Naikusot ko ang aking mga mata na dahan-dahang bumuka. I yawn and look at the balcony. Malapit ng kainin ng dilim ang natitirang liwanag. Hinawi ko ang aking comforter at binaba ang aking paa hanggang sa maramdaman kona ang sahig. Medyo inaantok pa ako at nagdesisyon na sanang matulog ulit ng makarinig ako ng katok sa aking pinto. Nilapitan ko ito, hindi na nag-abalang ayusin ang sariling bagong gising at dahan-dahang pinihit ang door knob ng aking pinto.
Laking gulat ko ng sumalubong sa akin ang supladong mukha ng lalaking hindi ko matanggal sa aking isipan kanikanina lang. Kumpara kanina noong kakadating ko lang, nakasout na ito ng isang puting shirt at mukhang kakaligo lang dahil sa kanyang medyo magulo at basang buhok. He looks hotter than before though. Nanunuot sa aking ilong ang kanyang panlalaking pabango. Nahiya tuloy ako sa aking itsura ngayon. Hindi ako nakapagsuklay manlang o nakapag-toothbrush! At alam kung mukha ako ngayong isang bruhang walang ligo dahil sa magulo kong buhok. Ano bayan Andria! Bakit palagi mo nalang pinapahiya sarili mo sakanya pero dibale, maganda kanaman kaya okay lang. Pero ang gwapo panaman niya ngayon...
Tumikhim siya na nagpabalik ng aking ulirat. Masyado ata akong nadala sa aking kalandian at sa pagiisip kung paano ko maayos ang itsura kung mukhang bruha.
"Hi! I'm Andrea. Ikaw anong pangalan mo?" sabi ko sa kanya na sinamahan ko pa ng isang matamis na ngiti.
"Nandito po ako para sabihin sa inyong pinapahanda na daw po kayo sa gagawing selebrasyon ngayon sa inyong pagdating." sabi niya sa isang baritono at seryosong boses.
Suplado naman ng lalaking ito. Hindi man lang sinabi sa akin ang pangalan niya...
Sinuklay ko naman ang aking magulong buhok ng aking mga daliri at tiningnan siya sa mata na nakatingin rin pala sa akin. Ngumuso ako at iniikot-ikot ang iilang hibla ng aking buhok."A--nong pangalan mo?" tanong ko ulit sa kanya.
Umigting lamang ang kanyang panga at nagkasalubong ang kilay na para bang galit siya dahil nagtanong pa ako.
"Yun lamang po ang aking sadya at kung maykailangan po kayo ay tumawag lang po kayo sa telepono ng iyong kwarto."
Sabi nito na hindi pinansin ang aking tanong at akmang tatalikod na sana ng hinawakan ko ang kanyang braso. Tinignan niya ng mariin ang kamay kung nakahawak sa kanyang braso kaya madali ko itong tinanggal sa pagkahawak sa kanya. Humarap naman siya sa akin na nakaigting parin ang panga.
Ngumuso naman ako dahil sa suplado niyang ekspresyon.
"H--indi mo sinagot ang tanong ko. Dapat pag maynagpakilalang tao sayo dapat magpakilala karin." nauutal kong sabi sa kanya na wala man lang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Jake." simple niyang sinabi bago ako tinalikuran at naglakad na palayo.
Ng nawala na siya sa aking paningin ay sinirado ko ng mabilis ang aking pinto at napasandal dito. Ang bilis ng tahip ng aking munting puso at hindi ko mapakali ang aking sarili. Alam kong kanina pa nag-iinit ang aking pisngi pero hindi ko to inalintana. I deny ko man, alam kong kinikilig ako ngayon... Kahit ang sungit niya sa akin kanina at ang tagal pa akong sinagot sa kung anong pangalan niya .
Tinignan ko ang aking kamay na kani-kanina lang ay nakahawak sa kanyang matigas na braso at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ang tigas ng braso niya, parang sanay sa mga mabibigat na gawain...
Ng maikalma kona ang sarili ay napagdesisyonan ko ng maligo para makapagbihis. Sinabunan ko ng mabuti ang sarili at inubos ang laman ng aking shower gel at nag tootbrush ako ng maigi. Pagkatapos kong maligo ay pumunta agad ako sa aking walk in closet at kinuha lahat ng damit na hindi ko pa naisusuot.
Napili kong soutin ang red tube top dress na pinarisan ko ng isang black stiletto. Naglagay rin ako ng kaunting make up sa mukha at nilugay ang aking natural brownish hair na medyo kulot ang dulo. Pinarisan ko rin ng isang necklace na may heart shape ruby na pendant.
BINABASA MO ANG
H A T R E D (Tragic Love Series 1)
RomanceAn unexpected love story that will break your heart into pieces. A Torres who loved but was given pain in return. A story that is unique in its own way. Find out the beauty with in this story and read it till the end.