Chapter 10: Visit

12 2 0
                                        

𝓛𝓮𝓸𝓷𝓪

Hindi ko alam paano ako nakauwi but I did. Kakagising ko lang at bumaba na para mag almusal. Thank god, it's Saturday. As soon as I got down kaagad ako nilapitan ni mama. 

"Hoy! Napano ka kahapon?" Tanong kaagad niya sakin. "Ha? Napano po ba?" 

"Ikaw talaga bata ka! May naguwi sayong lalaki. Karga karga ka at iyak ka nang iyak habang tulog. Pasalamat siya kasama niya yung mga kaibigan mo baka akalain ko ano na ginawa nun sayo." Binaling niya yung atensyon niya sa niluluto niyang scrambled egg. Si yaya naman nag huhugas ng pinggan.

"Ah... Si Ellijah yun. He's someone I met two years ago, turned friend. Schoolmate ko siya, ma." I briefly explained. "And no, he's not my boyfriend." I added after seeing her face. Napatingin din si yaya at nagsalita, "Naku, Leona! Jowain mo na yun! Mukhang ang bait tapos ang pogi pogi pa!" Mas matanda pa si yaya kay mama pero para siyang kaedad ko kung kiligin. HAHA!

"Yaya naman eh. Hindi naman ako gusto nun more than friends." Sabi ko. Naramdaman kong uminit yung mukha ko. Ano to? 

"May point yaya mo, Leona. Tinulungan pa ako ni Ellijah mag pasok ng groceries ko." Sabi naman ni mama. Hala ano to? Bet na nga niya si Elli eh nung si Alex ang tagal tagal niya sinuyo si mama. Alex..

"Oh, napano ka? Bat bigla ka lumungkot?" Tanong ni mama. Bakit nga ba ako malungkot? ALex yelled at me for something that was uncalled for. I will not mope.

"Ah, wala po!' Nag smile naman ako.

Maya maya may nangatok. Nagulat ako. Sila Alicia kaya to?

Pagbukas ko ng pinto iba yung sumalubong saakin. Si Elli.

"Haii Leona!" Masayang bungad saakin ni Elli na para bang walang nangyari kahapon.

"Elli? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Nagiba naman expresyon niya.

"Bawal ba ako pumunta? Sabi ni tita come anytime daw." Nag pout naman siya. Mama naman eh!

"Elliii!" Tumakbo si mama sa tabi ko at nakipag beso kay Elli na ngayon ko lang napansin ay may bitbit na paper bag.

"Where are your manners, Leona? Bakit di mo siya pinapasok?" Hindi na hinintay ni mama yung sagot ko at kaagad na pinapasok si Elli. "How do you know his nickname, ma?" Tanong ko sa mama kong inaalalayan si Elli sa sala na para bang wala siyang paa.

"Syempre, nagpakilala ako." Sagot ni Elli. "Tita, may dala po akong pagkain na pinagawa ko po sa chef namin." Sabi ni Elli kay mama habang binibgay niya yung paper bag sakanya. Nagpa thank you si mama at sinabing puputa lang siya sa kusina para maghanda ng tanghalian. Aba, natulog lang ako may bago nang best friend si Elli.

"Huy!" tawag ni Elli sakin. nabigla ako at umupo sa tabi niya. "Okay ka na?" Tanong niya habang nilagay yung kamay niya sa noo ko. "Ha? Oo. Tsaka ano yan? Wala naman akong sakit ah." Inalis ko yung kamay niya hindi dahil naiilang ako kundi medyo kinikilig ako at nagaalala akong makita niyang namumula na ako.

"Actually nilagnat ka kagabi. Kaya ka nga tulog nang tulog eh." Tinignan niya ako sa mga mata kong hindi nakatingin sakanya. Ano ba to?!

"Ah, ganun ba." mahina kong sabi.

"Is anything wrong? May masakit ba? Bat parang ang tamlay mo?" Sabay sabay niyang tanong habang lumuhod siya sa harap ko at in-examine yung mukha ko. 

"Wala, Elli. Thank you." Tinignan ko siya sa mata at nag smile. Nagsmile back siya. Para naman ako natamaan ng kung ano sa puso. 

"Don't worry, Leona! Super Elli is always here for his princess!" Sigaw niya habang tumayo at nag act na para bang superhero siya na lilipad na. Umunit mukha ko sa huli niyang sinabi. Ano baaa!

"P-princess?" Tanong ko. "Oo, kayo nila Alicia at Serenity. Mga prinsesa ko kayo." Sagot niya at pinisil yung pisngi ko. "Cute mo talaga, my princess." He smiled. I smiled back.

"Elli! Leona! Kain na!" Kaagad naman kami pumunta dun ni Elli. He told me a joke that made me laugh a lot. Ang lakas talaga kumain ni Elli pero namemaintain niya yung figure niya. Siguro may abs to. Oops.

Panay dinadagdagan ni Elli yung plato ko ng roast chicken na niluto ni yaya at kaldereta na niluto ng chef nila. 

"Elli! Tama naa!" Pinigilan ko siya. "Naku, Leona! Sige na, kailangan mo kumain." Sagot niya naman. Sila mama naman mukhang aliw na aliw sa nakikita nila.

Nang natapos na kami kumain nag paalam ako na mag bibihis muna dahil nagyaya si Elli na pumunta daw kami sa mall. Libre niya daw ako.


𝓔𝓵𝓵𝓲

Umalis muna si Leona para mag bihis sa "date" namin. Friendly date lang syempre! 

Kaagad naman lumapit saakin si tita nang masiguro niya na wala na si Leona. "Gusto mo ba siya?" Diretso niyang tanong na parang nabulunan yata ako. 

"P-po?" Tanong ko.

"Don't worry, I completely support the both of you." Sabi niya. 

"Yes, po. I like Leona. Two years na po." Amin ko. What good is it to lie to her mom?

"Alagaan mo si Leona, ha? I understand na medyo naking man hater na siya after Alex; I mean I'm still shocked na nag karoon siya ng best friend na lalaki. Be patient with her. What's not to like about you?" Sabi ni tita. She gave me the most sincere smile ever. At first glance parang ang sungit niya, kinabahan nga ako kahapon eh, pero she's the exact opposite.

"Gusto ko po siya ligawan. Don't get me wrong, I will still work hard to make you trust and get to know me more." I finally said. I might have seen a small tear fall out of her eyes. But she wiped it off and hugged me.

"Don't rush her, Ellijah. Ligawan mo siya in secret, make her fall fo you without telling her yet. I am sure na she'll turn you down before you can finish saying "I like you.""

Looks like a plan, my princess.


UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon