Chapter Four

13 4 0
                                    


 Mary's POV

Agad naming dinala si George sa vacant classroom. Kailangan pa naming busalan ang bibig nito para hindi ito magsisigaw mamaya..

Pagdating namin doon ay nakaabang na ang naiinip na si Angela.

"Ang tagal! Grabe ha!" Nagrereklamong bungad niya sa amin.

"Grabe rin ha! Ang hirap kaya ng pinapagawa mo! Nahirapan din kaming dalhin ang lalaking ito dito. Ang daming guards! Ang bigat pa ng dala namin." Sabi naman ni Lea.

"Oo nga! Bakit kaya ang daming bantay ngayon? Iniisip kaya nilang may susunod pa na mangyayaring patayan?" Pabulong na sabi ko. Baka kasi umakyat dito yung mga guards.

"Hindi naman siguro. Wag naman sana!" Saad ni Lea.

"Mahihirapan tayo kapag nangyari yan. Apat pa diba? Pero wag kayong mag-alala, tong George, tapos na ang maliligayang araw nito." Sabi naman ni Angela.

"Lea, itali mo nga siya sa upuan. Yung mahigpit ha. Angela, look out ka muna. Baka kasi may paparating na guard. Kapag nagpumiglas pa to, papatayin agad." Sabi ko.

Kailangan ko munang makakita ng dugo para gustuhin kong pumatay.

Nang maitali na ni Lea, agad niya itong inundayan ng saksak sa hita. Infairness, hindi manlang nagising. Agad namang bumulwak ang maraming dugo mula sa hita nito.

Yun na nga ang hinihintay ko. Something that can trigger bloodlust.

Upon seeing it, I want more. More blood.

Napangisi ako. Lea looked at me and smirked as well.

Nilapitan ko ang tulog pa ring si George at ubod lakas ko itong sinampal. Para naman itong binuhusan ng napakalamig na tubig sa naging reaksiyon nito.

Agad itong nag-angat ng ulo. Napatingin siya sa akin. Nanlalaki ang mga mata nito.

Alam kong hindi niya ako nakikilala dahil tanging parte lang ng bibig ko lamang ang kanyang nakikita.

Nagsimula na siyang magpumiglas. Nagsisigaw ito ngunit impit lamang dahil sa panyong itinabon namin sa kanyang bunganga.

"Mmmmmmm! Mmmm!" Yan lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.

Napahalakhak ako. Ito ang gusto ko. Naririnig ko ang kanyang mga daing. Para siyang nagmamakaawa sa akin na huwag siyang patayin. Pero pasensyahan na lang tayo. Buo na ang desisyon naming wakasan ang buhay niya.

Dahil nga sa nais kung marinig ang boses niya na nagmamakaawa, tinanggal ko ang busal niya sa bibig.

Nakahanda naman ang kutsilyo ni Lea na siyang gagamitin namin kung sakaling magpumiglas ito.

"P-pakawalan....n-niyo..a-ako...!" Nanghihina niyang sambit.

"heeehhh!? Pakawalan? Wala yan sa vocabulary ko eh. Ang gusto, ko....... " tiningnan ko siya sa mata at dahan dahang lumapit binulungan ko ang tenga niya habang nakangisi ng nakakaloka. "hihihihi dugo.Ang sariwa mong dugo" sabay hinga sa tenga niya na alam kong nagpatayo ng mga balahibo nito. Napansin kong napangisi naman ang dalawa.

They know that bloodlust makes me insane. I don't care about anything. All I want is to kill. Kill all the people who hurt us.

"M-maawa...kayo!" Natatarantang wika nito. Halata ang paghihirap sa boses nito marahil ay dahil sa sugat nito sa hita.

Kinuha ko ang kutsilyo sa kamay ni Lea at agad na sinaksak si George sa kabila naman nitong hita.

Napasigaw ito kaya dali-dali naming tinakpan ang bibig nito. Sinaksak ko siya ulit sa hita. Agad namang tumalsik ang dugo nito sa aking maskara pero wala akong pakialam.

Behind the Angel's MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon