AYA POV
"Astralyn nandito na siya"
Agad ako tumayo at inabangan sa sala ang hinanap ko na tutulong sakin sa mga plano ko. Nakita ko naman ito .
"Sit"
Umupo naman ito kaya magkaharap na kami. Maya-maya pa ay dumating na ang Lion Scar at umupo sa vacant na sofa.
"What is your name?"
"Louis"
"Ilang taon kana nagtatrabaho kay Aerixes?"
Kinuha ko siya dahil nalaman kung kasabwat siya ni Aerixes sa nangyari noon sakin. Kaya ang ginawa ko pinahanap ko siya pati narin ang pamilya niya. Sinabihan ko siyang sumanib samin dahil kung hindi pamilya niya ang masasaktan. Nalaman kung may cancer ang nanay niya at may sakit naman ang kapatid niya.
"Matagal na"
Tumango ako at kinuha kay Vinz ang envelope at binigay ito sa kaniya. kinuha naman niya ito at binuksan
"Gaya ng napagusapan 50k sa oras na magawa mo ang plano"
Tumango tango ito at inabot ang kamay. Tinanggap ko naman ito at sabay kaming tumayo.
"Sisimulan ko na po"
"Good"
Pagkaalis niya ay hindi mawala ang ngisi ko sa aking labi. Sisiguraduhin kung masisira lahat ng pinaghirapan niyo.
"Lion Scar alam niyo na ang gagawin niyo" Tumango lang sila.
Wait for my Second Revenge
_______________
Aerixes POV
"WAAAAAAHHHH!!"
"Aerixes tama na"
"HINDI...BABAWIIN KO SIYA....YEHEZKIEL IS MINE...MINE ALONE"
Tumingin ako sa paligid lahat ay sira-sira at basag-basag pero wala akung pake gusto ko mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Bakit ba kailangan mangyari ito?. Bakit ba ako lang yung nagmamahal? Bakit ako na lang yung naiiwan? Lahat na lang inagaw sakin ni Fianna. Ano ba meron siya na wala ako? Maganda naman ako. Mayaman pero bakit yung tao mahal ko pa ay hindi maramdaman yun BAKIT"
"Aerixes calm dow------"
"PAANO? PAANO AKO KAKALMA KUNG NAKIPAGBREAK UP SAKIN SI YEHEZKIEL"
"Aerixes...ok lang na wala na kayo-------------"
"ANONG OK DUN SYRAH? DUMATING LANG YUNG MALANDI NA YUN WALA NA...SIRA NA"
Bakit pa kasi siya bumalik? Kasama niya pa yung tatlong nilandi niya. Hindi pwede ito sisirain ko siya sa tatlo na yun . Ipaparamdam ko sa kaniya kung sino talaga ang kalaban niya.
Kinuha ko ang bag ko sa sofa at tinalikuran sila. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon pa. Huminto ako sa garden at duon yumuko.
"Yvette Kung sino kaman magdasal kana dahil ilalabas ko lahat ng baho mo at sisiguraduhin kung kaibigan mo mismo ang lalayo sayo maghintay ka "
Pumikit at dinamdam ang hangin na tumatama sa balat ko.
"Aerixes"
Dahan - dahan ako dumilat at lumingon sa kanan ko at nakita ko si Louis na isa sa mga tauhan ko. Humarap ako sa kaniya . Lumapit naman ito sakin.
"Ano ginagawa mo dito?"
Hindi siya sumagot bagkus ay hinalikan ako. Nagulat ako sa ginawa niya at pilit pinaprocess ang ginawa niya napa hawak ako sa dib-dib niya at pumikit.

BINABASA MO ANG
My Revenge Sweetest💞
Любовные романыPano kung ang isang nerd na walang kaibigan ay makakaroon ng kaibigan at binigay nya na ang lahat pero isang araw ang mga kaibigan pa nya mismo ang magtatakwil sa kanya. Subaybayan natin ang buhay ng isang Nerd na pangit,buhaghag ang buhok,yung tipo...