Celestine's POV
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ryan kahapon ay agad naman akong bumalik sa dorm.
Kanina pa ako pabalik balik ng lakad kasi iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Mary at Lea ang tungkol sa amin ni Ryan. Handa rin si Ryan na kausapin silang dalawa para patunayan na karapat-dapat siya para sa akin.
Handa na siya pero hindi ako. Hindi ako handa sa maaaring maging reaksyon ng dalawa kong kaibigan. I don't want them to build a wall between us. We are able to break through that wall and I don't want it again.
"Cele, ayos ka lang ba?" Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Mary. Nandito kami sa dorm. Wala kaming pasok ngayon sa kadahilanang hindi namin alam.
"Ayos lang ako. Medyo marami lang akong iniisip kaya hindi ako makatulog ng maayos," Sabi ko. I am trying my best to open up to them but I am not ready yet.
"You know that you can always tell us whatever those things that are bothering you, right?" Sabi niya. Tumango lang ako sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya kasi medyo naramdaman ko na rin ang pagod sa sobrang paglalakad ng pabalik-balik.
"Actually...I want to tell you something," Sabi ko. Tinatantya ko ang magiging reaksyon niya.
"What is it?" Tanong naman niya na mukhang interesado siya sa kung ano man ang gusto kong sabihin.
"Gusto ko sana tayong tatlo ang nandito," Sabi ko pa sa kaniya.
Wala kasi si Lea dito kaya hindi ko muna sasabihin hangga't wala si Lea dito.
"Alam mo Cele, mayroon akong ideya kung ano ang maaari mong sabihin pero hindi ako sigurado kaya hihintayin ko na ikaw mismo ang magsabi sa amin," Agad naman akong napatingin sa kaniya.
"Si Lea? Alam kong mayroon din siyang alam," Dagda niya pa sa sinabi.
Napalunok naman ako. Masyado ba kaming halata at nalaman nila?
"S-sigurado ka ba na ang nalalaman mo ay ang siyang sasabihin ko?" Tanong ko.
"Hindi nga ako sigurado diba? Maaari," Sabi niya.
Binalot naman ng katahimikan ang buong dorm nang hindi na ako magsalita. Nanatili rin na tahimik si Mary na parang nakikiramdam siya sa paligid.
Nagulat naman kami nang bumukas ang pinto at pumasok si Lea.
"Oh!? Anong nangyari at napakatahimik niyo?" Tanong niya makalipas ang ilang segundong wala manlang bumati sa kaniya.
"May sasabihin daw si Cele sa atin," Sabi ni Mary at itinuro kay Lea ang sofa na sinasabing umupo ito doon. Agad naman itong.naintindihan ni Lea kasi agad itong naupo.
"Anong sasabihin mo Cele?" Tanong ni Lea.
"A-ano...k-kasi...tungkol sa...sa amin ni...ni Ryan," Nauutal kong sabi at tinitigan ang reaksyon nila.
"Anong tungkol sa inyo? Sa totoo lang ay matagal na naming gustong itanong sa inyo kung anong maroon kayo ni Ryan. Anong mayroon sa inyong dalawa?" Tanong ni Lea. Tinitigan ko naman si Mary at tumango lang siya na parang sinasabi na magsalita na ako.
"Sa totoo lang ay wala naman kaming siguradong relasyon. Hindi kami magkaibigan, siguro. Hindi ko rin siya boyfriend. Sabihin na lang natin na pareho naming gusto ang isa't isa," Sabi ko.
"Wala kayong relasyon? Eh bakit hindi ka niya nililigawan kung gusto ka niya?" Tanong ni Mary.
"Biglaan kasi. Nagkaaminan lang kami na gusto namin ang isa't isa tapos nagsimula na kaming magdate kaya ganun. Tapos iniwasan ko siya nung may nangyari kay Mary. Ilang araw niya na rin akong sinusundan eh. Actually nagkausap kami kahapon at sinabi niya na willing daw siya na kausapin kayo. Hindi ko na kasi siya kayang tiisin. May nararamdaman din kasi ako sa kaniya at hindi ko kayang nakikita siyang nahihirapan," Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Behind the Angel's Mask
Misterio / SuspensoA story of three innocent looking girls who commit murder...