Chapter Seven - Next Target

18 1 0
                                    


Celestine's POV

Nakabalik na kaming dalawa ni Lea sa dorm. Nakaupo kaming dalawa sa mahabang sofa. Napakatahimik ng paligid. Panay pa rin ang aking pagsinghot. Dahil siguro sa labis kong pag-iyak kanina.

Kung hindi pa dumating si Lea ay baka hindi pa rin ako nakaalis doon.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at niluwa nun ang nakatulalang si Mary. Agad naman kaming naalarma sa itsura niya. Madalas kasi iting nakangiti. Pero ngayon ay lutang ito.

"Ayos ka lang Mary?" Tanong ni Lea. Hindi ito sumagot, bagkus ay umupo lamang ito sa pang-isahang sofa. Nakatulala pa rin. Napatayo na kami at agad siyang tinapik. Natauhan naman ito bigla.

"Nandiyan na pala kayo?" Tanong nito.

"Kanina pa kami nandito. Nakatulala ka kasi kaya hindi mo kami napansin agad. Ayos ka lang ba? May problema ba?" Ako naman ang nagsalita.

"A-ah, ano...wala. May iniisip lang. Oo...madami lang akong iniisip." Saad nito habang tumatango na animo'y kinukumbinsi ang sarili.

"Sigurado ka? Alam mo namang pwede kang magkwento sa amin anytime. Willing kaming makinig." Suhestiyon ni Lea.

Tumango lang si Mary. Alam namin na may bumabagabag sa kanya. Pero hindi namin ito pipilitin. Nagsasabi naman ito kapag willing siyang magkwento.

"Nga pala, nakita ko kayo kanina. Kasama niyo si Ryan." Sabi ni Mary.

Napatingin naman agad ako sa kanya.

"Hindi naman kita pinipilit Cele kung ayaw mo pang sabihin sa amin ang tungkol sa inyong dalawa ni Ryan. Kaya lang, concerned lang ako, kami. Baka kasi kung anong gawin sa'yo ng lalaking iyon. Hindi natin yun lubos na kilala. Kailangan nating mag-ingat sa mga taong pakikisamahan natin." Dagdag niya.

"Hindi naman sa pagiging judgemental, pero mahirap na kasi talagang magtiwala sa panahon ngayon eh. Ayaw naming mapahamak ka." Dagdag pa niya ulit.

Tumango lang ako. Ayoko muna kasing buksan ang usapin na yan. Ayaw ko pang ibahagi ang tungkol sa amin ni Ryan. Hindi pa ako handa.

Maya-maya pa ay naisipan na naming maghanda ng hapunan. Matapos maghapunan ay naisipan pa ng dalawa na manood ng KDrama. Hinayaan ko na lang sila. Hindi naman kami mahilig sa mga ganitong palabas kaya lang ay dahil na rin siguro sa impluwensiya ng mga kaklase namin.

Agad na akong nagtungo sa kwarto ko at naghanda na para matulog. Feeling ko kasi ay inaantok na ako kahit maaga pa naman para matulog.

Ilang saglit lang ay may natanggap akong message.

Ryan Cortiz:

Babe, usap naman tayo bukas.

Seen.

Hindi ko alam kung magrereply ba ako o hindi.

Namalayan ko na lang nanagtitipa na ako ng reply.

Celestine Cruz:

Ano naman ang gusto mong pag-usapan? Busy kasi ako hanggang bukas.

Ryan Cortiz:

Yung tungkol sa atin.

Celestine Cruz:

Walang tayo Ryan. Wag ka ng magmessage sa akin.

Yun na yun. Nagreply pa siya pero hindi ko na iyon pinansin pa. Hanggang sa nakatulog na lang ako.

"Celestine! Gising naaaaaaa!" Nagising ako sa matinis na boses ni Mary.

Napabalikwas pa ako sa gulat. Nakita ko naman silang tumatawa sa naging reaksiyon ko. Baliw talaga ang dalawang to.

Behind the Angel's MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon