Mary's POV
Ilang araw na ang lumipas simula nang malaman ang nangyari kay Nathan at balik naman sa dati ang mga kaganapan sa school. Hindi na nga natuloy ang fun day at madalas ay nasa classroom lang ang mga estudyante.
Nagkaroon na rin ng curfew sa buong eskwelahan. Pagtungtong ng 10 P.M. ay hindi na pwedeng lumabas ng dorm ang mga estudyante.
"Guys, alam niyo ba na medyo natatakot na ako dito sa school. Tingin niyo, ayos lang na nandito pa rim tayo?" Tanong ni Celestine sa amin. Nandito kami ngayon sa dorm at naghahanda na ng dinner.
"Ayos lang Cele. Huwag ka ngang masyadong mag-alala," Sabi naman ni Lea.
"Tsaka medyo weird lang. Everytime kasi na may nababalitang ganyan ay pakiramdam ko natulog ako. Parang may mga araw na lumilipas ng hindi ko napapansin. Hindi ko talaga maipaliwanag. Kagaya noong fun day. Hindi manlang ako nakapunta. Nakatulog ba ako at hindi niyo ako ginising?" Tanong niya.
Napapansin niya na pala ang mga araw na si Angela ang kasama namin. Hindi niya nga lang alam.
"Hindi namin alam eh. Hindi naman kami magkasama ni Mary nung fun day kasi kasama niya yung mga classmates niya," Sabi ni Lea.
Napatango naman si Cele.
"Tumawag nga pala si Mama. Nabalitaan niya raw ang mga nangyayari rito at worried siya sa atin. Gusto ka raw niya kausapin Mary. Tawagan mo raw siya," Sabi niya. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
Agad naman akong tumango at nagpunta sa kwarto para tawagan si Tita.
"Tita," Bungad ko.
("Mayumi, may kinalaman ba kayo sa mga nangyayari sa eskwelahan niyo? Akala ko ba magbabagong buhay na kayo? Eh ano na naman ito?")
"Tita naman! Wala kaming kinalaman. Nagulat na nga lang kami na may ganitong nangyayari," Sabi ko. I can't tell her.
("Nag-aalala lang ako sa inyo. Kay Celestine. Kay Angela at sa kaibigan niyo. Please lagi kayong mag-ingat,")
Pagkatapos ng tawag ay agad na akong lumabas at naghapunan na kami. Maaga kaming natulog kasi maaga ang pasok namin bukas.
Maaga kaming pumasok kinabukasan. Kahit naging normal na ang daloy ng klase ay alam ko na nangangamba pa rin ang mga tao rito sa school. Napansin ko rin na mas humigpit ang pagbabantay sa tatlong kaibigan nina Josh na sina Ryan, Jake at Leester.
Ang detective club ay mas naging alerto. At sa kadahilanang parte ako ng club na iyon ay alam ko ang mga kaganapan pati na rin ang mga nalalaman nila. Napagtanto na rin nila na ang grupo nga nila Ryan ang target.
Sinabi ni Leendy ang kaniyang nalalaman sa mga taong nasa kapangyarihan dito sa eskwelahan kung kaya't mas humigpit ang pagbabantay sa tatlo.
Mukhang mahihirapan kaming patayin ang tatlong natitira dahil sa napakaraming bantay ang nakapaligid sa kanila nitong mga nakaraang araw.
Lumipas pa ang ilang araw at medyo hindi na marami ang mga nakapaligid sa kanila. Ang mga nagbabantay sa kanila ay hindi mga mukhang bodyguards dahil mga mukha lang silang mga estudyante na nasa paligid at nagmamasid. Kung paano ko nalaman ay dahil na rin sa kasama ako sa detective club.
Hindi na masyadong mahigit ang pagbabantay na pwede na kaming gumawa ulit ng plano para sa susunod na target pero di nila kami maloloko. Alam ko na ang pakanang ito. Gusto nilang isipin ng mga salarin na malaya na ulit sila para maipagpatuloy ang kanilang gustong gawin. This is just a test. At paano ko nalaman? It is because of detective club.
BINABASA MO ANG
Behind the Angel's Mask
Mistero / ThrillerA story of three innocent looking girls who commit murder...