Chapter 12: Lies and Penance

9 2 0
                                    

𝓛𝓮𝓸𝓷𝓪

"Leona, may kumakatok!" Narinig kong tawag saakin ni mama galing sa living room. Hay naku ilang steps lang naman yung sofa sa pinto bakit di nalang siya yung mag bukas. Pero syempre 'di ako nagreklamo. Tumayo ako mula sa desk ko. Gumagawa kasi akong homework eh. As soon as I closed the door to my room- 

"AHH! ANAK NG TOKWA!" Napasigaw ako kasi naipit yung kamay ko sa pinto. How is that even possible? Hay naku.

Bumaba nalang ako habang hinihimas yung ngayong namumula kong kamay. Sana lang makapagsulat pa ako nito.

"Oh, napano ka?" Tanong ni mama ng makaabot ako sa baba ng hagdan. Kaya naman pala hindi niya sinagot yung pinto kasi nag babasa nanaman siya ng mga cases niya. I will never be a lawyer.

"Naipit." Maiksing sagot ko at dumiretso na sa pinto. Binuksan ko ito at si Elli ang nakita ko, tawa nang tawa. Aba magkasama lang kami kahapon ah.

"Sino, Leona?" Rinig kong tanong ni mama.

"Yung beshie mo!" Sigaw ko pabalik. I looked back at Elli and he was smiling like crazy. He was just wearing a simple band tee and black pants paired with Vans. He looked average, again.

"Hi." He raised his hand as if waving to me.

"Hi," I responded. "Pasok ka." Pinapasok ko siya at saka ko narealize kung anong suot ko.

"Oh shit!" Nataranta ako at hindi ko alam yung gagawin ko. I tripped on myself and just when I thought babagasak na ako sa matigas na sahig sinalo ako ni Elli.

"Gusto mo pala si Dora, ha." He teased while I was still in his arms, pressed against his chest. Para akong na paralyze for a second. Parang may kung anong gustong kumawala sa dibdib ko and I didn't want to leave his grip. But he let go.

"Huy!" he waved his hand back and forth sa mukha ko. 

"Ha?" I was back on earth.

"Sabi ko gusto mo si Dora pala." Tumawa siya at ginulo yung buhok ko.

"Ulol! 'Di porket pajamas ko si Dora eh idol ko na siya." Tumawa ako.

"'Wag ka magaalala, may spiderman ako na onesie na lagi ko sinusuot." Inakbayan niya ako at nag wink siya saakin. 

"Oh, Elli. Naparito ka?" Tumayo si mama among her piles of papers. Naku si Elli lang nakapagpatayo niyan ah. 

"Ah, naisipan ko lang po bumisita if okay lang. Parating na din daw po sila Serenity at Alicia." Nagmano si Elli habang sinasabi niya yun. 

"Dadating sila?" Tanong ko. Tumango siya. Nung Friday ko lang sila nakita pero parang ang tagal na e Sunday palang naman. Oras nga naman, mapaglaro.

"Kain ka muna, Ellijah. Sakto, nakapagluto na ako ng breakfast." Sumulpot si yaya galing sa kusina. Hintayin daw muna namin sila Alicia and Serenity, ani Elli.

***

"That's what I said! Bakit hindi nalang kasi niya pagupitin yung buhok niya?" Umalingawngaw yung boses ng mga kaibigan kong nagtatawanan sa hapag kainan namin. Mamaya na daw kakain sila mama at yaya dahil puno na yung lamesa at para naman ma solo daw nila ako, este si Elli.

"Uy guys punta tayong KFC mamaya, G?" Nagyaya si Elli.

"Ha? E, kumakain na nga tayo ngayon oh!" Tumatawang sabi ni Alicia.

"Good point. Hm, punta kayo sa bahay ko, how about that?" Suhestyon ni Elli.

"Naku, Elli baka makaabala pa kami." Sabi ni Serenity.

"Hindi ah. Nag out of town sila mom tsaka dad at yung kapatid ko lang nasa bahay."

"May kapatid ka?!" Sabay sabay naming tanong. Wow, bakit 'di ko naisipang tanungin sakanya yun? 

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon