Chapter 7: The Tricycle

12 2 0
                                    

𝓐𝓵𝓮𝔁

Niyakap ako ni Avah. Bakit ba parang linta to, porket pumayag akong tulungan niya ako sa math homework ko last school year kung maka asta parang girlfriend ko. Baka ano pa isipin niー

"Aleeeex, sabay tayo mag lunch?" Tanong ni Avah habang nakayakap padin sakin. Kadiring babae, masyado maarte. Bago ko pa maalis si Avah sa kapit ko nakita ko sa gilid ng mata ko si Leona na naglalakad palayo. 

"Ano ba, Avah." Tinulak ko siya palayo sakin at naglakad ako. Palayo sa mga titig ng mga kaklase ko. Masyado mga chismoso at chismosa tong mga to. 

Naglakad ako pero hindi ko alam kung saan ako patungo. Naglakad ako patungo sa nilabasan nila Leona. Bakit ko ba sinusundan sila Leona? Ewan ko ba sa mga paa ko.

"Mahal ko pa ba siya? Bakit masakit?" Narinig ko. Her voice hasn't changed. The same loving voice I loved before. Yes, loved. I fell out of it, right?

Maya maya lumabas si Serenity. Nagulat ako at patuloy na naglakad. Tatawagin sana niya ako pero natatakot ata siyang marinig ni Leona.

𝓛𝓮𝓸𝓷𝓪

"Leona," tawag saakin ni Alicia. Halata nanamang parang natatakot sila sakin. "Sure ka, okay ka na?" Tanong niya habang hawak ako sa braso.

"Never been better!" I tried smiling. Mukhang hindi naman nila ito pinaniwalaan. 

"You sure?" Tanong ulit ni Alicia. Si Serenity kanina pa nakatingin sa sulok. Ano kaya iniisip nito.

"Yes, Alicia. Tsaka, so what if he has a girlfriend? It's only right na ako din mag move on, diba?"  I skipped happily. Or atleast I tried. "Besides, dapat si Serenity tinatanong mo niyan eh! Tignan mo kanina pa nakatitig sa sulok!" Nagising sa alala si Serenity nang narinig niya pangalan niya.

"Huh? Ano nangyari?" Tanong niya na para bang napadpad siya sa ibang planeta. "Ah, Leona. Okay ka na?" Tanong nalang niya sakin.

"Okay KA ba?" Tanong ko. Si Alicia naman nakatingin lang saamin.

"Ah, wala. May naisip lang." Sabi niya habang nakangiti.

"Sus, ang lalim naman ng iniisp mo, Ren." Nagsalita na rin si Alicia. 

"Okay so, hypothetical question." Suminghap siya. "What if mahal ka pa ni Alex?" Tanong niya na para sakin. Napatigil ako. Paano nga ba kung mahal pa niya ako?

Kakailangin ko pa kaya hanapin dati kong sarili? Sasaya kaya ako ulit? Siguro if it was real, we'd be back to our old selves. Like nothing happened.

I smiled then shrugged the thought out of my head. "Sila na ni Avah, diba? Also, it's obvious; kilala ko si Alex and he'll pursue what he wants." Or maybe I knew him.

Naglakad na kami palayo. Naninibago ako kay Serenity.Parang ang tamlay niya na ewan.

***

Uwian na! Finally! I decided na mag trike nalang pauwi since may pupuntahan sila Alicia at mommy niya and si Serenity naman ay may vicce president duties. 

"Manong sa subdivision lang po sa kanto." Sabi ko sakanya. Inayos ko yung buhok ko sa salamin sa harap. Hindi pa kami umalis.

"Manong di pa po ba tayo aalis?" Silip ko sakanya. "Ay ija, bago ka ba dito? Nagbago na kami. Magaantay din kami ng pasahero para mapuno." Sumingap ako. 

"Sige po. Mag jjeep nalang po ako. Sorry po." Baba na sana ako nang may pumasok sa tabi ko. "Manong, sa subdivision lang po sa tapat." Sabi niya.

Tina-try ko pa ayusin upo ko pero nag rereklamo na ako. "Sir, sorry pero lalabas na dapat ako at mag jjeep nalang. At tsaka, bakit po hindi nalang po kayo sa back seat sumakay?" I was annoyed when I realized this guy was looking at me.

"At tsaka, sir. Kung pwede lang wag mo ako-" Naputol yung sasabihin ko nang napatingin din ako sa gulat niyang expresyon. "-titigan."

"S-sorry," Lumabas siya at lumabas din ako. "Uhm, Leona? Would you like to get a drink muna?" He asked me. I was about to answer yes, for closure, but his phone rang. Napatingin ako sa screen.

Avah ♥ 

Tinago naman niya yung screen niya. 

"I-I need to go. Sorry." I ran off. Hindi ko alam saan. Maglalakad nalang siguro ko pauwi. I just need my thoughts to run freely.

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon