AYA POV
Nakatingin lang ako sa labas ng van. Tinitignan ko ang mga taong naglalakad. My mga teenager, matanda at bata. May mga taong loner at single.At may family din akung nakikita. Sa buhay pala may lungkot at saya. Hindi mo masasabing pang habang buhay dahil hindi mo ito hawak. Naisip ko kung kung bakit kailangan may lungkot sa bawat saya.
Bakit nga ba kailangan ng lungkot sa buhay ng tao?
"Ok ka lang?"
Napatingin ako kay Bryle na may pag-alala sa kaniyang mata. Ngumiti lang ako at tumango.
"Marunong ka palang umarte Astralyn napaniwala mo sila?"nabigla ako ng biglang tinanong yun ni Vinz. 2 weeks na ang nakalipas simula ng mangyari yun at sa dalawang linggo na yun ay nakikita kung iniiwasan nila si Aerixes except nga lang sa kaibigan nito. Iniiwasan ko din sila kailangan ko lang kasi ipakita na hanggang ngayon ay naapektuhan parin ako sa nangyari bago ko kunin ang tiwala nila. Sinisigarado ko lang na hindi masayang ang lahat.
Pero....
Nung nangyari ang lahat ng yun. Aminin kung nasaktan ako. Alam kung nakamove-on na ako pero hindi parin kasi sa isip na kahit papano naging masaya ako noon kahit na
kasinungalingan lang ang lahat
. Matagal kung pinanidigan ang salitang yan. Matagal kung tinatak sa isip ko na isang laro lang ang lahat. Hindi ko ata kakayanin kung isang araw ganon pala ang trato sakin ng Lion Scar. Hindi sa nagduda ako . Nag-iingat lang ako sa posibleng magyari kapag nangyari yun. At kapag nagyari yun hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko? Hindi ko alam kung magagawa ko pang magtiwala ulit?
"Astralyn bakit ka umiiyak?"
Napahawak ako sa pisngi ko at nakaramdam ako ng basa sa mukha ko. Ngumiti lang ako.
"W-wala . Na miss ko lang si Ate Zoe"i lied
"ok pagkatapos ng klase dadalaw tayo ok"Vinz
Tumango lang ako at binalik ang tingin sa van. Sana hindi manyari yun?
*************************
Pagkapark ng van ay agad na kaming bumaba. Bumungad naman samin ang tilian ng mga estudyante. Nakakasawa pala kapag araw-araw ganito. Kinuha ko ang headphone ko sa bag at sinout ito bago ako naunang pumasok. Habang naglalakad kinakalikot ko ang cp ko para humanap ng gusto kung tugtugin.
Pagkatapos ko mahanap ang gusto ko ay nilagay ko na ito sa bag ko.Ng nasa pinto ay binuksan ko iyon. Bumungad sakin ang SD5 na nakatayo sa harap. Napatigil ako sa paghakbang. Tinanggal ko ang headset ko at sinukbit sa leeg ko.
"Oh!! Astralyn? ba't hindi ka pa pumapasok?"
Hindi ko binalingan ang tingin si Xei at nakatingin lang sa SD5.
"Pwede ba tayo magusap?"tanong ni Terrain
"Nag-uusap na tayo"
Napatikom naman ito at binaling sa iba ang tingin. Tinignan ko silang lahat pero napatigil ako ng tingin kay Bankz na may hawak na isang padlock necklace . Gray yun at may pagkahugis na heart tapos may marka ng susi.
Familiar siya pero hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako kay Bankz. Nakita kung nakatingin din siya sakin. Nagulat ako na may pumatak na luha sa kaniyang mata. Napapikit ako at napaatras. Biglang may lumabas sa isip ko na imahe ng isang bata.
"Astralyn may problema ba?"
Sinubukan ko tanggalin sa isip ko ang imaheng yun at dahan-dahang idinilat ang mata ko . Magsasalita pa sana ako ng biglang dumilim ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Revenge Sweetest💞
RomantizmPano kung ang isang nerd na walang kaibigan ay makakaroon ng kaibigan at binigay nya na ang lahat pero isang araw ang mga kaibigan pa nya mismo ang magtatakwil sa kanya. Subaybayan natin ang buhay ng isang Nerd na pangit,buhaghag ang buhok,yung tipo...