mukhang kagagaling lang nito sa tulog at biglang nagising dahil siguro sa konting ingay na nagawa ko.
Nanlaki ang mata ko at nagtaka kung bakit siya nandito sa kwarto ko. Ng mapansin niyang nanginginig ako ay mabilis siyang pumunta sa akin at sinapo ang aking noo at leeg.
"Ako ang siyang inatasang magbantay sayo ani ni Aling Bibang, dahil wala siya ngayon sa mansyon sa kadahilanang may pinapaasikaso si Senyor sa kanya." seryoso niyang wika sa akin.
Tumango ako sa kanya. May kinuha siya sa coffee table na tray na may tubig at gamot. Pinainom niya ako ng gamot pagkatapos nun ay lumabas siya ng kwarto. Doon lang ako nakahinga ng maayos ng maisara na niya ang pinto. Ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa kanya. Sinuklay ko ang magulo kung buhok ng hair brush at ng matapos ako ay siya namang pagdating niya.
May dala siyang bimpo at isang lalagyan ng mainit na tubig. Inilagay niya ito sa lamesang malapit sa akin at binasa ang bimpo ng mainit na tubig. Humiga naman ako ng maayos at pinagmasdan lang ang bawat galaw niya. Hinawi niya ang iilang buhok sa aking noo bago niya nilagyan ng bimpo.
Unti unting sumilay ang ngiti sa aking labi ng ginawa niya iyon. Samantalang siya naman ay magkasalubong na naman ang kilay at sobrang suplado.
"Hindi kaba marunong ngumiti?" tanong ko sa kanya habang dinadampian niya ang aking noo.
Tiningnan niya lang ako sa mata at hindi pinansin ang aking tanong.
"Bakit ikaw ang pinabantay ni Nanny sa akin? Asan ang ibang katulong?" tanong ko na naman na mas lalong ikena seryoso at ika suplado ng kanyabg mukha.
"Lahat ng mga katulong sa bahay ay nasa rancho ngayon para tumulong sa mga trabahador sa ani ng tubo senyorita. Kinulang kasi sa tauhan at kaioan nila ma ani iyon kaagad. " nahihimigan ko ang pag-kairita sa kanyang tono.
Tumango lang ako sa sinabi niya. Pinakain niya ako ng sopas ng natapos siya sa pag punas ng bimpo sa aking noo. Sinubuan niya ako na ikinapula ng aking pisngi. Nakakahiya. Ilang beses akong lumagok ng unti-unti niyang ilapit sa akin ang kutsara. Kinain ko iyon habang tinitigan siya na seryoso lamang sa ginagawa.
"Ilang taon kana Jake?" tanong ko sa kanya.
"19" maikling sagot niya habang sinusubuan ako.
Napangiti ako ng malawak dahil sa wakas sinagot na niya ang tanong ko. Akala ko hindi niya naman papansinin eh...
"Talaga? 3 years lang ang gap nating dalawa kung ganun. I'm 16 pa kasi." sabi ko sa kanya ng nakangiti.
Umismid lang siya sa akin at suplado na naman ang mukha. Kailan kaya siya ngingiti. Parang siya ang babae sa aming dalawa pero dibale cute naman siya pagnagsusuplado. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti... Gagawin ko talaga ang lahat makita lang siyang ngumiti. Ng matapos niya akong pakainin ay lumabas siya at bumalik rin kalaunan. Tinitigan niya muna ako at kinapa ang aking noo.
"Magpahinga kana, you need more rest para tuluyan ng mawala ang lagnat mo senyorita." seryoso niyang tugon sa akin.
"Pero gusto pa kitang makausap. You know...getting to know each other." sabi ko sa kanya ng nakangiti.
Umismid lang siya sa sagot ko at naglakad na papuntang couch at naupo. Tinignan ko lang siyang umupo at dahang dahang bumaling sa akin. Seryoso na naman ang mukha ng lalaking ito. Wala man lang kakulitan sa buto. Iniba ko ang aking posisyon sa paghiga na nakakulob sa aking kama habang tinititigan parin siya. Nilagay ko ang dalawa kung kamay sa magkabilang pisngi ko at tinukod ito sa kama habang nakangiti parin sa kanya.
"You should rest senyorita, para mawala na ang lagnat mo" seryoso niyang wika sa akin, pero walang emosyon ang mahahagilap sa mukha nito.
Umiling ako sa kanya at ngumuso. Isa sa mga charms ko ay ang pag pout ng labi ko.
"Mamaya na. Hindi naman malala ang lagnat ko, nilalagnat talaga ako pagnakaramdam ako ng sakit sa katawan, masyado kasi akong sakitin nung bata ako at sensitive."
"So, anong full name mo Jake?" tanong ko sa kanya na suplado parin ang mukha.
"You don't have to know senyorita." cold niyang tugon na nagpasimangot sa akin.
"But I want to know." ngumuso ako sa kanya.
Hindi ko na talaga alam tong pinaggagawa ko. Mukha akong timang na nagpapacute sa isang lalaki. Hindi naman ako ganito dati pero pagdating sakanya nagiging tanga ako. Hayyysss, what's wrong with you Andria? Ikaw paba yan?, tanong ko sa sarili.
"And I don't." suplado niyang sabi na ikina nguso kong muli.
"Ang sungit naman nito." bulong ko sa sarili pero mukhang narinig niya dahil sa paggalaw ng bagang niya.
Nginitian ko lang siya na parang walang akong sinabi kanina.
"Anong type mo sa babae?" tanong ko with matching pacute face. 'this is so not me' bulong ng other self ko.
"Why do you even ask?" suplado niyang tanong.
Hindi ko natalaga napigilang irolyo ang aking mga mata. Wala talaga akong mapapala sa lalaking to. Ewan ko ba, at siya pa natipuhan ko sa lahat ng lalaking nakilala ko.
"Why do you always answer me with a question? I'm just asking so that I know if you can like me or not." mahinang tugon ko sa mga huling salita, sana hindi niya narinig iyon.
" I like girls that are not nosy and loud. So specifically, you are not my type of girl." sagot niya na nagpabigla sa akin.
He heard what I said in the last part. Masasabunutan ko talaga sarili ko nito. Pero anong sinabi niyang nosy at loud. Ang quite ko kaya and hindi rin ako nakikialam sa buhay ng iba. So technically I'm one of his type. Pero bakit you are not my type of girl. Napailing nalang ako sa naiisip at hinarap siya ng nakataas ang noo.
"You are n--ot my type of boy also noh. I hate boys na masungit at suplado kaya. Ang mga type ko ay yung mga manliligaw ko sa America. And just so you know, I'm not nosy nor loud." pagmamalaki ko sa kanya.
He just stared at me blankly with no emotion seen on his face.
"Really?" he ask dryly and smiled a little but I know it was just a sarcasm.
"Really." I answered him with finality.
Kumuha siya ng isa sa mga magazines sa coffee table at binuklat iyon. Just as I was about to open my mouth, binaba niya ang magazine at tumingin sa akin at nagsalita.
"Enough talking. Sleep and rest now..." sobrang cold at maawtoridad niyang sabi na nagpasunod sa akin.
Ewan ko ba bakit ang dali dali niyang pasunudin ako sa kanya. Hindi naman ako ganito noon, mas ako panga yung nagpapasunod sa mga lalaki. Pero siya, ewan kong bakit ganito ako sa kanya. Iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Ibang-iba talaga to be exact. There's something sa kanya na nagpapasunod talaga ako.
Humiga na ako sa kama at tinabunan ng comforter ang sarili. Bago ko paman ipikit ang aking mga mata ay tinignan ko muna ang kabuuhan ng lalaking hindi ko inaasahang makapagbago sa akin. Sa isang Andria Deign D. Torres...
BINABASA MO ANG
H A T R E D (Tragic Love Series 1)
Roman d'amourAn unexpected love story that will break your heart into pieces. A Torres who loved but was given pain in return. A story that is unique in its own way. Find out the beauty with in this story and read it till the end.