Chapter 9

1 0 0
                                    

Wala akong ibang naririnig sa oras na ito kundi ang sapatos niyang naglilikha ng tunog, ang hininga naming dalawa at ang ulang patuloy sa pagpatak. Walang nagsalita sa amin at tanging pagtitig lang ang aking naggawa sa kanya. Hindi ko inalintana ang lamig sa pagkabasa ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang kagagaling lang nito sa isang paligsahan at ngayon lang nakapahinga. Ang huling sinabi niya ang siyang naging dahilan para mawalan ako ng lakas para magpumiglas pa sa kanyang mga bisig at tanging ang pagtibok lang ng puso ang naririnig kahit marami namang tunog sa paligid.

Seryoso lang ang kanyang mukha habang naglalakad buhat buhat ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Parang isang bula na bigla nalang nawala ang sakit at bigat sa puso na naramdaman ko kanikanina lang at napalitan ng kakaibang pakiramdam. Anong ibigsabihin niya kanina? Na ayaw niya akong maglakad dahil baka matumba na naman ako at wala siya don para saluin ako?... Aminin ko man o sa hindi, ang sinabi niyang iyon ay binigyan ko ng ibang kahulugan. Pero sa tuwing naalala kong may girlfriend siya ay nawawala nalang ang katiting na pag-asang pwede siyang maging akin.

Nanlalabo na naman ang mata ko at pinigilan kung umiyak ngayon. 'Wag kang umiyak sa harapan niya Andria. Crush mo lang siya' paalala ko sa sarili. Kinagat ko nalang ang aking pang ibabang labi at pinigilang humikbi. Ibinaling ko ang tingin sa harap kung saan kita kung malapit na pala kami sa mansyon. Doon lang ang aking tingin, ayaw kong titigan siya.

Basang-basa na kaming dalawa sa ulan. Iniwan niya kasi ang payong na dala niya para kargahin ako sa kanyang mga bisig. Tulala lang ako ng makarating kami sa mansyon. Sinalobong agad ako ni Nanny na may pag-alala sa mukha.

"Ikaw talagang bata ka oh. Kagagaling mo lang sa lagnat nagpaulan kana naman." sabi niya sa nagaalalang tono.

Binaba ako ni Jake ng makapasok na kami sa mansyon. Naka paa lang ako habang tinapisan ako ni Nanny ng towel.

"Nagpaulan kapa. Magkakasipon ka nito o lalagnatin kana naman..." sabi ni Nanny na nakabusangot na ang mukha sa akin habang pinupunasan ako ng towel.

"Okay lang ako Nanny..." sabi ko sa mababang tono.

Pinunasan niya ako at may sinabi sa isang kasambahay bago niya ako sinamahan papunta sa aking kwarto. Hindi ko na siya tinignan ng makaakyat na ako sa grand stair case. Ng makarating na sa aking kwarto ay pinaderitso na ako ni nanny sa banyo at pina shower doon. Wala ako sa sarili habang naliligo ako at nagpatuyo ng sarili. Ng matapos na ako ay sinuot kona ang bathrobe na ibinigay sa akin ni nanny at nagawi na sa aking walk in closet para magbihis.

Si Nanny ang nagpili ng aking damit at nagblow dry ng aking buhok. Sinuot ko ang aking pink paired pajamas na si Nanny ang napili pagkatapos kong maglagay ng lotion sa katawan. Ng matapos ay umupo lang ako at tinignan ang repleksyon sa salamin habang si Nanny ay nagsusuklay na ngayon sa aking buhok habang pinapatuyo ito gamit ng blow dryer. Tumitig lang ako sa sariling repleksyon habang bumuntong hininga na nagpaangat ng tingin kay Nanny sa akin.

"Alam kong may problema ka Andi... Sabihin mo na kay Nanny yan." sabi niya sa akin.

Bumuntong hininga ulit ako at ginalaw galaw ang aking mga gamit sa harap.

"Broken ako ngayon Nanny..." parang bata kong sumbong na ikinahalakhak niya ng konti.

"Akala ko ba na ikaw ang nagpapa-broken bakit ikaw yung na sawi. Siguro may nahanap ka naring katapat mo noh? " sabi niya na ikinabusangot ko lalo.

"Tama talaga ang naririnig ko na pag ang isang Torres kumplikado talaga magmahal at sa tao pang hindi nararapat at hindi dapat." seryosong na ikinataka ko.

Napatulala ako sa sinabi ni Nanny. Hindi ko alam kung alam nya ba pero kung oo man sana sya lang ang nakakaalam nun. Dahil sa oras na malaman iyon ng lahat lalo na ang pamilya ko siguradong may pangyayaring hindi ko gustong alamin at ayaw kong mangyari.

Tatanongin ko na sana sya kaso nagpaalam na sya na baba dahil may aasikasuhin pa sya at padadal an nya lang ako ng gatas at dinner sa kwarto ko.

Na iwan akong mag-isa sa kwarto ko. Tulala sa pinagsasabi ni Nanny kanina at sa pag-iisip sa lalaking iyon na nagpapatulala sa akin sa gitna ng ulang nagbabagsakan. Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang pinipilipit ang puso ko. No ayaw ko nang alalahanin ang lalaking iyon. Ayaw ko na syang maalala ng dahil lang sa huling sinabi ni Nanny dahil bumabalik lang saakin ang sakit.

Napagdesisyunan ko na sanang mahiga sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. Hindi ko inabalang tignan kong sino ito at napahinto ng marinig ko ang boses ng taong matagal ko ng iniiwasan.

"A--ndria..." sabi nya sa nauutal na boses bago ko enend ang tawag.

Itinapon ko ang cellphone ko sa kama at napaupo sa sahig. Yumuko ako at tinabunan ang mukha ko ng aking mga palad.

Naguunahang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata habang bumabalik na naman sa akin ang mga alaala nung marinig ko ang tinig ng lalaking matagal ko na sanang kinalimutan pa. Lahat ng sakit bumalik na parang kahapon lang ng nangyari yun. Lahat ng alaalang akala ko nakalimutan ko na.  Pero nagkamali ako, nagkamali na naman ako ng dahil lang sa lalaking iyon. Ng dahil sa isang Dela Luna...

H A T R E D (Tragic Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon