"Hi." nakangiting bati ng lalaking tumabi sakin. Di ko alam kung paano ko magrerract dahil sa pagkagulat. Napansin ata ni Karl na nakatanga lang ako kaya siniko niya ako. Umayos nalang ako ng upo at di ko nalang pinansin ang katabi ko.
Nagumpisa ng magpakilala ang professor na nasa harapan. Maya maya binigay niya ang course syllabus at isa isa kaming kumuha. Ipinaliwanag niya lang ang content ng syllabus namin na hindi ko naman maintindihan kasi hindi ako makapagconcentrate dahil sa dalawang rason. Una, dahil sa katabi ko ngayon si MJ. yeah right tama kayo ng basa. Siya ung tumabi sakin. Di ko alam na magkaklase kami. Hindi ko din naman natanong sakanya kahapon. At pangalawa dahil dito kay Karl na kanina pa din natingin sakin tapos titingin kay MJ. parang nagmamasid.
"Hoy Karlito! pwede ba para kang ewan, wag ka ngang tumingin tingin dyan.. Makinig ka na nga lang." pabulong kong sabi sakanya. baka kasi mahuli kami ng prof namin na nagdadaldalan mukha pa namang masungit.
"Karlito?! WTF!?" sagot naman niya. haha. oo nga noh tinawag ko siyang Karlito. hahhaha. bagay naman sakanya ah. Hindi ko nalang siya pinansin at sinubukan ko nalang makinig sa professor.
"Ok class. As part of our lesson, I want you to group yourselves into five. Make a research on the topic that I will assign to your group and you will present it on class next meeting."
"Czyreen. Tayo na nila Kayla at Karl magkakagrupo." sabi ni Jeanne
"Eh apat lang tayo sino yung isa" tanong naman ni Kayla.
Napaisip naman.si Jeanna at lumingon lingon sa likod kung meron pang wala may kagrupo.
"Lahat na.ata may kagrupo eh." sabi ni Kayla
"Eh kung yang katabi mo kaya Czy?" tanong sakin ni Jeanne na ngayon.ay nakatingin na.kay MJ. Tinignan nila akong dalawa ni Kayla na para bang sinasbi na tanungin ko si MJ kung may kagrupo na kaya kahit labag sa loob ko na.kausapin siya.......
"May kagrupo ka na na?" tanong.ko.kay MJ na nakaupo lang at nagsusulat. Sana lang sabihin niya na meron na dahil ayoko maging magkagrupo kami. ang awkward lang. <finger crossed>
Tumingin siya sakin at biglang ngumiti ng nakakaloko. Parang tanga lang pero bakit lalo siyang gumagwapo??!!! Ay mali! ERASE, ERASE!
"Wala pa." sagot niya sakin habang nakangiti pa din.
"Oh kumpleto na tayo! Yey!!" masayang sabi ni Kayla na may kasamang palakpak pa.
"First time lang magkaron ng kagrupo Kayla??" walang emosyong sabi ni Karl.
"Hahahahahahahahhahahaha" nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Karl. Oo nga naman. Parang bata to si Kayla.
"Sorry naman. Naexcite lang. hehe. Peace yow!" tatawa tawang sabi ni Kayla habang nakapeace sign pa. hahaha.
Pagtapos ibigay samin ang topic na ireresearch namin ay umalis na din kaagad ang professor namin. About sa theory ni Sigmund Freud ang naasign samin. Psychology kasi ang subject namin. Nagusap usap lang kaming 5 kung paano ang division of labor.
"Ganito nalang. magkita kita nalang tayo sa sunday para gawin to. Tutal wala naman tayong pasok nun." suggestion ni Jeanne.
"Oo maganda yan! Para makapagbonding din tayong 5. Getting to know each other ba. :)" excited na sabi ni Kayla.
"Oo nga noh. O sige sa sunday ah. Magkita kita tayo. Pero saan nga pala tayo gagawa??" tanong ni Jeanne.
"Sa bahay niyo nalang Karl." sabi naman ni Kayla.
"Bakit samin pa??" sabi naman ni Karl
"Diba sabi mo kanina malapit lang bahay niyo dito sa school??"
"Malapit?? 2 sakay papunta samin. Kila Czyreen nalang. Mukhang mas malaput bahay nila.
"Uhmmm . Czy. ok lang ba sainyo tayo gumawa??" tanong sakin nila Jeanne at Kayla na parang nagpapaawa pa para pumayag na ko. Tss.
"Ha?? Ah eh.. Oo sige ok lang. Sasabihin ko nalang kila Mommy." nakangiting sabi ko.
"Yun oh!!! So sunday, 8 am dito muna tayo magkita kita sa school since di namin alam bahay niyo Czy." sabi ni Jeanne.
"Ok." sabay sabay namang pagsangayon.
Inantay namin ang next class namin. Algebra next class namin. At as usual, pagpapakilala na naman sa isat isa ginawa at course syllabus. Maaga kaming dinismiss ng professor namin. 4:00 palang dinismiss na niya kami. Nagpaalam na kami nila Jeanne sa isa't isa. Naglalakad na ko sa labas ng university ng makita ko si MJ na nakaupo sa bench sa ilalim ng puno. di namin siya nakasabay kanina palabas ng room dahil para siyang bula na bigla na lang nawala at ngayon para naman siyang kabute na bigla bigla namang susulpot.
Malapit na ko mapadaan malapit sa inuupuan niya. Wala akong balak na pansinin siya dahil wala naman akong sasabhin. nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nakatingin ng diretso pero nakikita ko siya mula sa gilid ng mata ko. Nang mapatapat ako sa pwesto niya di ko mapigilan na mapatingin sakanya. Nakayuko lang siya. Magpapatuloy na sana ko sa paglakad ng bigla kong narinig na suminghot siya.
Teka. umiiyak ba to??
Tinignan ko muna siya para malaman ko kung naiyak ba talaga siya. At tama nga ang hula ko ng biglang may pumatak na luha mula sa mata niya
"Oh panyo." di ko na napigilan ang sarili kong lapitan siya. Ayokong nakikitang umiiyak siya. Madalas ko siyang nakikitang naiyak nung highschool kami kaya parang ayoko na makita pa siya ulit na umiiyak.
"Czyreen?" tawag niya sa pangalan ko na parang nagtataka kung bakit binibigyan ko siya ng panyo. Pilit kong ibinibigay saknya yung panyo ko at kinuha naman niya.
"Salamat dito sa panyo mo Czyreen."
"Wala yun. Wag ka ng umiyak ah." aalis na sana ko pero hinawakan niya ang kamay ko. shiiit. nakukuryente na naman ako.
"Pwede ba dito ka muna Czyreen?? Kailangan ko lang ng makakausap. Please." nagmamakaawang sabi niya sakin. Hindi ako nakatanggi. Umupo nalang ako sa tabi niya at nagantay na magopen siya ng problema niya.
"Czyreen."
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Bakit kaya naiyak si MJ?? hmmm.
Wait for the next UPDATE! :>
Thank you sa mga nagtyatyagang magbasa. haha. <3
BINABASA MO ANG
Perfect Time
Novela JuvenilThis is a story of a girl named Czyreen Jayra Cruz who falls in love many times with the wrong guy but never gets tired of hurting again. Paano kung yung hinahanap niyang pefect person na mamamahalin niya eh nasa tabi tabi lang pala niya pero nagha...