Chapter 8 The Playboy's Downfall

5 2 0
                                    

Angela's POV

Tulog na siguro ang dalawa. Hindi kasi ako makatulog eh. Gusto ko sanang sabihin sa kanila. Kaya lang, may mga plano ako. Kailangan ko munang sarilinin ito, na kaya kong kontrolin si Celestine.

Yes, I can control this body if I wanted to. I can be Angela whenever I wanted to. It's just that, I don't want to be selfish to Celestine.

She deserves to control her own life. Kaya may mga pagkakataong hindi ko kinokontrol ang katawan na ito.

Napabuntong-hininga na lang ako. Grabe naman. Bukas ng gabi, may gagawin na naman kaming kasalanan. Hindi ko naman pinagsisihan ang mga ginawa namin. They deserve what we did to them.

Masahol pa sila sa hayop. They deserve to suffer a lot.

Napangiti naman ako sa naisip. Kamusta na kaya ang mga taong kumidnap sa akin noon? This body? It belongs to Celestine. Nailabas lang ako dahil sa nangyari noon. She was kidnapped and brutally beat up. I was there to save her. My existence saved her from dying.

Lea and Mary had a terrible past. They suffered a lot. Just like Celestine. The bloodlust is what makes them happy. Killing is their hobby. Hmm? Ako? Tinutulungan sila. We are friends, so we need to take care of each other. We need to help each other.

Lea or Aleah Eizhurie.
Mary or Mayumi Yamazaki.

They changed their names para itago yung identity nila.

Wait? Fun day pala bukas eh. Mukhang busy kami bukas ng umaga.

Haay! Sa totoo lang ay nakakapagod din ang maghigante. Sobrang nakakapagod. Pero, deserve naman nila iyon.

Ano kaya yung mga event bukas? Di na nga daw sana matutuloy ang fun day. Kaya lang ay sa tradisyon na ito at nakasanayan na, pinagpatuloy na lang. Binago lang nila yung time. Dapat kasi ay isang linggo yung fun day. Ngayon, ginawa nilang tatlong araw lang.

Hindi pa rin daw kasi matanggap ng may-ari ng school ang nangyaring trahedya kina Josh at George. Well, we don't feel guilty at all. They deserve that.

That playboy/fuckboy named Nathan will be our next target.

Tomorrow night is the playboy's downfall.

Para to sa ginawa nila kay Aleah at sa mga babaeng sinaktan at pinaiyak niya. What makes it worst, matapos niyang gamitin ay papatayin niya. He's a monster. He deserves something more cruel than what we did to Josh and George.

Sa sobrang pag-iisip ay di ko namalayang nakaidlip na pala ako.

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig kong nagsalita si Mary.

"Angela, bakit si Nathan? Bakit siya ang isusunod?" Tanong nito sa akin bago naupo sa dulo ng kama.

"Iyon ang gusto ni Lea eh. Bakit?" Sabi ko. Narinig ko naman na bumuntong-hininga siya.

"Nathan came from a powerful family. Alam ko naman na bihasa na tayo pero hindi ko maiwasang matakot na baka kung ano ang mangyari," Sabi niya.

"Walang mangyayari. We just have to make sure that he is dead before we leave him," Saad ko. Napatango naman ito.

Pagkatapos niyon ay lumabas na ito ng kwarto at nagtungo sa kung saan.

Nang mapag-isa ako ay napaisip ako. Posible kayang nagbago ang isip ni Mary? Ayaw niya kayang sumama sa amin? No! Hindi siya ganun. Baka nag-aalala lang talaga siya para sa amin. Sa sobrang pag-iisip ay nakatulog ulit ako.

Nagising lang ako nang marinig ko na tumatawa si Lea at Mary sa labas. Agad naman akong bumangon at nag-ayos. Naligo na lang din ako at nagbihis. Syempre hindi ako nakauniform. Fun day ngayon eh.

Behind the Angel's MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon