WEDNESDAY
Dalawang araw na ang nakakalipas muka nung nangyari sa mall. Wala kasi kaming pasok kinabukasan nung araw na nangyari yun..Dahil M-W-F at saturday lang ang pasok namin. Mabuti na din yun dahil hindi ko pa alam kung paano haharapin si MJ pag nagkataon. Ewan ko nga din bakit ako umiyak ng umiyak pag dating ko ng bahay nun. Ang alam ko lang nasaktan ako. Pero di ko alam kung bakit. Imposible naman kasing mahal ko na diba?? Crush pwede pa. Pero nawala na din yun nung mismong pinili niyang makipagbalikan dun sa Janella na yun kesa sundan ako!!
Duh??! Ano ineexpect mo na susundan ka niya?? Eh gf niya yun?!! eh ikaw?!! singit ng epal ba konsensya ko.
Eh kasi namin eh!! pero ako naman kasi yung kasama niyang nagpunta sa mall noh!!! bwisit talaga!! Panu na ko ngayon neto??!! panu ko siya haharapin. Arggggghhhhh!!! >.<
"Czy!!!! Anak bumaba ka na dyan. kumain ka na ng almusal baka malate ka pa!" sigaw ni mommy sakin mula sa baba.
"Opo Mi! Bababa na po!"
Tinignan ko muna ang orasan ko. 7:00 am palang. 10 pa naman ang klase ko. Pero aagahan ko nalang para naman mapuntahan ko muna si Claudette para makapagbonding kami. Kinuha ko muna ang phone ko para tawagan si Claudette.
Kringggg.....krrrrriiiinggggg......krrrri...
"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya. Pero bakit lalaki ang boses??
"Uhmmm. Hello po. Pwede po ba kay Claudette. Pakisbi po si Czyreen to."
"Ay sorry miss. wala dito si Claudette eh. Kuya niya to. nasa school na siya ngayon."
"Ah..ganun po ba. Anong oras po kaya ang uwian niya or break niya po?"
"Ang alam ko til 5 pm siya ngayon"
"Ah. ganun po ba..sige po. salamat po."
"Walang anuman..sige."
Binaba na ang kabilang linya. Bumaba na ako para makakain na..Aagahan ko nalang pumasok para di naman ako malate. Pag baba ko nakain na sila Mommy at Daddy. Umupo na ko sa tabi ni mommy.
"Goodmorning Daddy, Goodmorning mommy." masiglang bati ko.sakanila.
"Goodmorning din anak. Anong oras ba ang pasok mo ngayon??" tanong sakin ni daddy habang nagbabasa ng dyaro.
"10 pa po dad. Mi pakiabot p naman po ng fried rice."
"Ah. Hindi ka na namin mahahatid ng mommy mo ah. Umalis na din kasi ang Kuya mo at ate mo pumasok na sila."
Oo. Tama. May Kuya at ate ko. Kukwnto ko sila sainyo some other time.
"Ok lang po dad."
Kumain na kami. Maya maya umalis na sila mommy at daddy. At ako naiwan. Pagtapos kong kumain, tinulangan ko ng magligpit ng kinainan si Ate Mimi. Kasama namin siya sa bahay.
Umakyat ako ng kwarto at nagayos na para makapasok na ko. 9:00 palang naman kaya di ako nagmamadaling pumasok. Umalis na ko ng bahay at kung sinuswerte ka nga naman may nakita akong pamilyar na lalaking nakatayo sa isang kanto ng subdivison namin na parang may inaantay. Tatawagin ko sana siya ng biglang may lumapit saknya babae. Ang iksi ng skirt na suot at nakasleeveless. At mas ikinagulat ko ay nagkiss sila!! Tss. PDA much!!!
Naglakad ako ng mabilis para di nila ko mapansin pero sa kamalas malasan nga naman.....
"Aaaaaaackkkk!" napasigaw ako sa sakit panu ba naman nadapa ako sa sobrang pagmamadali ko! di ko napansin na may lubak pala tong dinaanan ko! leche lang!!! At sa mismong tapat pa nung dalawang naglalandian ako nadapa!!
"Czyreen?!!" sabay pa nilang tawag sakin.
"hehehe. Hi MJ, Janella!" pilit kong ngiti sakanila. panu ba naman ang sakit pa din ng paa ko!! at tong dalawang to tinitigan lang ako imbes na tulungan ako!
"OMG Czy!! what are you doing there?! Bakit ka nakahandusay dyan??!!" maarteng tanong ni Janella. with matching kapit pa sa braso ni MJ.
"AY WALA! SINUBUKAN KO LANG MAGLAKAD GAMIT TUHOD KO PARA NAMAN MAIBA!" sarkatisko kong sagot sakanya with smile na made in china!
"Tulungan na kita." sabi ni MJ. Lalapit na sana siya pero....
"Babe. Let her to stand alone. Kaya niya naman. Baka malate na tayo. Diba Czy kaya mo naman?"'aba at pinandilatan pa ko ng mata netong lintang to!! kung makadikit naman!
"Tss. Oo kaya ko naman!! tumayo ako at kinuha ang bag ko. Buti nalang di pa ko nakauniform. Aalis na sana ko ng pero bigla akong hinawakan ni MJ sa braso.
Shiiit!! Annnnuuuuu baaaaaa!! Nakukuryente ko sa pagkakahawak niya sakin!!!
"Sabay ka na samin ni Ella. Ok lang naman samin diba babe??" sabay baling sa lintang nakakapit pa din sa kanya.
"Babe?? Tss. So kayo na pala ulit?!" tinaasan ko sila ng kilay. hindi naman sa bitter ako pero nabubwisit pa din ako! hindi lang kay Janella kundi pati na din kay Mj!! Sino ba namang di maiinis!! Ang sweet sweet niya sakin nung monday nung papunta kami sa mall.tapos nakita niya lang tong si Janella.parang wala lang ung nangyari!! Bwisit lang talaga!!! >.<
"Yeah! You heard it right. So tsupi ka na sa eksena ok?!!" mataray niyang sabi sakin. Abat ang lakas ng loob ng babaeng tong tarayan ako ah! samantalang nung high school naman kami hanggang nung monday mabait siya. Tss. Lumabas na ang tunay na anyo neto. dati ang hinhin hinhin pero ngayon abat nagtransform.
"Babe stop it!" saway saknya ni MJ.
"Bakit?!! Dont tell me mas kakampihan mo pa yan?!!!"
"Hindi naman sa ganun babe............."
Hindi ko na.sila pinakinggan. Hinayaan ko na lang silang magaway. Bwisit talaga silang dalawa. Kung makapanira ng araw. Masakit pa din tong paa ko. Kahit iika ika ako maglakad keri lang makalayo lang sa dalawang yun. Badtrip lang. Sumakay na ako ng jeep at nang makarating na ko ng university, inantay ko ang Ejeep. Ang layo layo ng building namin para lakarin ko nula dito sa main gate ng univ noh. di ko kaya maglakad ngayon dahil sa paa ko. Tss. Maya maya dumating na ang Ejeep. Pasakay na sana ako ng biglang......
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ano kayang nangyari?? hihi. :>
BINABASA MO ANG
Perfect Time
Teen FictionThis is a story of a girl named Czyreen Jayra Cruz who falls in love many times with the wrong guy but never gets tired of hurting again. Paano kung yung hinahanap niyang pefect person na mamamahalin niya eh nasa tabi tabi lang pala niya pero nagha...