Mary's POV
Lumipas ang maraming pang mga araw. Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon sa biglaang pagkamatay ni Josh.
Wala rin kaming maayos na klase kasi balisa ang lahat ng guro. Iniisip nila na anak ng guro ang pinapatay. Natatakot sila para sa kanilang mga anak.
Talagang nagconclude sila. Isa pa lang ang napatay ay ganun na agad ang iniisip nila.
Sabagay, tao lang naman. Desperado na silang maayos ang gulong ito.
Nagkaroon rin ng takot ang mga estudyante. May iba rin na lumipat na sa ibang eskwelahan.
No fun. Mga duwag. Pero ayos lang. Madami pa naman ang natitira.
Yung mga kaibigan ni Josh ay nanatili naman sa school. Plano nilang maghigante. Kasali kasi si Josh sa isang Gang. Yung pinakalider nila ay si Ryan.
Siya ang huli. Ang huli naming papatayin. At sisiguraduhin naming magdurusa siya. Siya ang pinakabrutal sa kanilang lahat kaya kailangang brutal rin ang gagawin namin sa kanya.
Siguro yung medyo tahimik na lang muna yung pagpaplanuhan namin ngayon. Yung si George. Ano kayang magandang gawin sa kanya?
"Mary, right?" Nagulat naman ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Ako nga pala si Carla. Class secretary. Inutusan kasi ako ni ma'am na maglista ng mga peresent ngayong araw. Bago ka kasi, hindi pa ako masyadong pamilyar sa'yo." Sabi niya.
"Nice meeting you Carla. Wala ba tayong klase ngayon?" Tanong ko.
"Wala eh. Nasa meeting room lahat ng teachers. Pinag-uusapan pa rin ang nangyari kay Josh. Brutal kasi masyado yung pagpatay." Sabi niya.
"Unang beses din itong nangyari kaya balisa ang lahat. Hindi ka naman natatakot?" Tanong naman ng isa pang babae.
Mga kabute ba sila? Sulpot ng sulpot eh.
"Ah, ako nga pala si Charlyn. You can call me Cha or Lyn. Pumili ka lang." Dagdag niya pa.
Ngumiti naman ako.
"I am Mary. Sa tanong mo, hindi naman ako ganun katakot. Medyo kinakabahan pero kakayanin." Sabi ko na may matamis pa rin na ngiti sa mga labi.
"Teka lang Carl, bakit ikaw yung naglilista sa attendance? Diba yung class monitor yung naka assign diyan?" Tanong ni Charlyn.
"Absent si Kira eh." Sagot naman ni Carla.
"Sige Mary. Pupuntahan ko lang ang iba nating classmates. Wag munang lumabas kasi may announcement daw si President." Sabi ni Carla.
Tumango naman ako. Nagpaalam na rin si Charlyn.
Maya-maya pa ay dumating na si Roanne kasama si Maria at Mitzi.
"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya.
"Sa cafeteria. May binili kasi sila. Nagpasama sa akin. Wala na namang klase. Kailan kaya magiging normal ang araw dito sa school?" Sabi niya.
"Soon, maybe." Sabi ko.
"Sana nga." Saad niya at naupo na.
I doubt it. Marami pa kaming papatayin. Humanda sila.
Ilang minuto pa ang lumipas ng bigla nalang pumasok sa classroom yung isa ko pang kaklase.
"Guys, listen up. Bukas, hindi daw muna tayo papasok. We will stay in our dorm for the whole day. Magpapatuloy pa kasi ang imbestigasyon. Ayaw nilang mapahamak tayo kaya mas mabuti pang manatili na lang tayo sa mga dorms." Anunsiyo nito.
BINABASA MO ANG
Behind the Angel's Mask
Misteri / ThrillerA story of three innocent looking girls who commit murder...