Chapter 11: Wish

8 2 0
                                        




𝓛𝓮𝓸𝓷𝓪

Bumaba na ako kaagad after ko maghanda sa pagimik ni Elli. Sa mall daw ata kami pupunta. Nagsuot lang ako ng denim shorts at off shoulder top. Sa mall lang naman eh.

"Ma! Alis na ho kami ni Elli." Tawag ko nang pababa na ako ng hagdanan. Napahinto naman ako nung nakita ko si mama na kausap si Elli sa lamesa. Ano kaya pinaguusapan ng mga to.

"Sige po, tita." Sagot ni Elli bago siya yakapin ni mama. "Thank you, Ellijah." sabi ni mama sakanya. Napano tong mga to?

"Uhmmm..." Pag papasimple kong pasok sa dining area. "Elli? Tara na?"

"Sige po, tita, yaya." Kumaway na sila at nagmano na kami.

SInuot ni Elli yung sunglasses niya. Aba, Gucci pa ata yun. Mayaman ba talaga si Elli? Never ko natanong kung ano yung family business nila eh. What would their business be that he had to go to Russia for two years? I didn't say a word.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Elli sa Jeep niya. Sosyalin pala to si Elli pag walang pasok ah. Ang simple lang kasi niya pag nasa school. Nag papa libre pa nga yan eh.

Nag drive na si Elli. I have to admit, he looks cool while driving and his sunglasses. Yung tipong mala kdrama guy. Isang kamay lang ginamit niya pang steer habang yung isa niyang kamay niya nasa gearshift. Ahh! Ano ba tong nangyayari saakin.

"Okay ka lang, Leona?" Tanong niya. Napatingin siya saakin at binalik ang tingin sa daan.

"Ah, wala." Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala siya tinititigan kaya bumaling nalang ako sa harap ko.

"It's fine. Titigan mo ako. Gwapo ako eh." I heard him laugh.

"Wag ka nga, Elli!" Tumawa din ako at pinalo ng mahina yung braso niya.

"Yan, dapat ganyan tayo. Nakaka suffocate yung silence natin kanina eh." Sabi niya tapos nginitian ako na parang baliw.

"Alam mo, Elli? Dapat hindi ko sinasayang yung oras ko sa mga taong wala namang pake saakin eh. I should spend my time with people like you." Sabi ko sabay singhap.

"You don't mean Alex, diba?" I thought about that. It was Alex. Why was I spending my last few weeks thinking about how Alex has been or why he's changed? Alex shouldn't be in my mind like this kasi hindi naman niya ako iniisip like I do to him.

"Probably." I smiled and at this moment I decided to let Alex go.

***

Mabilis kaming nakarating sa mall kasi malapit lang naman ito sa bahay namin. Kaso, hindi ko naman expect na dadalhin ako ni Elli sa mas "pangmayaman" na side ng mall.

"Huy, Elli! Hindi ko afford to!" Sabi ko habang hinihila siya palayo roon.

"Luh, sino nag sabing ikaw magbabayad?" Hala?!

"Huy! Ayoko nag papalibre, Elli. Sige na, dun nalang tayo sa kabilang mall para makagasto din ako." I said but he didn't budge. Naglakad siya papunta sa isang shop na halata na mamahalin ang mga tinda.

May pera naman ako. Mayaman naman yung pamilya namin, I mean my mom's the vice CEO of a really big law firm here in Manila. The thing is, I don't like spending our money on these luxury items. I'm just not posh like that.

Kinaladkad na ako ni Elli sa shop at kaagad naman siya inasikaso ng mga tindera. I can't decide whether it's because gwapo at ang killer lang talaga ng figure ni Elli or baka kilala na siya dito. Maybe both?

"C'mon, Leona." Sumunod nalang din ako since wala na akong magagawa. Ginreet ako ng mga tindera. Ang neat ng ayos nila samantalang ako naka shorts at blouse lang. Siguro yung mga namimili dito mga branded yung suot noh?

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon