Mary's POV
Maraming nangyari sa araw na ito. Nagsimula namang bumalik sa dati ang atmospera dito sa eskwelahan.
Hindi na rin madalas pag-usapan ang nangyaring patayan. Wala na rin ang mga haka-haka. Ngunit ang detective club ay ganun pa rin ang ginagawa. Gumagawa ng hakbang upang matunton ang salarin. Pinag-aaralan ang bawat anggulo na maaaring makapagdala sa kanila sa katotohanan.
So far, wala pa naman akong nakikitang improvements sa imbestigasyon.
Ilang linggo na rin pala ang nakakalipas. Malamang ay nakalimot na ang iba. Wala pa kaming nagiging plano. Hindi pa kasi bumabalik si Angela.
She said that we should keep it low-key. Ilang araw na rin akong nagtitiis sa kamalditahan ni Celestine. Mabuti nalang talaga at nandyan si Lea. Sila ang laging nagbabangayan at laging nag-iiringan.
Hindi talaga sila kailanman nagkasundo. Lalo pang nagalit si Lea nang umalis si Clestine kagabi.
"Mary, ang putla mo ah. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Roanne.
"Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang ng konti pero kaya pa naman." Mahina kong sambit.
Batid ko nga na mayroon akong sakit sapagkat napakabigat ng aking pakiramdam.
"Sige, pero kung hindi mo na kaya ay magsabi ka lang. Dadalhin ka namin sa clinic." Sabi ni Roanne.
Tumango lang ako bilang tugon.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang klase namin.
Pagkatapos ng klase ay mas lalo pang lumala ang hilong nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako anumang oras. Feeling ko nilalagnat ako.
"Ro, nasaan ba yung clinic dito?" Tanong ko sa kanya. Napansin niya rin siguro na hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko.
"Sasamahan na kita." Pag-aaya niya kaya sumama na lang ako.
Malapit lang naman pala ang clinic sa room namin. Hindi ko lang ito napagtuonan ng pansin dahil sa mga nangyayari noong nakaraang mga araw.
Nang makarating na kami sa clinic ay may sumalubong sa aming isang magandang babae. Kung pagbabasehan ang kanyang facial features, masasabi kong isa siyang pure blood Japanese.
"Magandang umaga, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Magiliw nitong tanong.
Hapon na fluent sa wikang Filipino.
"Inaapoy po ng lagnat ang aking kaklase. Maari po bang dito muna siya?" Tanong naman ni Roanne.
Tumango naman ang babae at inalalayan akong makapasok at pinahiga niya ako sa isang kama.
"Ako na ang bahala sa kanya. Bumalik ka na sa klase mo." Saad nito kay Roanne. Tumango naman si Roanne at nagpaalam na.
"Ano ang nararamdaman mo? Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tanong nito sa akin.
"Nahihilo po ako at sobrang sama po talaga ng pakiramdam ko. Ako nga po pala si Mary Yamazaki." Sagot ko naman sa kanya.
Nanghihina ako. Maayos naman ang aking pakiramdam noong isang araw eh. Baka dala ito ng pagod at naulanan pa kami kagabi ni Lea dahil hinanap namin si Celestine. Bigla nalang kasi itong nawala sa kasagsagan ng gabi.
"Yamazaki? Sounds familiar to me. Ako nga pala si Hira Nakajima. I am a voluntered nurse in this school. Magpahinga ka na muna. Kailangan mo lang ng tulog. Inumin mo muna itong gamot sa lagnat." Sabi niya.
Narinig ko rin siyang magsalita ng English. Matapos niya akong painumin ng gamot ay agad niya akong pinatulog.
Unti-unti namang bumibigat ang aking talukap hanggang sa makatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Behind the Angel's Mask
Mystery / ThrillerA story of three innocent looking girls who commit murder...