Chapter 4: Assuming

28 1 0
                                    

- - - - - - - - - - - - o O o - - - - - - - - - - -

Nagkatinginan kami ni MJ. Bigla niya kasi kong inakbayan gamit yung kanang kamay niya at yung kaliwang kamay niya naman ang humawak sa kaliwang kamay ko na nakapatong sa bag ko. ah basta hirap iexplain.

dug dug dug dug dug dug. <3

oh my gosh!! eto na naman tong heart ko!! bakit ba ganito ang epekto netong lalaking to sakin?!! shemay naman oh. anong gagawin ko??!

"Ganyan ka lang muna Czyreen." bulong niya sakin pagkalapit ng bibig niya sa tenga ko na kinataas ng balahibo ko. anu ba tong ginagawa mo sakin MJ!!! >.<

"Huh??...........O...okay??" eto lang ang nasabi ko pero di ko talaga magets. Maya maya bigla niyang pinatong yung ulo ko sa balikat niya. Hindi na ko umangal..Gusto ko naman eh. hahahahaha, ang landiiiiiii ko po. haha.

Ang bango niya. sheeeeeeet. bakit ba.ang sweet niya sakin??? ano ba yaaaaaaaaan!!! 

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapantasya ay este pagiisip ng bigla kong narinig yung mga lalaking nasa tabi ko.

"Nakuh pre! sayang! may boyfriend na! tsk" sabi nung lalaking may kulay ang buhok na nakaupo sa tapat ko.

"Mapapaaway pa tayo niyan eh! Wag na yan pre!" sabi naman nung lalaking kalbo na katabi nung lalaking may kulay buhok.

"Wag nga kayo!!! di na kayo nahiya pre! katabi ko pa yung pinaguusapan niyo!" sabi nung lalaking nasa tabi ko.

Ako yung pinaguusapan nila??? at ang boyfriend ko na tinutukoy nila si MJ???

"Uhmmm. Excuse me miss pati pre." bigla kaming napatingin ni Mj sa lalaking katabi ko.

"Bakit?" walang emosyong tanong ni MJ.

"Ay pre. pasensya na kayo dito sa mga kaibigan ko ah. Nagandahan lang kasi kay miss beautiful. Di namin alam na girlfriend mo pala!" sabi ulit nung katabi kong lalaki.

"Ha??" ang tanging nasabi ko lang..magsasalita pa.sana ko pero biglang nagsalita si MJ.

"It's ok. Pero kelan pa tayo naging magpare?? Now you know that she's my girlfriend so BACK OFF." cool na pagkakasabi ni MJ pero.halatang inis siya. At diniinan.niya pa yung pagkakasabi sa salitang BACK OFF. Napatahimik naman ang mga lalaking nakipagusap samin. Tumingin ako kay MJ at saktong napatingin din siya sakin.

"Ok ka lang ba??" nagaalalang tanong ko saknya. para kasing nainis talaga siya dun sa mga lalaki.

"Oo. Ikaw ok ka lang ba?" tanong niya

"Oo..anu ka ba. Ok lang naman ako. :)"

"Buti naman kung ganun."

Binalik niya ulit ang tingin niya sa kalsada at ngayon naman nakainter twined ang kamay naming dalawa.

Shiiiitttt! Bakit niya ba ginagawa to?? Kinikilig akoooooo!!!! pero wait. bakit ako kinikilig?? uhmm. erase erase. di ako kinikilig noh! di ko na naman siya crush eh. dati lang yun. PROMISE!!

Sa sobrang pagiisip ko di ko namalayan na nakarating na pala kami sa SM. Binitawan na niya ang kamay ko. Sayang naman. hahah. de joke lang. haha. ang landi ko. >.<

Nauna na kong bumaba saknya at inantay ko siya para sabay kaming maglakad papasok ng mall. Tahimik lang kaming maglakad. Ano ba yan. Parang kanina lang ang sweet sweet niya sakin tapos ngayon wala na. Baka naman pinagtitripan lang ako netong lalaking to. Hmmp. bahala na nga. Kakausapin ko na nga lang.

Perfect TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon