Naglalakad ako ngayon dito sa university para hanapin yung College of Nursing. Kung bakit naman kasi ang laki ng school at hiwahiwalay pa ang building na pinagaralan ko. Hindi ako ang pumili ng school. It's my parents decision. Dito lang ako sa Green University nagtake ng entrance exam at luckily nakapasa ako kaagad.
siguro gusto talaga ni God na magnursing ako dito sa school na to. Baka naman dito ko makikila si love of my life ko. Haaaay. Sanaaaaaaa. :)
Hinatid ako ni mommy dito sa school dapat nga ihahatid pa daw niya ko sa building namin pero sabi ko wag na. Nakakahiya naman. College na ko tapos ganun pa din. Haha.
8:00 ang class ko. pero 7:30 palang naman. Inagahan ko talagang pumasok para may time pa akong maghanap sa building namin. Haaay. pero mas maganda siguro kung magtanong na lang ako. Nakita ko yung babaeng nakaupo sa bench. Nakaear phone siya at nagbabasa.
Malapitan na nga lang. baka mapagod pa kong kakahanap. Magtatanong nalang ako.
"Uhhhmm. Miss pwede bang magtanong??" tanong ko sa babaeng nilapitan ko parang di ako narinig kasi patuloy pa din siya sa pagbabasa kaya tinapik ko ang balikat niya.
"Huh? May kailangan ka ba?? Kanina ka pa ba dyan?? Kilala ba kita??" sunod sunod na tanong niya na parang nalilito pa siya.
"Ang dami mo namang tanong. hehe. Una. Magtatanong sana ako kung saan dito yung college of nursing?" nakangiting tanong ko sakanya.
"Ah. eh. hindi ko din alam eh. hehe. Freshman ka b?" tanong niya sakin
"Oo eh. hindi ko pa alam ang pasikot sikot dito." sagot ko naman.
"Hehe..Ako din eh..Pasensya na ah. Actually kanina pa din ako hanap ng hanap ng building namin pero napagod na ko kakahanap eh. Nalate na ko sa una kong klase." malungkot niyang pagkakasabi
"Uhmmm, ano bang course mo?"
"Tourism. :) ay teka ano nga palang pangalan mo?? kanina pa tayo magkausap hindi naman natin pangalan ng isat-isa"
"Ako nga pala si Czyreen Jayra Cruz. Ikaw anong pangalan mo?"
"Ako naman si Claudette Wyn Ruiz. Uhmm, gusto mo samahan nalang kitang hanapin yung building niyo? 9 pa naman next class ko." nakangiting tanong niya sa akin.
"Uhmm. Eh kasi nakakahiya sayo pero kung ok lang sayo. Sige. :) salamat ah."
"Wala yun. Tara na! :)"
Naglakad na kami papunta sa building malapit sa pinanggalingan namin. May guard naman dun kaya nagtanong nalang kami.
"Excuse me po sir. Saan po ba dito ung building ng nursing at tourism?" tanong ni.Claudette sa guard.
"Nakuh iha. Malayo pa dito yun. Andito kasi kayo sa College of Law. Mabuti pa sumakay nalang kayo ng E-jeep tapos sabihin niyo kung saan kayo ppunta. Umiikot yun sa buong university". sagot naman ni manong guard.
"Sige po. salamat po manong." sabay kaming nagpasalamat kay manong guard.
"Walang anuman..O ayan na pala yung ejeep eh. sakay na kayo." turo ni manong sa paparating na sasakyan. Kulay green ung e jeep..ang ganda. :)) haha
Sumakay na kami ni Claudette. At maya maya nauna na siyang bumaba. Nagpalitan na din kami ng number para makapagkita din kami pag may time. Mabait si Claudette. Medyo may pagkakalog din. haha. Maya maya nakarating na din ako sa.building.namin.
Eto na. College na talaga ko. Kaya ko to. haaaayyy. kinakabahan na ko. Mabuti pa hanapin ko na yung room ko.
Nasa 4th floor pa ang room namin. may elevator naman kaya keri naman siguro kahit 5th floor pa. Tumapat na ko sa elevator at saktong bumukas ang pinto.
Ayos. walang tao. haha. :) solo ko ang elevator..
Pasara na sana ang pintuan ng elevator ng biglang.....
"Teka!! Wait lang!!"sigaw ng lalaki habang tumatakbo palapit sa elevator kaya bago pa sumara pinindot ko yung.button para magbukas ulit. Pumasok agad yung lalaki sa elevator at mukhang hingal hingal. Nakahawak siya sa tuhod niya at parang kinakapos sa hininga. Tinignan ko lang muna siya baka kasi mahimatay bigla. Tumingin na.lang ulit ako ng diretso sa.pintuan ng elevator mukha naman kasi ok lang siya.
"Miss. Thank you nga--" napatingin ako sa kanya nung nagsalita siya at agad naputol ang sasabihin niya.
"Czyreen?", "MJ???" sabay naming tawag sa pangalan ng isa't isa.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Sino kaya si MJ sa buhay ni Czyreen?? ahahah. I'm sooo excited for the progress of my first story. :)
Next time ulit ang update.. may pasok pa ko bukas. :)
BINABASA MO ANG
Perfect Time
Teen FictionThis is a story of a girl named Czyreen Jayra Cruz who falls in love many times with the wrong guy but never gets tired of hurting again. Paano kung yung hinahanap niyang pefect person na mamamahalin niya eh nasa tabi tabi lang pala niya pero nagha...