Rafle POV
Nakahanda na ang mga kakailanganin namin para sa paghahanap kay Yvetee/Fianna. Kaming SD5 at Lion Scar ang maghahanap sa kaniya. Ayoko sana sumama dahil paniguradung hindi gugustuhin ni Fianna na kami ang magligtas sa kaniya. Alam ko naman na mahirap para sa kaniya na patawarin kami. Hindi ko naman siya masisi dahil sa una palang kasalanan na namin ang lahat.
Namiss ko na siya. Na miss ko na si Fianna...Si Fianna na masiyahin at palangiti. Si Fianna na laging sumasabay sa kakulitan nila Cade. Pumapangalawa sa matakaw na si Terrain. Lahat naman namiss ko sa kaniya at alam ko yun din ang nararamdaman ng iba. At si Aerixes naman hanggang ngayon rinig ko parin ang hikbi niya. Kung tatanongin ako kung nararapat ba para kay Aerixes ang lahat ng nangyayari sa kaniya. Ang sagot ko malaking OO. Kulang pa yan sa lahat ng ginawa niya kay Fianna. Kung nandito nga lang si Zoe paniguradong hindi niya palalampasin ang ginawa ni yuri kay Fianna.
"Tulala ka naman"
Agad akung napakurap ng makita kung nasa harapan ko na pala si Cade. Isa pa ito eh!! maraming tinatago. Ang akala ko pa naman kaya niya gustong mahalin ni Kiel si Aerixes ay dahil naaawa siya kay Kiel dahil sa pangungulila niya dati kay Fianna. Yun pal isa din pala siya sa nagkakagusto dito.
"Nothing"
Yun lang ang sinagot ko at lumingon sa Lion Scar na seryoso lang na tinitignan ang mapa na binigay samin ng prof. Para hindi kami mawala sa napakalaking gubat na ito.
"Cade"tawag ko dito. Lumingon naman siya sakin at binigyan ng 'Bakit look'. huminga ako ng malalim at tinignan siya ng seryoso.
"Kung papipiliin kita si Kiel o si ..Fianna?"
Hindi sa nagmamadali ako. Gusto ko lang maging handa kung sakaling mangyari ang kinatatakotan ko. Ang mabuwag ang grupo ng dahil lang sa isang babae. Wala akung sisisihin sa kanila si Fianna o maging sila dahil nagmahal lang naman sila. Ilang minuto hindi siya sumagot at seryoso lang na nakatingin sakin. Magsasalita pa sana ako ng bigla itong nagsalita.
"Magagalit kaba kung si Fianna ang pipiliin ko?"
Sa ngayon ako naman ang hindi magsalita. Sigurado naman talaga ako sa isasagot niya pero hindi ko inexpect na ganito pala kasakit. Mukhang kaylangan ko na ihanda ang sarili ko sa mangyayari. Bilang leader ng grupo mukhang alam ko na ang kakahantungan ng lahat.
Fianna ano ba talaga ang ginawa mo at nagkakaganito sila?
--------------------------
Xie POV
"Bakit kailangan pa kasama natin sila"
"Pwede ba Bryle tumahimik ka nga. Lumalabas na naman ang pagiging maingay mo"sermon ni Vinz.
"Pabayaan na lang natin sila ang importante mahanap natin si Yoong"sabi ni V
Sumang-ayon na lang kami. Tsk magdasal na lang yang Aerixes na yan dahil sa oras na magdilim, ang paningin ko kakalimutan kung babae pa siya. Pasalamat siya at mas importante si Astralyn dahil sa kaniya.Tumayo na kaming lahat at lumapit sa prof.
"SD5 at Lion Scar magiingat kayo ok. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa loob. Sa oras na hindi niyo mahanap si Ms. Aranjuez bumalik kayo dito dahil kami naman ang maghahanap sa kaniya. At kung magkahiwalay man kayo sa loob lagi niyo tatandaan ang pinaka malaking puno na ito at siguradong mahahanap din namin kayo"sabay turo niyo sa puno. Tumango na lang kami at nagdasal bago lumakad pa pasok. Nilingon ko muna si Aerixes at binigyan ng masamang tingin kahit na hindi niya ito nakikita.
Ng makapasok na kami sa loob ay hiniling ko na bagong magdilim ay mahanap na namin si Astralyn
-
BINABASA MO ANG
My Revenge Sweetest💞
RomancePano kung ang isang nerd na walang kaibigan ay makakaroon ng kaibigan at binigay nya na ang lahat pero isang araw ang mga kaibigan pa nya mismo ang magtatakwil sa kanya. Subaybayan natin ang buhay ng isang Nerd na pangit,buhaghag ang buhok,yung tipo...