𝓛𝓮𝓸𝓷𝓪
"Rios, Leona?" Tumango ako at umupo sa upuan. I was told na kailaingan ko daw muna pumunta sa guidance office to get my I.D. Hinihintay naman ako sa labas nila Alicia and Serenity.
"Here's your I.D. card. Make sure not to lose it, Miss Rios." Binigay niya sakin yung card and lace ko at dinismiss na ko. Bago ko pa maabot yung door knob nagsalita ulit si Miss Vasquez, "Welcome back to our school, Leona." I smiled at her at lumabas na para samahan sila Serenity at Alicia.
"Chineck pala namin yung classes natin," sabi ni Alicia. "Class B tayo lahat!" Napangiti naman ako sa balita.
Habang papunta kami sa klase napansin kong nag bubulungan ang mga estudyante na nadadaanan namin,
"Diba si Leona yan? Akala ko nasa France siya?"
"Pre, bagong dating oh. Chix, pre."
"Ex na daw yan ni Alex eh."
"Bakit siya bumalik?"
Hindi ko pinansin yung mga pinagsasabi nila tungkol saakin. Mukhang hindi din nakinig sila Alicia.
May lumapit saaking lalak na singkit at malaki ang figure na namukhaan ko. "Hi, Leona!" Masigla niyang bati. "Hello." Hindi ko siya maaalala but he seems familiar.
"I was wondering kung pwede ko ba mahingi number mo?" Sabi niya with his phone in his hand. "Uh, sige." I said instead. I gave him my number at sakto naman may isa pang lalaking dumating.
"Sebastian, pinapatawag ka ng captain. Sa auditorium daw." Sabi ng lalaki na dumating. Ah, I remember. He's Sebastian Lee, shooter ng basketball team. I wonder bakit siya pinapatawag sa auditorium ng captain nila? Hindi ba dapat sa gym?
"Yiee mukhang crush ka ni Basti, ah." Sabi ni Serenity habang tinutusok tusok yung gilid ko. "Malay mo gusto lang makipag kaibigan?" Sabi ko at tinusok ko naman siya pabalik.
"Maraming nagbago sa mga establishments ng school in just two years pero the feel is still the same. Nandito pa kaya yung favorite teacher ko na si Miss Elaine? Sana. Nandito pa kaya yung bench na lagi namin tinatambayan nila Alicia? Or yung puno na inukitan namin ni Alex ng;
A ♥︎ L
Flashback
"Alex!" sinigawan ko siya. Hindi ba niya alam na bawal ang vandalism sa school?
"Ano, love?" Inosente niyang tanong habang inuukitan ng A ♥︎ Lyung silya niya. He does this everytime on everything. One time he even wrote "Alexander's property" on my wrist. Okay, aaminin ko ang sweet.
"Love, nood ako ng practice niyo later, okie?" Inusog ko yung upuan ko palapit sakanya at kinuha yung kamay niya. Sinulatan ko yun ng "Leona's" and traced it with a heart.
"Okie!" Tinaasan niya yung boses ko at ginaya yung habit kong itapat yung bilog sa okay sign sa mata niya. "Heh, stop mocking me!" Sabi ko sabay palo sa braso niya.
"Leonaaaaa," Tawag niya nang talikuran ko siya at di pinansin. "Leonaaaaaa, wag ka na tampo, pleaaaaaase?" Pinigilan ko tumawa. Minsan hindi mo aakalain na MVP siya ng basketball team sa kaharutan niya eh.
"Ay, sige ganyan ha?" Oh no, bago pa ako makaiwas kiniliti niya na ako at ako naman ay nahulog sa upuan ko pero di padin siya tumigil. Naramdaman ko yung mga titig at "Ayiee" ng mga kaklase ko.
"Aleeeeex!" sigaw ko habang tumatawa sa sahig.
"Yaaaay! Kinausap na ako ni love kooo!"
End of Flashback
I'll have to check later kung nandun pa sa puno ang isa sa karami raming sinulat ni Alex na A ♥︎ L.
Nakarating na kami sa klase namin at napagdesisyonan na umupo sa harap, para narin makapag focus na kami pag nag start na yung lessons.
Nagtake na ng attendance si Miss Alegre, yung adviser namin. "Miss Rios?" sabi niya. nagtaas naman ako ng kamay."Leona! Bumalik ka na pala? I've always wanted to teach a clever student like you." Ngumiti ako sa kanya at nag patuloy siya sa attendance.
Habang nag susulat ako ng notes about sa rules and regulations and mga reminders, ako kasi yung nabotong secretary at si Serenity naman bilang vice president, hindi ko inalis yung mata ko sa papel kasi sinusulat ko pa yung last na sinabi ni Miss Alegre.
"Mr. Fuentes!"
"Always wear your Fuentes..." Wait, what? Tumingala ako at nakasalubong ng mata ko yung mga mapupungay na mata ni Alex. Kaklase ko si Alex?
"Why are you late?" Tanong ni Miss Alegre.
"Sorry, ma'am." Umupo siya sa pinaka likod. Kaagad niyang binaba ang bag niya at yumuko.
Akala ko ako lang, pero you changed too, Alex.
BINABASA MO ANG
Unforgettable
Teen FictionLeona Rios broke up with her perfect boyfriend, Alexander Fuentes, right before she had to leave for Paris. Ang akala ni Leona naka move on na siya, pero tama nga ba? Two years later, when Leona comes back, she realizes that she's always been wrong...